CHAPTER TWENTY-SIX ✓

1.8K 59 4
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria

“Ama.” Nandito kami sa isang lumang underground dito sa palasyo. Halatang-halata na wala ng pumapasok dito. Maalikabok, madilim at higit sa lahat, kakaiba ang mahikang pumapalibot dito. Hindi ko mapagtanto kung kaninong mahika ang ginamit dito.







“Ang nararamdaman mo ngayon ay mahika na galing sa iyong ina.”

Biglang salita ni Ama, ngayon lamang siya nagsalita simula nang makapasok kami dito. Nakatitig lamang siya sa isang litrato na nakadikit sa isang lumang dingding. Lumapit ako sa kanya at tinitigan din iyon.  “Napakaganda ng iyong ina, hindi ba?” Napangiti ako.







Hinaplos ko ang kanyang mukha, sa mga lumang bagay na ito dito sa loob ng underground ay ang litrato lamang na ito ang bago.

Isang diwata ang aking ina, at kahit kailan hindi sila pwedeng magkaroon ng relasyon sa isang magic user, katulad ni ama.




Muli akong napangiti, naaalala ang palaging kinukwento sa akin ni ama, tungkol sa kung paano nila nalampasan ang batas na ipinagbabawal ang relasyon nilang dalawa. Ang dami daw nilang pagsubok na nalampasan, pero sa lahat ng pagsubok na iyon, ay ang pagkamatay ni ina sa mga kamay ng isang Pameleon ang hindi nila naiwasan.






Kinuha ko ang litrato ngunit nabigla ako nang may nabukas na lagusan. 





“A-ama?” Tawag ko kay ama.





“Pumasok ka anak.” Wika nito na wari' ba'y alam niya ang nais kong ipahiwatig. Pumasok siya doon kaya ay sumunod naman ako. Iba ang anyo nito sa labas, kung iyong sa labas ay lumang-luma na at parang hindi man lang nalilinisan, dito ay makikintab ang mga bagay, bagong-bago at hula ko, dito nagmumula ang kakaibang mahika na naramdaman ko mula sa labas nitong silid. “Dito kami palaging nagkikita ng iyong ina noon.”






“Bakit, n-nandito tayo?” Tanong ko kay ama. Seryoso itong humarap sa akin, na mula sa mga nagkikintabang bagay, ay napansin ko rin ang pagkintab ng kanyang korona.





“Oras na para malaman mo ang katotohanan.” Bumuntong-hininga siya at bigla ay napansin ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon, naging malungkot ito. “Sana'y mapatawad mo ako at kikilalanin mo pa rin ako bilang iyong ama.”




Kumunot ang noo ko, nagtataka.




Anong ibig niyang sabihin?





Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at bigla-biglang lumabas mula doon ang isang bracelet.







Pinapalibutan ito ng liwanag na galing sa mahika ni ama, ganoon din ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay naglaho ang liwanag, kasabay nun ang mas lalong nakakagulong anyo ng bracelet. 






“Ama? Kanino iyan?” Tanong ko sa kanya ngunit nanatiling naka pokus ang aking paningin sa bracelet na hawak niya. 




“Ito ay isang regalo galing kay Olinia, para sa iyo.” Iniabot niya ito sa akin. Nagtataka ko naman itong tinanggap. Nakabuo muli ito ng liwanag, na may halong, asul, kayumanggi, kulay-abo at kahel. Bigla akong nakaramdam ng paninikip sa aking palapulsuhan, pero sandali lang iyon nang sabay-sabay na naglaho ang liwanag. Nakasuot na ang bracelet na iyon sa aking kamay, dala-dala nito ang simbolo ng apat na elemento at ang light magic. “Binigay iyan ni Olinia, noong hindi ka pa naisilang.”







The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon