CHAPTER THIRTY-FIVE
The Princess in Disguise
Aedan Herin
Freo. Chester Freo. Gulat lamang akong nakatitig sa kanya. Para akong isang tutang nakatingala sa kanyang amo.
“Mabuti naman at naalala mo pa ako.” Sarkastiko itong ngumisi pagkuway ay masama akong tiningnan. “Nagmukha ka ngang maharlika, pero uto-uto ka pa rin.” Nagtagis ang bagang ko dahil sa sinabi niya. “Ikaw!Traydor ka! Bakit ka pumayag na kumampi sa kanila? Bakit hindi ka tumupad sa pangako mo?”
“Wala ka ng pakialam dun!” Sigaw ko at pilit na tumayo. Malakas itong tumawa. Sinunog ko ang ugat ng halamang nakagapos sa leeg ko.
“Tandaan mo Dran. Isa ka pa ring Freo, kampon ka ng Pameleon!” Agad kong tinapunan ng apoy ang sangang parang buhay na lumapit sa akin. “Natatandaan ko pa kung paano ka naging espiya!” Gumawa ako ng dalawang bolang apoy sa magkabila kong kamay at itinapon ko iyon sa mga sangang nakapulupot sa kanya. Napansin niya ito kaya niya ginawang harang sa kanya ang ibang mga sangang nakatuon sa akin. Bumaba siya sa lupa at pinagpagan ang sarili. “Bakit? Hindi mo matanggap? Hindi mo matanggap na hindi lang kami, na totoong pamilya mo ang trinaydor mo? Trinaydor mo rin sila!” Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa galit na nararamdaman ko. “Paano kung malaman nila?”
“Papatayin muna kita!”
“Talaga? Ha! Kahit nasa Olinia ka na, ugaling Freo ka pa rin!”
“Tumigil ka!”
“Bakit Freo? Gusto mo bang isa-isahin ko pa ang mga ginawa mo dito sa Olinia? Ang pagtulong mo sa Pameleon?” Natahimik ako. Ngunit rinig na rinig ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa galit at pagkasuklam. “Na habang naghahanap sila kung sino ang may kagagawan ng kasamaan sa loob mismo ng Olinia ay nagpapaka-inosente ka? Ha?.... Oh, balita ko pa nagkagusto ka sa Prinsesa nila.” Mataman ko siyang tinignan, nakakuyom ang mga kamay ko habang masama siyang tinititigan.
“Hwag' mong idadamay si Lliara.”
“Hindi ko siya idinadamay.” Mahina itong tumawa. “Kahit papaano ay naging kaibigan ko rin naman siya. Pero paano nalang kaya kung malaman niyang ikaw mismo ang pumatay sa isang weapon summoner na nagngangalang Steph?” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang uungkatin niya pa ang nangyari noon. Napalunok ako at napaatras.
“Prinsipe A-aedan! H-hindi na a-ako m-makahinga.” Pinipilit niyang magpalabas ng punyal ngunit sa hina niya ay tiyak na hindi na niya ito kakayanin.
“Mamatay ka!” Sigaw ko.
“H-wag, i-itigil mo n-na to. H-hindi ko sasabihin a-ng—ack!”
“Itigil mo yan!” Nabitawan ko si Steph ngunit nasisiguro kong wala na iyong buhay. Tiningnan ko ang binatang kadarating lamang.
“Sino ka?”
“Paano nalang kaya Prinsipe Aedan? Paano nalang kaya kung malaman ng buong Olinia na ikaw, ikaw ang kumitil sa buhay ng isa sa pinakamagaling na mag-aaral ng Olinia, at tinitingala ng pinakamamahal mong prinsesa? Kasusuklaman ka nila Freo! Kasusuklaman ka nila!”