CHAPTER TWENTY
The Princess in Disguise
Frost Nicollo Fynn
Agad kong hinawakan ang palapulsuhan ni Lara, nag-aalala ako sa naging reaksyon niya nang mabasa ang sulat galing sa headmaster ng akademya.
“Hindi pa.” Sagot ko sa kanya at agad na pinulot ang sulat na nahulog mula sa kanyang mga kamay, ang sulat na ang prinsesa mismo ang nagbigay nito sa akin kahapon, ang bisita ko na sinabi kong si Lucas. Bumuntong hininga ako at muling tinitigan ang sulat.
“Hindi pa? Papayag ka nga?” Tanong muli nito.
“Lara..”
“Naiintindihan naman kita Frost e, pero sana naman maisip mo na magkalaban ang mundo nila, kung papayag ka, magiging magkalaban na rin tayo.” Nagsimula na siyang umiyak saka binawi ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak at pinunasan ang kanyang luha.
“Pero hindi kita aalisan ng karapatang pumili. Sige aalis na ako.” Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na siya papaalis. Hahabulin ko na sana siya pero hindi ko na siya nakita. Laglag ang balikat kong umupo sa upuan.
“Anong nangyari dun?” Tapik sa balikat na tanong sakin ni Chester. Tumingin ako sa hawak kong papel.
“Ayaw niyang tanggapin ko to.” Sagot ko sa kanya.
“Eh di’ ba dapat sekreto yan?” Tanong naman nang kararating lang na si Eigenn, kinuha nito ang sulat saka inilagay sa lalagyan ng mga gulay.
“Nakita niya e.” Hindi ko naman dapat sabihin kay Lara ang tungkol dito, kaya lang nalaman na niya, ano pa bang magagawa ko? Ilang taon din akong nangarap na mapasok sa akademya nila at ma-ensayo ang kakayahan ko, eto na dapat yung pagkakataon na yun.
Kaso si Lara...
Ayaw niya.
Aeon Nyx Evynder
Kasalukuyan kaming nag-eensayo dito sa loob ng training room, kararating lang kasi ni Molly at agad pang inutusan ang lahat na magpa-training agad, tumigil ako sa aking ginagawa at tiningnan siya mula dito. Binabato niya ng mga daggers ang bawat mummy na makikita niya, para siyang galit. Hindi niya kami pinapansin simula kanina nang dumating siya, iba pa ang lakas ng awrang naramdaman ko sa kanya. Earth ang elementong kapangyarihan niya, siguro ay may alam dito si Lance.
“Hoy! Nong' nangyari dun?” Turo ni Lance kay Molly na hindi pa din tumitigil sa pagbabato, natigil na kaming apat at tumingin sa kanya pero hindi niya pa din kami napansin.
“Hindi ko alam, lupa ka diba? Dapat alam mo.”
“Hindi porke lupa ako ay alam ko na kung anong nangyayari sa kanya.” Sabi nito habang pareho kaming napatingin kay Molly. Nilapitan na nga ito ni Herin e, pero para bang wala siyang napapansin, hanggang sa muntik na niyang mabato ng dagger si Herin at buti na lang ay nakilala niya ito.
“Ano bang nangyayari sayo?” Medyo malakas ang boses ni Herin kaya siya nilapitan ni Brian at tinapik sa balikat. Siguro ay hindi na din niya natiis ang pandededma sa amin ni Molly kaya ganun na lamang ang pagtaas ng boses niya.
Dahil yun ang pinaka-ayaw niya ang hindi siya papansinin ni Molly.
“Wala.” Maikling sagot ni Molly, saka nito pinalutang ang isang dagger at ibinalik sa lalagyan nito. Ilang sandali pa'y padabog ito na umupo sa sulok.