CHAPTER THIRTY-TWO
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
Pumungay ang mga mata nito, naghihintay sa katotohanang ipagkakaloob ko sa kanya.
“Lumayo ka muna sa'kin.” Natigilan ito. Kasalukuyan pa kasing nakayakap ito sa'king bewang. Bahagya siyang umatras sapat lamang upang may kunting distansya kami. Taas-noo akong tumingin sa kanya at huminga ng malalim.
“Hindi lingid sa iyong kaalaman na magkalaban na tayo. Huwag kang pakampante.” Panimula ko.
“Kampante akong hindi mo ako sasaktan.”
“Magagawa ko kahit ano Frost.” Sagot ko sa kanya. “Dahil hindi lang ako isang simpleng enchanter. Hindi mo pa ako kilala.” Mahina itong tumawa.
“Kilalang-kilala kita. Para saan pa't minahal kita?” Napalunok ako sa sinabi niya ngunit hindi pa rin ako nagpatinag.
“Iyon ang pinakamaling nagawa mo.”
“Tama yun, Lara. Sa lahat ng ginawa ko iyon lang ang alam kong tama.” Bahagya siyang lumapit sa'kin kaya umatras ako.
“Mali yun Frost.”
“Bakit mo naman nasabi? Mali din bang minahal mo ako, Lara?” Muli akong napalunok dahil sa naging tanong niya.
“Napagtanto ko. Mali pala talaga.” Buong tapang kong sagot sa naging tanong niya. Napailing ito.
“Pati ba sa mga bagay na yan niloloko mo'ko?” Tiningnan niya ako. Pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Agad niya iyong pinunasan.
Napakagat-labi ako. “Kasi ako Lara, hindi kita niloloko sa bagay na yan. Mahal kita, mahal na mahal.”
“Hindi. Totoong mahal kita, pero mali yun. Dapat hindi na pala, masasaktan ka lang.. Masasaktan lang ako.” Nag uulap ang mga mata ko, pero pinigilan kong pumatak ang mga luha ko.
“Hindi ako masasaktan Lara. Bumalik lang tayo sa dati. Bumalik ka lang sa'kin! Kahit isakripisyo ko pa ang pagiging prinsipe ko sa Pameleon, o ang totoong posisyon ko sa Olinia. Ikaw na lang ang gusto ko ngayon.”
Napahikbi ako. “Hindi na ako maghihiganti, ititigil ko na to, kung yun ang gusto mo.”
“Sasabihin mo pa kaya yan kung malaman mo kung sino talaga ako?” Kinagat ko ang labi ko at pinunasan ang mga luha.
“Kilala kita, Lara. Subukan mo’ko.”
Napailing ako.
“May tungkulin akong dapat gampanan.” Nanatili ang tingin ko sa kanya, ang mga titig niya ay nanatili din sa akin. Mapait akong ngumiti. “Frost, hindi ako isang enchanter.”
Walang nagbago sa ekspresyon niya. Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko.
“Isa akong maharlika.” Pagpapatuloy ko. “Isa akong prinsesa.” Tiningnan niya lang ako. Nagsimula na akong magtaka kung bakit hindi man lang siya nagulat. Pero walang emosyon ang kanyang mukha, nanatili lamang ang titig niya sa akin. “Oo, Frost. Tama ka sa naging hinala mo sa'kin noon. Ako nga ang hinahanap nilang Prinsesa ng Olinia.”
![](https://img.wattpad.com/cover/82319830-288-k109516.jpg)