CHAPTER TWENTY-EIGHT
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
“Wala bang nasaktan?” Narinig kong tanong ni ama sa mga mag-aaral ng Olinia. Nakaupo lamang ako habang nakatingin sa kanila, wala na akong luhang mailalabas, ubos na. Hindi ako makapaniwalang nailihim ni ama ang mga bagay na iyon ng matagal, at hindi ko maalalang namatay si ina, mismo sa aking harapan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, hindi ko magawang patawarin ang sarili ko. Nangako ako kay ina na ililigtas ko ang mga kapatid ko, ngunit hindi ko nagawa dahil wala akong maalala.
Wala ako sa sariling tumayo at lumabas ng akademya. Hindi pa rin nagigising si Aeon, ilang healer na ang gumamot sa kanya ngunit hindi parin siya bumabalik. Pati ako, ginawa ko na ang lahat, pero hindi pa rin sapat. Humiga ako sa damuhan na napapalibutan ng iba't-ibang bulaklak, ibinaling ko ang aking tingin sa kalangitan. Malakas pa rin ang hangin, lulan ng kapangyarihan ni Aeon. Kahit papaano'y ramdam ko parin ang kanyang presenya dahil sa kapangyarihan niya.
“Aeon..” Ramdam kong umiinit ang pisngi ko at para bang may umaagos, umiiyak na naman ba ako? Akala ko ba, wala na akong luha? “Aeon.. Namimiss na kita.”
Alam kong may dahilan kung bakit napuruhan si Aeon. Sa kanilang apat, malala ang natamo niya. At gusto kong ako mismo ang makakaalam kung bakit ganun na lamang ang tama niya.
Sa naisip ko ay kaagad akong bumangon at tumayo sa aking pagkakahiga sa damuhan.
“Kailangan kong malaman.” Ramdam ko ang paghaplos ng hangin sa akin, napapikit na lamang ako at pinakiramdaman ito. “Aeon..”
Iminulat ko ang aking mga mata at labis na nagulat nang mabungaran ko si Aedan.
“Maghihiganti ka?” Tanong nito sakin.
Maghihiganti. Parang ilang oras lang ang nagdaan na desido akong gawin iyon. Pero.. sa lahat ng nalaman ko ngayon, Kaya ko pa bang maghiganti?
“Ayokong makita si Aeon'g nakahiga at nagdurusa habang wala akong ginagawa.”
“Hindi naman ako tutol ah, kung maghihiganti ka, dapat ay kasama mo'ko.”
Mapait akong ngumiti.
“Pero hindi ka pa masyadong magaling, maraming enerhiya ang nawala sayo. Herin naman, ayokong pati ikaw ay mapahamak.”
“Bakit? Hindi ko rin naman gustong pabayaan ka lang at mag-isang susugod.”
“Hindi ako susugod! Magmamanman lang muna ako sa Pameleon.”
“Oh edi, samahan na kita, hindi ka naman pala makikipaglaban.” Hindi na ako sumagot pa dahil sa katigasan ng ulo ni Herin. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
Kung nakikita kami ni Frost ngayon ay tiyak kong mag-aalburuto na naman yun.
“Pangako, mag-iingat ako para sayo.” Bulong nito sakin. Niyakap ko din siya tanda ng pagsang-ayon.
Suot ang aming mga cloak, ay nagtungo kami sa Pameleon, hindi kami gumamit nang anumang kapangyarihan, dahil ayaw naming may makaalam ng aming pag-alis sa kaharian. Nasa kagubatan na kami, sa kagubatang walang buhay nang yayain ako ni Heri'ng magpahinga muna.