CHAPTER THIRTY-FOUR
The Princess in Disguise: Dranreib Freo
Frost Nicollo Fynn
“Ayan! Mamatay ka!” Sigaw ng nilalang na kasama ko matapos niyang kitilan ng buhay ang huling kalaban namin. Napa-angat ang tingin ko sa ngayo'y magkahalong puti't itim na kalangitan. Natatakpan na nito ang buwan na tanging nagbibigay liwanag sa gabi.
“Ano?! Pagmamasdan mo na lang ba ang kalangitan? Kailangan nating sundan si Lliara.” Matiim ko siyang tiningnan.
“Gumalang ka sa iyong Prinsesa.” Nakatiim-bagang kong wika sa kanya. Natahimik ito na tila ba may naisip.
“Oo nga naman. Gagalangin ko ang aking magiging Prinsesa.” Seryoso ang tingin nito sakin. Ang sinabi niya ay naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Anong ipinaparating niya?
“Kung sa tingin mo ay maaagaw mo siya galing sakin, ay nagkakamali ka. Dadaan ka muna sa'kin bago mangyari yun.” Nag-igting ang bagang ko ng isang ngisi lamang ang isinagot niya.
“Tandaan mo, hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng pinaghirapan ko.” Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon nang marinig ko ulit ang boses niya.
“Sa buong buhay ko, hindi ko naramdaman na itinuring niya akong anak. Alam ko ang katauhan ko noon pa man. Pero may kasunduan kami, Frost. Ako ang magmamana ng trono ng kaharian ng apoy at ikaw sa buong Olinia. Ngunit alam mong pwedeng magbago iyon! Hwag kang pakampante.” Nakatiimbagang ko siyang tiningnan.
“Hayaan mo! Pagkatapos ng laban na ito, ikaw naman ang tatapusin ko. Traydor!”
“Bakit hindi nalang ngayon? Yelong apoy!” Ikinuyom ko ang palad ko at huminga ng malalim.
“Bakit hindi mo nalang muna ako galangin, bago ka matulog habang buhay?” Ramdam ko ang pamumuo ng yelong apoy sa aking kamao. Ngunit pinipigilan ko ang sarili kong isuntok ito sa kanya. Ayokong maging masama ulit kay Lliara. Nagteleport na ako papunta sa Pameleon nang makaapak ay naramdaman ko agad ang malakas na enerhiya sa kapaligiran. Malakas ang hangin, nadadala nito ang mga sanga at dahon sa paligid. Nililipad ito hanggang sa himpapawid.
“Akalain mo nga namang dito pa tayo magkikita.” Hinarap ko ang pamilyar na boses na iyon. Isang nilalang na nakalutang gamit ang buhawi sa kanyang paanan. Bakas sa tindig nito ang pagiging Prinsipe. “Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyo sakin, nilalang.” Ngumiti ako sa kanya.
“Ngunit malakas ka, kaya hindi ka natulog ng habang buhay.” Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko. “Maligaya akong muli kitang nakita, Nyx.” Napaatras ito na para bang hindi inaasahan ang narinig niya.
“Paano....?” Marahas itong bumuga ng hangin at umiling. “H-hindi ko maintindihan. Isang nilalang lang ang tumatawag sa akin sa pangalang yan. Alam niyang naiinis ako kapag tinatawag ako sa pangalawa kong pangalan.”
Wika nito na tila ba naguguluhan. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. “I-ibig mong sabihin..” Nanlaki ang mga mata niya.
“Aidan Herin.” Mabilis ang pag-iling nito na tila ba hindi naniniwala.
“Hindi ako naniniwala sayo! Kasama ka sa muntik ng pumatay sakin, at si Aedan Herin lang ang kilala kong anak ng Hari.” Tumiim ang tingin nito sakin.