CHAPTER TWENTY-NINE ✓

1.7K 43 0
                                    

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria


“Bakit ka lumalayo?”Kumunot ang noo nito at kalauna'y ngumisi. “Natatandaan mo ako?” Nanginig ang buo kong katawan nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ang galit sa kanyang mukha ay unti-unti kong nakikita. “Ikaw yun diba?”



Papaano niya nalaman, gayung hindi ko naman suot ang kasuotang ginamit ko noon? 


“Nag-aapoy ako sa galit kapag nakikita ko ang mga mata mo nilalang, ngunit nagagalit din ako sa sarili ko, kung bakit hindi ko magawang patayin ka ngayon.” Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na nakita kong umiiyak siya ngayon sa harapan ko. “Hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin na gawin yun.” Padabog siyang tumayo at tinadyakan ang mga makakapal na metal na nakapaligid sa amin. Matulis ang bawat dulo nito at may nakapalibot na salamangka kung saan pinipigilan nitong maipalabas ang kapangyarihan namin. 




“Wag' na wag' mo siyang sasaktan!” Madiing sabi ni Herin habang nanghihina itong tumayo at pilit na ipinapalabas ang kapangyarihan niya ngunit kusa din itong naglalaho.


“Wag' mo'kong pangunahan!” Sigaw ni Frost na mas lalong nagpupuyos ang galit. “Ang tapang-tapang mo at naisipan mo pang’ bumalik dito. Kapag’ inubos mo ang pasensya ko, ako na ang papatay sayo!”











Hindi ko alam kung paano natapos ang pag-uusap na yun, basta't ang alam ko walang lumabas ni kahit anong salita sa bibig ko. Namalayan ko nalang na umalis na siya at iniwan akong nag-iisip kung bakit, bakit sa lahat ng pwedeng umanib at maging prinsipe sa Pameleon ay siya pa?




Hindi ko namalayang napaiyak na pala ako. 


Frost, bakit ganun? Bakit ka tuluyang umanib sa kanila?

Akala ko ba pipiliin mo ako?

Nasasaktan ako.


Hindi ko inasahang ang enchanter na nakilala ko sa bayan, na naghihinagpis dahil sa pagkamatay ng kanyang harno, at nagngangalang Frost, ay isa pa lang malakas na nilalang.




Bakit? Bakit inilihim mo rin sa akin to?

Bukod ba sa paghihiganti para sa kinikilala mong Lolo, ay may iba ka pang dahilan?



Ano pa kaya, Frost?




DALA-DALA ang matatalim kong tingin at galit sa aking kalooban ay patungo na kami ngayon kung saan nakaalay ang aming kamatayan, sa Ares. Hawak-hawak ng mga lapastangang kawal ng Pameleon ang magkabilang braso namin ni Herin habang nakatali ang mga kamay namin sa isang kadenang linagyan din ng salamangka. Parang takot naman ata sila sa amin.



“Wag' ka nang magpumiglas Herin.”  Sabi ko kay Herin nang maglaban ito. Nauunang maglakad sa amin ang isang Pameleong may tatak na itim na tubig sa kaliwang braso. Ibig sabihin lang nito isa siyang water element user. Malapit na kami sa malaking pintuan, kung bubuksan ito sigurado akong bubungad sa amin ang mga alagad ng Pameleon.






“Sandali lang.” Napatigil kami sa paglalakad nang makasalubong namin sina Javier at ang mga kawal nito. Yumuko sila sa harap ni Javier. “Kami na ang bahala sa kanila.” Utos nito sa mga kawal na kasalukuyang bumibitbit sa amin patungo sa Ares. 




“Masusunod.”


“Kunin sila.” Utos ni Javier sa kanyang mga kawal na agad namang sinunod. “Mauna na kayo.” Nauna ng lumabas ang kaninang bumibitbit sa amin at ngayon naman ay si Javier na ang kaharap namin. “Kalagan sila.” Utos nito na ipinagtataka ko. Nanatiling nakatutok sa kanya ang atensyon ng kanyang mga kawal. “Kalagan sila, hindi naman gaano kalakas ang mga yan, at inyong katakutan.” Nagpantig ang mga tenga ko sa narinig ngunit hindi na ako sumuway. Agad naman kaming kinalagan ng kanyang mga kawal. “Tara na!” Aya nito matapos kaming kalagan ni Herin. Namanhid ang mga kamay ko, ngunit hindi ko ito ininda. Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad ngayon at saktong malapit na sa pintuan nang huminto si Javier at mahinang bumulong sa tenga ko.






“Kilala kita, hangga't maaga pa, huwag niya sanang malaman na ikaw ang nasa likod ng maskarang yan.” Bumalik ang tingin niya sa akin, ngunit hindi ko makita ang ngisi o inis na inaasahan kong makita galing sa kanya. Nag-aalala siya?

Nagpatuloy kami sa paglalakad at kusang bumukas na ang malaking pintuan, bumungad sa amin ang mga sigawan at halakhakan ng mga alagad ng Pameleon. Para silang gutom na gutom.





“Igapos!” Utos ni Drianna. Iginapos nila kami sa isang posteng metal , dalawa ito at nasa kaliwa si Herin ako naman ang nasa kanan. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya, kung hindi sana ako pumunta dito ay hindi sana siya magpumilit na sumama sakin at hindi sana kami ngayon mahuhuli. 



“Bitawan niyo ko— Argh!” Napadaing ito sa biglang paghampas sa kanya ng isang kawal sa Pameleon. Hindi ko magawang sumigaw dahil sa nakikita ko. Itinali na ang mga kamay nito at paa nang magtangka pa itong magpumiglas. Mahina na siya at hindi niya kakayaning kalabanin ang mga kawal na ito. Napakuyom ako ng ulitin na naman nilang hampasin si Herin. “Aedan!” Sigaw ko nang makita ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang labi. Tumingin lang ito sa akin bago tumingala, nakita ang mukha nito at naririnig ko ang maraming singhap sa paligid. Mabilis ang paghinga niya na halatang nasasaktan na siya. “Aedan!” Sigaw ko ulit. 




“Aedan Herin!” Natatakot ako para kay Herin, at natatakot ako kung ano man ang gawin sa kanya ni Drianna, gayung alam na niya na si Aedan ang nasa likod ng hood na iyon. Naririnig ko ang sigawan ng mga Pameleon na isa lang ang sinisigaw 'Patayin'. Inilibot ko ang aking paningin at dumako ito kay Javier na alam kong diretso ang tingin sakin. Hindi siya sumisigaw, wala akong nakikitang emosyon sa kanya, ngunit nakikita ko ang marahan niyang paghinga. Dumako ang paningin ko sa katabi niya, si Frost, na ngayo'y suot pa rin ang kanyang maskara at cloak, hindi ko nakikita ang ekspresyon niya. Napayuko ako, kahit anong mangyari ayokong makita iyon sa kanya, pagkatapos nito. Tumingin ako kay Drianna, na walang ibang ginawa kundi ang ngumisi ng nakakapangilabot. Alam kong may masama na naman siyang balak.






“Aedan! Patawad.” Tumingin ito sa akin at ngumiti. Muli kong sinulyapan si Frost.

Pag tatanggalin ko ba ang maskara ko, tutulungan mo'ko?





O hahayaan mo lang ako?








The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon