CHAPTER THIRTEEN
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
Dalawang araw ang dumaan matapos ang pangyayaring iyon.
‘Gusto kita.’
Iyon ang mga salitang tumatak parin sa isipan ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa kinakausap si Frost dahil parang naiilang ako sa kanya. Sa tw'ng plano niya akong lapitan ay ako na ang kusang umiiwas. Hindi ko pa siya magawang harapin ngayon, dahil... hindi ko alam kung bakit.
Ays!
May lumapag na mga prutas sa mesang nasa harapan ko. Agad kong naramdaman ang pamilyar na tibok ng puso ko hindi ko pa man nakikita kung sino ang maydala nito.
“Iiwasan mo na naman ako?” Umupo siya sa kaharap kong upuan na napapagitnaan lang ng isang maliit at bilog na mesa na gawa sa kahoy, hindi ko tuloy magawang tingnan ang nilalang na ito. Palihim niyang inapakan ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya naman napadaing ako.
“Ayan, di’ nagsalita ka rin.” Saad nito. Yumuko lang ako at tiningnan ang prutas, pansin ko pang ngumiti ito sakin.
Baliw.
Pero nawala ang mga prutas sa harapan ko at ang napakagwapong mukha ni Frost ang bumungad sakin. “Mas masarap ako sa mga prutas na iyan.”
Tinakpan ko ng isa kong kamay ang mukha niya at inilayo ito sakin. Para na akong mangingisay nito. Pero bago ko pa ialis ang kamay ko sa mukha niya ay hinalikan niya ang palad ko. Kaya naman tulala akong napatingin sa kanya. Maingat niyang hinawakan ang aking kamay at muling hinalikan ang aking palad.
“Ano ng sagot mo?” Umurong ata ang dila ko at hindi ko na magawang magsalita pa.
“H-ha? A-ano bang’ itinanong m-mo?” Bahagyang kumunot ang noo niya at inilapit pa nito ang mukha sakin.
“Gusto mong ipaalala ko sayo?” Inilayo ko ang mukha niya kahit na gusto ko sanang...
Ipaalala niya.
Palihim kong kinurot ang sarili ko sa isipan.
“Wag na!” Kumuha ako ng isang prutas at kinagat ito nang hindi siya tinitingnan, talagang iniiwasan ko siyang magtanong ng ganyan. Mas gusto ko pang galit na lang siya.
Hinila niya ang kamay ko at kumagat din sa prutas na hinawakan ko.
“Ano ba Frost, kumuha ka ng iyo, kinagatan ko na yan!” bulalas ko.
“Sa mas gusto ko yan.” Kumagat na naman siya sa prutas na hinawakan ko.
“Sayo nalang kaya ito.” Iniabot ko sa kanya ang prutas, pero hindi niya tinanggap, tinaasan lang niya ako ng dalawang kilay niya. Mas mabuti na rin ito kaysa sa magtanong siya ng ganuung bagay na talaga namang iniiwasan ko, dahil nakakaramdam ako ng matinding kaba na di ko mawari kung puso ko lang ba talaga o ang buong katawan ko na.
“Bakit ganyan ka makatitig?” Napaayos ako ng upo sa naging tanong nitong nilalang sa harapan ko, hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya dahil sa kakaisip ko.
“Tinititigan ba k-kita?” Mas lalong tumaas ang dalawang kilay niya at inilapit pa nito ang mukha sakin, kaya naman bahagya akong napaatras.