CHAPTER EIGHTEEN ✓

2.2K 64 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria




“YAAA!!” Sabay-sabay kong ibinato ang mga daggers sa puno, may ibang sumablay, may iba din namang naawa sa akin. Talagang hindi ako magaling kapag punyal na ang pinag-uusapan.




“Whoo. Hindi na masama.” Sinamaan ko ng tingin sina Herin at ang tatlo na tumatawa pa, pinagtatawanan ang pagkasablay ko. Bumuntong hininga ako. Naalala ko na naman si Frost, kumusta na kaya siya?




Dalawang araw na ako dito sa Olinia, at kahit sandali pa lamang ay nakakaramdam na ako ng kahungkagan.








“Oh ba't bigla kang nalungkot jan? hayaan mo matututo ka rin.” sabi naman sa akin ni Herin nang makalapit.






Malungkot ko siyang tiningnan. Ayos lang kaya sa kanya na hindi ako tutupad sa usapan naming dalawa?



Na kami ang magkakatuluyan sa huli?





Kasi parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang tuparin iyon.



“Syanga pala, may pupuntahan akong kaibigan ngayon sa labas ng kaharian, pwede ba?” Pagpapaalam ko sa kanila. Plano ko kasing puntahan sila Frost, hindi lang para kumustahin kundi dahil narin sa namimiss ko na sila. 





“Pwede ba akong sumama?” tanong naman ni Herin. 



“Oy, anong ikaw lang? Kami din!” Tutol ni Lance. Napadako ang tingin ko kay Aeon, sa kanilang apat kasi, siya iyong malakas tumutol. Nakatingin lang siya sakin, na para bang alam na niya kung sino ang pupuntahan ko at kung saan ako pupunta. Oo nga pala.






Alam na nga niya. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kina Herin.


“Ah, pwede bang sa susunod na lang? ako lang muna ngayon, pwede ba?” Nakayuko kong tanong sa kanila. Ilang sandali ding hindi sila umimik, kaya't nagsimula na akong kabahan at maghinayang. Kung noon araw-araw kong nakikita sina Frost, ngayon, hindi na pwede, dahil oras na para gampanan ko ang tungkulin ko dito sa aking kaharian. 







“Sige.” Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Aeon. Napansin ko pang siniko siya ni Lance pero hindi ito nagpatinag, nakatingin lamang siya sakin at ilang sandali pa'y ngumiti.  “Ayoko namang makikita kang malungkot.” Dagdag pa nito. Ngumiti ako ng malapad sa kanya at agad siyang niyakap. 





“Salamat.” Sabi ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.







“Basta ba't mag-iingat ka dun.” Wika nito. Tumango ako ng mabilis at tiningnan ang tatlo. Sila na lang kasi iyong matigas ang ulo na hindi ako pinapayagan.

“Payagan niyo na.” Sabi ni Aeon sa kanila. Sabay pa silang bumuntong hininga at mahinang tumango.



“Hala, Salamat.” Masaya kong sabi bago nagpaalam. 





“Babalik agad ako.” Dagdag ko at naglaho. Napadpad ako sa labas ng kaharian, medyo malayo-layo pa ang bahay nina Frost dito kaya nagteleport na lang ako papunta doon. Napadpad naman ako sa kanilang hardin, sapat na para maaninag ko dito ang bahay nila, pero sarado ang pintuan nito.





Napakamot ako sa ulo ko nang maalala kong wala nga pala sila rito sa mga oras na ito, kun’di na sa bayan. Sa sobrang katangahan ko, mas binabawasan ko pa ang oras na makasama ko sila. Agad akong nagteleport papunta doon, ngunit dahil sa limitado naman ang abilidad kong magteleport, napadpad ako sa isang maalikabok na lugar.








The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon