CHAPTER THIRTY-ONE
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
Bahagyang nakabuka pa rin ang aking bibig at hindi mawari kung sino ang aking pakikinggan. Si Javier, tinawag niya akong 'kapatid'. Samantalang nakarehistro pa rin sa mukha ni Frost ang gulat habang palipat lipat ang tingin sa'kin at sa maskarang ngayo’y hawak-hawak na ni Javier. Oo, hindi ko maipagkakailang alam ko na ang bagay tungkol sa dalawa kong kapatid, pero hindi ko inaasahang si Javier pala ang kuya ko.
“Sagutin mo'ko Frost!” Nanggagalaiti nitong sabi kay Frost. Napansin ko ang bahagyang paglunok nito. “Binalaan na kita, na sa oras na saktan mo siya, ay ako na ang makakalaban mo!” Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa sitwasyong ito. Magkahalong saya at pagkakabagabag ang naramdaman ko. Pumalibot ang itim na mahika sa kamay ni Javier na may hawak na maskara, at unti-unting ginawang abo ang bagay na ginamit ko sa aking pagpapanggap.
“Lliara, binalaan na kita noon. Sana pala pinatay ko na siya gamit ang Centaur na iyon.” Wika nito dahilan upang magbalik sakin ang ala-ala noong hinayaan niyang kalabanin ni Frost ang Centaur.
“H-hindi kita maintindihan.” Nasabi ko lamang sa kanya.
“Alam kong alam mo na Lliara. Nasaksihan mo ang pagtataksil ni Frost sayo. Hindi ka niya minahal at gusto ka lang niyang ipahamak.” Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay katumbas ang bawat pintig at kirot na nararamdaman ko.
“Hulihin si Lliara!” Narinig kong sigaw ni Driana. Suot suot ang kanyang itim na kasuotan na bakas na bakas ang hubog ng kanyang katawan ay nagmadali itong lumipad patungo sa kinaroroonan namin. Lahat ng nakapalibot sa aming mga kawal ay kumikilos at pumalibot sa amin.
“Driana..” Banggit ko sa kanyang pangalan sa mahinahon kong boses.
“Igalang mo ako! Nasa teritoryo kita! Wala ka sa paanan ng iyong ama!”
“Ama natin Driana!” Sinubukan ko siyang hawakan pero lumalayo siya. Unti-unti ng namumuo ang luha sa'king mga mata.
“Wag' mokong idaan sa mapanlinlang mong mukha Lliara!” Sigaw nito. “Hulihin sila!” Turo nito sa amin. Saka lamang ako nakakilos at nilapitan si Aedan na hanggang ngayo’y nasa kaawa-awa pa ring kalagayan.
Namumutla na siya.
“Driana!” Rinig kong sigaw ni Javier upang pigilan si Driana.
“Bitawan niyo'ko!” Sigaw ko sa mga kawal na pilit na inilalayo ako kay Aedan.
“Bitawan niyo siya!” Rinig kong sigaw ni Javier dahilan upang huminto sila sa paghila sa'kin.
“Wag kayong makinig kay Javier! Hulihin sila! Igapos!” Sigaw ulit ni Driana. Akmang hahawakan ulit nila ako at hilahin nang—.
“Huwag niyo siyang hahawakan!” Napapikit ako sa lamig ng kanyang boses.
“Frost! Anong ibig mong sabihin? na kakampihan mo siya kaysa sakin?” Bakas sa tono ng boses ni Driana ang galit at pait. Sa una pa lang iyan na ang nakasanayan ko sa kanya, sa halip na ako ang bunso nila ay siya ang tumatawag sa aking ate. Sa paniniwalang ang bunso ang may mataas na pursyentong maaangkin ang pagmamahal at atensyon ni ama at ina. Ngunit patas magmahal ang aking ama't ina, at iyon ang hindi niya nakita.