CHAPTER FOURTY
The Princess in Disguise
Pagkalipas ng isang buwan...
“Salo!”
Sigaw ni Aeon habang pinalipad niya patungo sa nag-aabang na si Lance ang kanyang bolang hangin.
Bumuo ng baseball bat si Lance gamit ang bato, at malakas na pinadapo iyon sa air ball ni Aeon. Nanlaki ang mga mata ni Aeon dahil sa nakita.
“Letse ka! Sabi ko salo!”
Iritang sigaw niya sa kaibigan.
“Letse ka rin, ayan saluhin mo!”
Pabalik na sigaw ni Lance sa kanya.
Paglalahuin na sana ni Aeon ang kanyang bolang hangin, nang mabilis na dumaan ang isang binata. Malakas iyong tinamaan sa ulo dahilan nang pagkabagsak nito sa lupa.
“Hala! Herin!”
Sabay na sigaw ni Aeon at ni Lance, at lumapit sa namimilipit sa sakit na si Dranreib. Dranreib Freo.
“Mga ungas! Ang sakit!”
Daing na sigaw nito. Nagkatinginan sina Lance at Aeon at sabay na napalunok.
“Takbo!”
Mabilis silang tumayo at tumakbo.
“Kapag naabutan ko kayo! Gagawin ko kayong pretong hangin at lupa!”
Sigaw ni Dranreib bago mabilis na tumakbo at sinundan ang dalawa. Mabilis silang pumasok sa isang silid aralan, at doon nadatnan nila ang seryosong si Aidan. Nakatingin ito sa kanila.
Ilang sandali pa ay sabay silang nagtago sa likuran nito.
“Itago mo kami yelong apoy. Ang kapatid mong apoy, bumubuga na naman ng apoy.”
Naguguluhang tiningnan ni Lance si Aeon, dahil sa mga pinagsasabi ng bibig nito.
“Puro ka nalang apoy! Kasalanan mo talaga to hangin e!”
Bulyaw ni Lance sa kanya. Napaismid lang si Aeon at inangat ang tingin kay Aidan. Bakas pa rin ang kaseryosohan nito. Isang buwan na siyang ganyan simula nang mawala si Lliara. Isang buwang seryoso, at bilang lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Napabuntong hininga ang dalawa at tatayo na sana nang makita nila si Dranreib na kakapasok lang sa silid-aralan na kinaroroonan nila.
“Aidan. Nakita mo ba ang dalawang ungas nayun dito?!”
Alam nilang napansin na sila ni Dranreib, ngunit mas pinili nitong tanungin ang kapatid.
Matapos ang naging desisyon ni Aidan tungkol sa kanilang parusa ay ginawa na nito ang lahat para magkaayos sila ng kapatid.
“Sa likod ko.”
Matipid na sagot ni Aidan, na ikinalaki ng mga mata ni Lance at Aeon. Ngumisi silang dalawa at sabay na nagteleport sa pintuan.
“Habulin mo kami, apoy!”
Tatawa-tawa nilang tiningnan si Dranreib na masama na ang tingin sa kanila. Sabay na naglaho silang dalawa at napadpad sa likod ng akademya, kung saan nagtatambay si Brian.