CHAPTER TWENTY-SEVEN ✓

1.8K 50 6
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

The Princess in Disguise

Someone's POV

Tumalon ako mula sa mahabang pader at nagtago sa isa sa mga puno dito sa likod ng akademya ng Olinia. Sumandal ako sa likod nito nang may marinig akong nag-uusap.






“Grabe yung nangyari kay Prinsipe Aeon nho? Ang sama-sama ng mga gumawa nun.” 



“Alixa, ano pa bang ipinagtataka mo sa mga Pameleon? Wala naman talaga silang awa, at masasama talaga sila.”


Nilagpasan lamang nila ako at hula ko ay papunta ang mga iyon sa Harden. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at nagsimulang hanapin si Lliara. Sinuot ko ang hood ko naglakad. Alam kong mas grabe ang nararamdaman niyang sakit sa mga oras na ito, at alam kong may plano na siyang pumunta sa Pameleon, yun ang hindi ko papayagang mangyari. Ayoko siyang madamay sa kalupitan ni Driana. 





Nakarating ako sa field at sa di' kalayuan, nakita ko ang mga hari at si Lliara. Nagtago ako sa may fountain nila at pilit pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Sobrang seryoso ng ekspresyon nila at di' ko mabasa ang mga mukha nila. Napatingin naman ako kay Lliara nang marinig ko itong magsalita.




“Sino ang sinasabi mong mga kapatid ko?”




Sa mga salitang iyon ay napangisi ako. Napatingin ako sa Haring ngayon ay nakayuko at hula ko ay di niya alam kung ano ang gagawin niya. 





Kung ganuun ay may kaunti ng nalalaman si Lliara.





Anong gagawin mo ngayon? Ama?



Umalis ako sa pagkakatago sa likod ng fountain at nagsimula na namang maglakad papunta sa kanilang kinaroroonan.

Ilang hakbang nalang, nang may narinig akong tawa.







“Hindi niyo man lang ako inimbita.” Napatingin ako sa kanya at sa kanyang kasama. Agad akong naging alerto at muling nagtago sa likod ng fountain. Pumapalakpak pa ito ng ilang beses sa ere, habang napapansin ko naman na naging alerto ang mga Hari at si Lliara. 





Si Lliara. Nag-iba ang ekspresyon nito, galit. Galit na galit siya.





“Ang kapal din naman ng mukha mo at pumunta ka pa dito!” Mariin, matiim at galit na sigaw ni Lliara. Ngumisi lang ng nakakapangilabot si Driana.





“Hindi niyo man lang ba ako babatiin? Pero huwag na pala, pumunta ako dito dahil nais ko siyang ipakilala sa inyo.” Napatingin sila sa binatang nakapulang cloak, pulang maskara at hood. Ilang sandali pa ay mas lalo lamang itong ikinaasar ni Lliara.




“Kilala ko na siya, at kung gusto mo pang ipangalandakan na may prinsipe ka na sa iyong kaharian, nagkakamali ka ng lugar na iyong pinuntahan.” Nakikita ko ang paglabas ng ugat sa gilid ng kanyang noo. Tumaas lamang ang kaliwang kilay ni Driana at biglang ngumisi. 





“Oh, kilala mo na pala siya. Pwede bang ipakilala mo siya sa iba pa?” Mapaglaro ang muling naging ngisi nitong binalingan ng tingin ang mga hari. 





“Driana, kung manggugulo ka lang dito. Umalis kana, habang nakakapagtimpi pa ako. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo kay Aeon!” Nararamdaman ko ang paglakas ng pwersa ni Lliara ngunit pilit niya itong nilalabanan. 




The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon