CHAPTER TWENTY-ONE
The Princess in Disguise
Frost Nicollo Fynn
Tumalon ako mula sa pinakamataas na puno sa likod ng akademya— sa akademya ng Olinia. Balak ko kasing puntahan si Lara dito, hihingi sana ako ng pasensya sa kanya at Hindi na ako makapaghintay ng ilang araw kung kailan ulit siya magpapakita.
Nakasuot ako ng itim na jacket na may hood. Ayoko namang may makapansin sa akin dito, sana lang makita ko si Lara dito sa likuran.
Pa simple akong naglalakad hanggang sa makarating na ako sa likurang gate ng kanilang akademya, sa totoo lang ay hindi ko unang pagkakataon dito, nakapunta na rin ako dito noon, yun nga lang ng palihim, sa kasamaang palad kasi, bawal dito ang mga enchanters na gaya ko.
Dumaan ako sa masikip na bahagi ng pasilyo parang isang underground itong pinasukan ko, may mga malalaking dungeon kasi dito at bahagyang natatabunan ng naglalakihang pader ang liwanag. Pero kahit ganun pa man, hindi kagaya sa Pameleon ay wala kang malalanghap ni kahit kunting alikabok dito.
Bahagya akong nagtago sa likod ng pader nang bumukas ang malaking pintuan.
“Bakit ba tayo dito dumaan?” Tanong nang isa sa kanila.
“Alam niyo namang hindi tayo pwedeng makalabas dito diba?”
“E, bakit tayo lalabas?”
“Pupunta tayo sa bayan. Tagal ko na ring hindi nakapunta doon, saka ayokong mag-ensayo, nakakapagod!” Nakalagpas na sila sa akin at patuloy pa rin ito sa pag-uusap. Kung ganuun ang lahat ng mag-aaral sa akademyang ito, ay tiyak na wala silang laban sa mga Pameleon.
Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at nagpunta sa pintuan na binuksan nila kanina lang. Pinihit ko ito, at kapag sinsiswerte ka nga naman.
Bumungad sakin ang mahabang hagdan paitaas, tatakbo ko itong inakyat hanggang sa makarating na ako sa dulo. Umapak na ako sa sahig nang biglang maglaho ang hagdan na inakyatan ko kanina.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, nasa unang palapag ako sa loob ng kanilang akademya, walang mga mag-aaral dito, marahil ay nasa bawat klase pa ito. Naglakad na ako sa mahabang pasilyo nila, naninibago ako sa lugar na ito dahil iba ang itsura nito sa akademyang napuntahan ko kahapon. Kulay puti at ginto ang makikita mong kombinasyon dito, napakaaliwalas sa pakiramdam.
“Aray! Ang sakit na talaga ng braso ko!” Narinig kong daing ng isang babae.
“Yan' kasi hindi ka nag-iingat.”
“Paano' ba naman, galit ata sakin yung weapon summoner nayun!” Yumuko ako at ipinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa upang hindi nila ako mapansin. Ramdam ko naman ang paghinto nila at bahagyang pag sunod ng tingin nila sakin.
“May bagong lipat ba?” Nagtatakang tanong nung babae sa kasama niya.
“May nakita ka lang na bago sa paningin mo, bagong-lipat agad?” Bara naman sa kanya ng kasama niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang mapansin kong nagsilabasan ang mga mag-aaral sa isang silid. May nakaukit na mga salita sa pintuan nito na kulay ginto 'Training Room'.
“Nakakapagod naman.”
“Akala ko academics lang tayo, nagpap-training agad?”