CHAPTER SEVENTEEN ✓

2.4K 63 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria



“Ibinalita sa akin ang iyong pagbabalik.” Salubong sa akin ng di kaaya-ayang bisita.



Si Icelle, may kapangyarihan ng yelo. Kulay asul ang kulot at mahaba niyang buhok. Kasalukuyan siyang nakatayo mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa.




“Oh kaya pala nandito ka.” Plastik akong ngumiti sa kanya. “Sinusundo mo ba ako?” Pang-aasar ko sa kanya.






“Hindi naman, talagang ayaw ka lang sunduin ng mga prinsipe, kaya ako na ang nagrepresenta ang bait ko diba?”



“Alam mo bang hindi naman kita kailangan? Kaya hindi mo naman kailangang magbait-baitan sa akin?” Nagpatiuna na akong maglakad, nandito na din pala ang pegasus na palagi kong sinasakyan noon, iba ang pegasus na ito sa ilan, dahil ito lamang ang may suot na korona, simbolo na isang Prinsesa at Prinsesa ng Olinia ang nagmamay-ari nito. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti.

“Namiss kita.† sabi ko at sumakay na, napansin ko namang nakasunod lang si Icelle, naging matalik ko siyang kaibigan noon o sabihin na nating ako lang ang tumuring sa kanya nun. Nais lang kasi niyang mapalapit sa apat na Prinsipe kaya ako ang ginamit niya.

Ang sama diba?



Naalala ko pa nga noon e na ginawa niyang yelong-bola ang cake na binigay ko kay Herin para sana iyon sa kanyang kaarawan, marami namang cake kaya lang gustong-gusto ni Herin kapag gawa ko daw. Tsk! Ewan ko ba sa apoy na iyon. 




Tumingin na ako sa baba, tanaw ko ang mga nag-eensayong mga mag-aaral, bumaba na ako sa himpapawid. Pagkababa ay agad na yumuko sa akin ang mga mag-aaral na nandun, pinabalik ko na ang Pegasus sa kanyang tirahan.





“Kumusta?” Baling ko sa mga mag-aaral.





“Mabuti, mahal na prinsesa.” Ngumiti ako sa kanila at yumuko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Papunta ako ngayon sa opisina ng HM, marahil ay nandun ngayon si ama. Marami akong mag-aaral na nakakasalubong at bahid sa mukha nila ang lungkot at kaba.






“Mahal na prinsesa.” Sabay na pagbati ng bigla na lamang sumulpot na mga prinsipe sa harap ko. Inirapan ko lang sila at hindi pinansin.




“Oy Molly, pasensya ka na.” Paghingi ng pasensya ni Aeon. Pinagdikit pa nito ang kanyang mga palad at nakanguso sakin.




“Oo nga, si Herin naman kasi e.” Bahagya pang napatakip ng bunganga si Lance dahil sa sinabi at tumingin pa ito kay Herin. Kumunot ang noo ko dahil tila malungkot ata ang apoy na ito.




“Nagpunta sa palasyo si Icelle.” Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya pero walang nangyari. Alam niyang may gusto sa kanya si Icelle pero wala siyang nararamdaman para rito. Pero baka nga ang babaeng iyon ay nakabantay sa amin ngayon e. Isa siya sa mga desperadang nagkakagusto kay Herin.



Tumaas ang kilay ko at muling tiningnan ang kaibigan. “Oh? bakit? anong mukha yan?” tanong ko kay Herin. Napansin ko namang napailing si Brian.




“Paano ba naman—” Hindi naipagpatuloy ni Brian ang nais niyang sabihin nang magsalita si Herin.


“Wag dito.” sabi niya saka biglang naglaho kung saan man. Nagkatinginan lang kaming apat.




The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon