CHAPTER FIVE ✓

3K 84 0
                                    

CHAPTER FIVE

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria




Ilang beses akong napalunok habang nakatingin kay Prinsipe Brian na tila nagmamasid sa bawat enchanter na nagtitinda dito. Tumalikod ako at nagkunwaring may ginagawa. 




“Hala! Ang isa sa mga Prinsipe ng Olinia.” Rinig kong sabi ni Janine dito sa aking tabi. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Batid kong papunta ang mga yapak niya dito sa aming kinaroroonan. Si Prinsipe Brian ang Prinsipe ng Kaharian ng elementong tubig. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Herin. Isa siya sa mga makukulit na prinsipe na palagi akong ginugulo tuwing gabi. Kaya nakapagtataka kung bakit mag-isa lamang siya ngayon. Ano kaya ang ginagawa niya dito sa bayan?





Hinahanap ba niya ako?



Nagkunwari muli akong may ginagawa nang may mga paa'ng ramdam kong huminto dito sa pwesto namin ni Janine.




“Magandang umaga binibini.” Rinig kong bati nito kay Janine. Ngunit ni isang salita ay wala akong narinig galing kay Janine. Naiintindihan ko naman siya, hindi  sa amin ang kanyang simpatya. “Ah, nakaka-istorbo ba ako sa iyo? Pasensya ka na kung ganuun.”





Paumanhin nito at narinig ko na lamang ang kanyang mga yapak papalayo. Napabuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang aking sarili, bago ko muling hinarap ang hindi umiimik na si Janine nang maramdaman ko ang tuluyang pagkawala ng presensya ni Brian dito sa bayan, ngunit kumunot ang noo ko, nang wala akong makitang Janine dito sa aking tabi. Asan kaya yung batang yun!?





“Ate, hindi mo man lang pinansin si Prinsipe Brian.” kunot parin ang noo ko habang nakatingin sa kakalapit lamang na si Janine. Saka ko lamang napagtanto na ako pala, ang kinakausap ni Brian kanina.




“Saan ka galing?” Agad na tanong ko kay Janine, dahil hindi ko naman inakalang wala pala siya sa aking tabi kanina, at akala ko siya iyong kinakausap ni Brian.






“Ayoko kasing mabighani sa taglay na kagwapuhan ng prinsipeng isa sa aming kinamumuhian. Kaya, pumunta ako sa pwesto ni kuya.” sagot nito, na nagpabigat sa aking kalooban.






“Bakit pati sila?”




“Wala, damay-damay lang.” Tinatamad na sagot nito at bumalik na sa kanyang ginagawa.





Buong maghapon akong nakatingin kay Janine at sa ibang enchanters dito. Hindi ko lubos maisip na maaaring marami sa kanila ang may ganuong pakiramdam din para sa amin. Ganun na ba kasama ang tingin nila sa amin? Hindi ba nila nakita ang kasamaan ng mga Pameleon, ee kung tutuusin sila itong mga kalaban e! Hindi ko tuloy maiwasang magmura sa aking isipan, na pati ngipin ko gusto ng magtagpo sa galit!

Noon pa man, ayoko na talaga sa mga katulad nila, dahil sila ang pumatay sa ina ko, sa ina kong hindi ko man lang nakita.





“Ayos ka lang ba Ate Lara? kanina pa kita napapansin sa bayan. Parang ang lalim-lalim ng iniisip mo.” Tanong ni Janine nang makauwi na kami sa bahay.




“Ayos lang ako Janine, hindi ko lang kasi lubos maisip kung bakit sa mura mong edad ay ganuon na lamang katindi ang iyong nararamdamang pagkamuhi sa mga taga Olinia.”






“Alam mo na naman ang dahilan diba Ate? Noon pa man, palagi ng sinasabi sa akin ni Kuya na masasama sila, na noo'y hindi ko pinaniwalaan, pero dumating ang panahon na isa din ako sa mga naging saksi ng kasamaan nila.”






The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon