CHAPTER THIRTY-EIGHT ✓

1.2K 39 0
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

The Princess in Disguise



Third Person’s

Ang kaninang sigaw ng mga nag-lalaban laban ay tila dinaanan ng anghel sa katahimikan. Ang iba ay napaupo sa damuhan. Ang iba ay nakatulala. Samantalang ang iba ay palihim na umiiyak.





Biglang tumakbo ang isa sa mga nakahood na kalaban ng Olinia, papunta sa kinaroroonan nila Lliara. Tinanggal niya ang kanyang hood at bumulaga sa kanila ang tila isang inosenteng dalaga. Puno ng luha ang mukha nito.



“A-ate. Ate Lara.”




Umiiyak niyang sambit sa Prinsesa ng Olinia. Nanginginig niyang hinaplos ang mukha nito. Malamig. Walang kulay.




“Ate Lara, Ate...”







Patuloy niyang sambit. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ng Prinsesa ng Pameleon. Kilala niya ang dalagang iyon.


Ang kapatid ni Aidan—ang kapatid ni Frost. Ang dalagang may kapangyarihan na isa sa mga elemento—ang hangin. Si Janine.





“Ate. Patawarin m-mo'ko. Patawad.”








Paghingi nito ng tawad. Na tila ba inaako ang kasalanan. Na tila ba siya ang pumatay sa Prinsesa ng Olinia. Napuno ng mga hikbi niya ang kapaligiran.






Ilang sandali pa ay hinang-hina na lumapit sa kanila ang Hari ng Olinia. Lumuhod ito sa harapan ng kanyang anak. Sugatan ang tagiliran ng Hari. Maging ang braso nito. Naluluhang tinitigan nito ang kaawa-awang anak. Dahan-dahan siyang umupo sa lupa at inilipat ang nakahigang ulo ng anak mula sa mga kamay ni Iana patungo sa kanyang sariling mga kamay. Niyakap niya ito at mas lalong umiyak.








Iyak ng isang ama. Hinagpis ng nawalan. Hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak habang mahigpit itong niyayakap.




“Anak..” Hinabol nito ang sariling hininga. “P-patawarin mo ako.”







Mariing napapikit ang Hari.

Iyon ang unang pagkakataon na nasaksihan ng buong Olinia, na umiyak ang itinuturing nilang Hari. Mas lalo silang nanghina. Na tila ba nakadepende sa mga lider nila ang kanilang lakas. Nakayuko silang lahat, iniiwasang masaksihang ng kanilang mga mata ang hinagpis ng pundasyon ng kanilang lakas.
















“Iara!”

Isang binata ang nagtatakbong lumapit sa dalaga. Walang pakialam kung madadapa o masasaktan. Walang pakialam kung haharangin ng mga kalaban. At luha ng isang kuya, ang pumatak galing sa kanyang naghihinagpis na mga mata. Nilapitan niya ang bunso nila, at humagulgol.





Sumigaw si Javier. Sumigaw ng sumigaw na tila ba walang kapaguran.


Naalala niya ang mga panahong nakabantay siya sa kanyang kapatid, kahit na nasa Pameleon na ang kanyang kaharian. Nagsisisi siya.



Hindi sana umabot sa ganito.




Hindi sana namatay ang kapatid niya.

Kung hindi sana nila ninais na maghiganti. Kung sana ay napigilan niya ang kanyang kapatid, ay hindi na sana umabot sa ganito ang lahat.






“J-javier anak.” Mahinang bulong ng Hari ng Olinia. Nagtatagis ang bagang na tiningnan ni Javier ang Hari, ang sarili niyang ama.





The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon