CHAPTER TWENTY-TWO
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
“Lliara oy!” Padabog kong nilingon si Herin na para atang masaya pa dahil sa malapad nitong ngiti. Matapos niya kasi akong kulitin doon sa loob ng training room, ay nagpaalam muna ito na puntahan ang kanyang ama.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya. Inilagay nito ang kaliwang kamay sa kanyang bewang saka naman niya pinisil ang kanyang baba gamit ang kanyang mga daliri.
“Hulaan mo.” Mas lalo lang akong nairita sa kanya, dala-dala ko pa ngayon ang dagger na kusa ko pang hinugot sa pangit na mummy na iyon kanina, plano ko sanang itusok to sa mukha ni herin, kaya lang kawawa naman ang gwapo nitong mukha. Wag' na nga lang.
“Hoy! Elemento ang kapangyarihan ko, hindi ako manghuhula!”
Bulyaw ko sa kanya, bigla naman itong natawa dahilan upang mapakunot ang aking noo. Unti-unti din akong napangiti sa kanyang reaksyon ngayon, bihira ko lang kasi iyang makikita na ganyan kasaya, kaya kung ano man ang dahilan ng kanyang pagtawa ngayon, ay tiyak na nagdulot ito ng kabutihan sa kanya. Bumalik ako sa ulirat nang guluhin nito ang buhok ko saka pinisil ang pisngi ko.
“Nakain mo?” Nakataas kilay kong tanong sa kanya.
“Wala pa akong kinain e, sabay na tayo?” aya nito sakin.
“Tsk! Makikikain ka na naman?” Wala kasing pananghalian na hindi siya o sila kumakain sa kaharian ko. Kaya nasanay na ako sa kanya/ sa kanila.
“Hindi, ikaw ang makikikain sa amin.” Bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko saka tumakbo patungo sa labas ng akademya, marahas ko naman itong binawi dahil sa mga matang nakatingin sa amin. Ayokong may mamumuong ibang konklusyon sa isipan nila, prinsesa ako at prinsipe itong kasama ko, hindi malayong ganun ang iisipin nila tungkol sa amin ni herin. At saka, isa lang naman ang mahal ko e!
Yun nga lang, hindi kami bati ngayon. Hays!
“Trabaho mo na pala ngayon ang manghila ah?”
“Nagpahila ka rin kasi e.” Sagot nito.
“Anong nangyari sayo? Ba't ang saya-saya mo?” Pag-iiba ko sa walang patutunguhan naming usapan.
“Wala, masama na bang maging masaya?” Oo nga naman.
“Sinong dahilan niyan?” Isang nakakalokong ngiti ang binitawan ko para sa kanya. Pero hindi pa naman ako sigurado kung iyon nga ba ang dahilan. Nag-iba ang ekspresyon nito na para bang natatae.
“Hindi ah! Tsk!” Sagot lang nito, kaya kinulit ko pa at kiniliti gamit ang isa kong kamay. “Tigil mo yan!” Natatawang pagpapatigil nito sakin.
“Sabihin mo na kasi.” Pangungulit ko pa rin sa kanya, pero tinigilan ko na ang pangingiliti sa kanya, mas lalo lang kasi kaming pinagtitinginan at ang masama pa, ginawa nilang katuwaan.
“Ang tamis!..”
“Bagay sila, kakilig..”
Ilan lang yan sa mga narinig ko galing sa mga bungangang nakapalibot samin.
“Bagay daw tayo oh.” Siko sa akin ni Herin saka sinundan ng tawa. Bipolar na to' di' kaya may sayad na. Kanina pa to tawa-ng-tawa e, wala naman daw'ng dahilan. Inikutan ko lang siya ng mata at ibinaling ang tingin sa iba.