Namuhay akong sanay sa luho, at nakaharap sa maraming ginto. Pero kahit ganunpaman, hindi ako naging masaya sa piling ng mga taong may mataas na katungkulan.
Pinamumunuan nila ang mundong kinatatayuan ko, nakaluhod ang mga nakakababa sa kanila at hindi iyon nakakamanghang isipin na isa ako sa mga tinitingala ng lahat.
Tumatakas ako sa mundong kinaiinggitan ng lahat at minsan ng gustong mamuhay sa mundo na may simple at normal na pamumuhay na inaayawan ng nakararami sa kanila.
Hindi naging masaya ang pamumuhay ko, iba ito sa sinasabi nilang fairytale, sapagkat ako, na isang prinsesa, ay tinatakpan ang buong pagkatao.
“Luhod!” narinig kong sigaw ng isang gold collector habang pinapaluhod ang isang enchanter, nakatakas na naman kasi ako sa kaharian at pilit na nililibang ang sarili sa labas nito. Nakakamalas nga lang at ito pa ang makakasalubong ko. Lumapit ako sa kanila, tinatakpan ng pulang maskara ang aking mukha at nakasuot ng pulang cloak. Marami ng mga enchanters ang nakatingin, pinapalibutan sila, pero ni isa ay walang nagtangkang lumapit upang ipagtanggol ang kasama nila.
“Bingi ka ba? sabi ko Luhod!” paulit-ulit na sigaw ng gold collector, nang makalapit ako ay saka ko pa napagtanto na isang matanda pala ang pilit na pinapaluhod niya. Mas lalong namuo ang galit sa aking puso.
Isang gold collector lamang, pinapaluhod ang isang matanda?
Sino ang nagbigay sa kanya ng karapatang maghari-harian?
“Wag mo siyang susundin!”
Pagpipigil ko sa matanda nang makita ang akma niyang pagluhod, nahihirapan ang nanginginig niyang mga paa dahil sa panghihina, mabilis akong lumapit sa kanya upang ilayo siya sa gold collector.
“Pagpasensyahan mo na ang kanyang ginawa Lo, hayaan mong ako ang magbibigay sa kanya ng leksyon.” sabi ko sa kanya, nasasaktan dahil sa hirap na nakikita ko sa kanyang mga mata, inilapit ko siya sa kanyang mga kasamahan at mabilis kong binalikan ang gold collector na ngayo'y nakangisi sakin.
“At akala mo ba matatakot ako sayo dahil sa hindi ko makita ang iyong mukha?” pang-aasar niya sakin. “Pwes! nagkakamali ka! Dahil sino ka? para labanan ang mas nakakataas sa iyo?”
Sino ako?
Napangisi ako.