CHAPTER TWENTY-FOUR ✓

1.8K 52 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria

Bahagya kong nahilot ang sintindo ko bago pumasok sa loob. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at umupo na sa upuan, nilibot ko naman ang paningin sa paligid ko. Namiss ko to' ah!



“Janine? Nasan ba kasi ang kuya mo?” Nasa bahay ako nina Frost, hindi na ako nagpaalam kay ama, natitiyak ko namang hindi niya ako papayagan. Kaya lang pagdating ko dito, si Janine lang ang nadatnan kong nakatulala sa labas, na para bang may malalim na iniisip.



“H-hindi ko alam ate L-lara.” Kumunot ang noo ko sa pautal-utal na boses nito. Kagat-kagat din niya ang mga kuko niya na para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.



“Janine, may tinatago ka ba sakin?” Tumayo ako at nilapitan siya, hinawakan ko ang balikat niya saka siya pinaupo. “Nasan ang kuya mo? Ayokong nagsisinungaling ka.”

Bumuntong hininga siya saka napapansin kong namumula ang mga mata nito. Para siyang naiiyak, kaya sa naging reaksyon niya ay kinabahan ako.


“Janine, may nangyari ba sa kuya mo?” Natataranta kong tanong. Ilang araw na akong hindi nakapunta dito, dahil maliban sa abala kami sa pag-eensayo ay hindi ko rin magawang iwan ang aking ama sa palasyo matapos ang mangyari sa kaharian ni Haring Lauro.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Javier sa araw na yun.


At habang tinititigan ko siya, bigla siyang nagiging pamilyar sa akin.


“Ate, wala.” Tuluyan ng umiyak si Janina, bigla niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko.



“A-ano ba kasing nangyari?”



“Ate..” Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa damit ko sa aking likuran habang nakayakap siya sa akin. “Patawarin mo ako. Pakiramdam ko ang sama sama ko.” Napalunok ako, hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Oo, sinabi ko sayong ayoko sa Olinia, na kahit kailan hindi ko sila papanigan.”

Nanginginig ang mga kamay niya, taas-baba din ang kanyang balikat. “Pero sa twing’ gumagawa ako ng mga bagay na hindi ko gusto dahil wala akong pagpipili-an, pakiramdam ko ate, ang sama sama ko na. G-gusto ko lang naman na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lolo, pero—”






“Janine.” Napatigil sa pagsasalita si Janine at humiwalay sa pagkakayakap. Sabay kaming tumingin sa kararating lang, ngunit nabawi din ito nang tatakbong pumasok si Janine sa kanyang silid. 


Sinundan ko siya ng tingin at napahawak sa sariling pisngi. Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako sa sinabi niya.


Gusto ko siyang aluin, at sabihin sa kanyang hindi siya masama.


Gusto ko ring’ malaman kung bakit niya iyon sinabi at kung ano ang ibig niyang sabihin?








“Lara.” Nanlamig ang buong sistema ko nang marinig ko ulit ang boses niya, hindi dahil sa natatakot o ano, ramdam ko kasi ang lamig sa boses niya.





“Frost.” Tumayo ako at kinunutan siya ng noo. Magulo ang buhok nito at walang emosyong nakatingin sakin. Bumabalik na naman siya sa dati, ang dating ang hirap pa niyang basahin. Mapait itong ngumiti na para bang ang hirap para sa kanyang gawin iyon.



“Akala ko kasi kinalimutan mo na ako.” Dire-diretso siyang umupo sa harap ng inuupuan ko kanina, naninibago ako sa pinapakita niyang ugali ngayon. Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo at sinuri siya. Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya, siya pa rin naman yan, wala namang nawala, walang nagbago, maliban sa ugali niya.

The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon