CHAPTER TWENTY-FIVE ✓

2.1K 50 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria



“Ama, talagang narinig ko iyon. Isa siya sa mga pinuno ng Pameleon.” Nasa isang silid kami, sa silid ng konseho. Nandito ang mga hari at seryosong nakapalibot sa pabilog na mesa. Tahimik lamang silang nakikinig sa mga sinabi ko kanina, hindi ko nga alam kung bakit wala man lang silang reaksyon. Si Ama lang ang naging tinig nila dito sa loob. 






Pagkarating ko ay nakasalubong ko si Ama, ang pag-aalala ay agad nakaplaster sa kanyang mukha. Pero hindi ko na pinatagal pa ang mga nalaman ko. Sinabi ko iyon sa kanya. At nang maggagabi na ay pinatawag niya ang mga kaibigang hari para sa pagpupulong na ito.




Nabaling ang atensyon ko kay haring Lauro nang tumikhim siya. Hindi man lang siya nababakasan ng pagkabahala sa nagdaang nangyari sa kanya sa sariling palasyo. Seryoso itong nakatingin sakin, kalauna'y tumayo at dahan-dahang pumaikot sa pabilog na mesa. “





“Kung ganun, tama ang hinala ko.” Nagtataka kong sinundan siya ng tingin, huminto ito sa likod ni ama. Sa lahat ata ng nandito sa loob ay ako lamang ang naguguluhan sa sinabi niya.







“Lauro, kung ganuung naghihinala ka na pala, bakit ngayon mo pa lang ito sinabi?” Tanong naman ng ama ni Aeon. 




“Dahil ayokong magkamali.” Seryoso lamang na sagot ni Haring Lauro bago sila nagkatinginan ni Ama. Bumalik ito sa pagkakaupo sa kanyang upuan bago ako binalingan ng tingin. Ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa mesa at pinagsiklop ito.

“Mahal na prinsesa, kung hindi mo mamasamain, nais ko sanang manatili ka sa bahay ng enchanter na iyong sinasabi.” Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya, hindi nila alam kung ano ang kaugnayan ko kay Frost na enchanter na sinasabi nila. 






“Ngunit Lauro...” Napatayo si ama sa kanyang kinauupuan ngunit tiningnan lamang siya ni Haring Lauro ng isang makahulugang tingin.




“Ito lang ang paraan na alam ko Zander. Sigurado ako na may dahilan ang misteryosong nilalang na iyon kung bakit siya palaging nagpapakita kay Lliara. At hindi niya magagawang magpakita dito sa loob mismo ng Olinia.” Seryosong wika ni haring Lauro.




“Anak ko ang sangkot dito Lauro, ayokong ipahamak si Lliara, dahil sa kapabayaan ko.” Matiim-bagang turan ni ama na siya na namang nagpagulo sa aking isipan.






“Kapabayaan natin itong lahat.” Sa wakas na nagsalitang ama ni Lance. Hindi ko na napigilan pang magsalita dahil na rin sa ako lang ata ang walang alam sa mga sinasabi nila.




“Kung hindi niyo mamasamain, nais ko sanang malaman kung ano ang sinasabi niyong kapabayaan?” Tiningnan nila akong lahat, kalauna'y bumaling ang tingin kay ama. Yumuko si ama na wari'y sa kanya ibinuntong ang kasalanang nagawa. 





“Sige, hahayaan muna namin kayong mag-usap.” Suhestiyon ng ama ni Brian. Bumuntong hininga si Haring Lauro bago tuluyang tumayo.




“Isang malaking problema ito Zander, at kailangan natin ang iyong anak.” Huling sinabi nito bago sila tuluyang lumabas ng silid. Ibinaling ko ang aking atensyon kay Ama. Hindi nito magawang tingnan ako sa hindi ko alam na dahilan.




“Ama, gusto kong malaman ang buong katotohanan.”








Janine Fynn

The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon