CHAPTER FOURTEEN ✓

2.4K 65 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria





Nadatnan ko siya sa likod ng bahay, nakaupo sa upuan habang seryosong kaharap ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Unang pagkakataon kong nakita ang ganyang mga ekspresyon nila, kaya't nakakapanibago silang tingnan ngayon. Hahakbang na sana ako upang sila ay lapitan nang mapatigil ako't napako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig mula mismo sa bibig ni Eigenn.






“Nagdududa ka Frost na maaaring si Lara ang prinsesang hinahanap nila?”




Pakiramdam ko ay milya-milyang bagay na mabibigat ang dumagan sa akin, tumigil ang aking paghinga habang mabilis at malakas naman ang pintig ng aking puso. Tanging ang nagawa ko lang ay pumihit patalikod at papasok na sana sa loob nang marinig ko ang kanyang boses.




“Lara?” Banggit niya sa aking pangalan, kasabay nang pagkawala ng araw at bahagyang pagdilim ng paligid, senyales na gabi na. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa, hanggang sa marinig ko na lamang ang mga yapak ng paa paalis ng bahay. Marahil ay sina Eigenn iyon dahil narinig ko si Frost na nagpaalam sa kanila. Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili.







“Narinig mo?” Tanong niya. Nararamdaman ko ang presensya niya sa aking likuran.




“Ang alin?” Pinilit ko pang iayos ang aking boses upang hindi niya mahalata.





“Ang sinabi ni Eigenn.”



“Wala akong narinig.” Patay-malisya kong sabi sa kanya at papasok na sana sa loob nang mabilis niya akong hinarangan. At hinawakan ang magkabilang braso ko, hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya yumuko na lang ako. 





“Pasensya ka na.” Mahinang sabi niya sa akin. “Alam kong narinig mo. H-hindi ko s-sinasadya.”






Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko, bakit niya nga pala tinanong pa kung narinig ko ba alam naman pala niya diba? Binawi ko ang braso ko sa kanya at lalampasan na sana siya nang iharang na naman niya ang katawan niya sakin, kaya ngayon ay nakayakap na siya sakin. Ewan ko ba't parang nagwawala ang puso ko, nagwawala ito at gusto ng lumabas.



Sa kanya ko lang ito nararamdaman. Pero kasabay ng pagkalabog ng puso ko ay ang sakit na parang pinipiga ito. Ang sakit, na... katotohanang hindi ko kayang sabihin sa kanya kung sino talaga ako dahil ayaw kong kamuhian niya ako.



Natatakot ako.







“Pasensya na. A-ayokong magalit ka sakin.” May pagsusumamo sa boses nito. Muli akong bumuntong hininga at nagdasal na sana hindi ako maubusan ng hangin sa katawan.





“Ayos lang.” Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sakin. “P-pero ganun na ba ako kalihim sa inyo ni Janine upang pagdudahan mo pa ako?”



Pasensya na, Frost.




“Hindi naman, kaso h-hindi ko lang talaga maiwasan.”Bumuntong hininga siya at yumuko. “Ayokong pagdudahan ka, hindi ko gustong pagdudahan ka, at wala akong intensyon na pagdudahan ka, Lara.”





Patawarin mo ako, Frost.






Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinalikan iyon ng magkasabay..
Tiningnan niya ako, ang mga mata ay namumula.





The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon