CHAPTER THIRTY-SIX ✓

1.4K 31 8
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

The Princess in Disguise


Third Person's POV

Anak, parating dito ang isa sa mga hari ng Olinia.” Wika ng isang ginang habang nagmamadaling nilinis ang kanilang bahay gamit ang kanyang taglay na bilis. Kausap nito ang anak na nagtataka siyang tiningnan.



Ano namang gagawin dito ng kaaway inay?” Sa musmos na pag-iisip nito, ay kaaway na ang turing niya sa mga taga Olinia. Ito ang kanyang nakalakihan at ipinasok ng kanyang ama sa mura niyang isipan.




“Hindi ko alam. Nabalitaan ko iyon sa isa sa mga mensahero ng Olinia.”




“Ano na namang pakulo niya at dito pa niya naisipang pumunta?”




Galit niyang aniya habang matiim na nakatitig sa ginagawa ng kanyang ina. Hindi ito mapakali sa kakalinis ng kanilang munting bahay.





Ilang sandali pa ay sunod sunod na huni ng mga pegasus ang kanilang narinig. Sabay ang mga itong dumapo sa lupa. Napapansin niya ang sunod-sunod na ingay ng kanilang mga kapitbahay.





“Ang Hari ng elementong apoy! Magbigay galang!”






Nagtagpo ang mga ngipin niya sa narinig. Agad siyang tumayo at hinarangan ang kanyang ina saka naman pumasok ang nakababata niyang kapatid.






“Inay, kuya! Nandito ang Hari.” Agad itong nagtago sa likod ng kanyang ina na para bang takot na takot.


Nanatiling bukas ang kanilang pintuan kaya malaya niyang napagmasdan ang isa sa mga kinamumuhian niyang hari. Nang dumapo ang tingin nito sa kanya, ay bigla itong ngumiti ngunit bakas parin ang pagiging seryoso at otoridad sa tindig nito. Biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Dranreib. Lalo na nang pumasok ito sa kanilang munting bahay. Ngunit bago iyon ay pinalibutan muna nito ng apoy ang paligid ng kanilang bahay.



“Pasensya na. Ayokong marinig nila ang pag-uusapan natin.”

Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig dahil sa boses nito. Bumibilis ang paghinga niya, hindi niya alam kung bakit.


“Anong ginagawa mo dito?”

Walang paggalang niyang tanong sa Hari. Wala siyang pakialam, dahil kalaban ito.




“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Pinagmasdan nito ang buong bahay nila bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Nandito ako para kunin ka.”

Gulat siyang nakatitig sa Hari. Nandito ito, upang kunin siya? Bakit? Iyan ang mga tanong sa kanyang isipan habang hindi maiaalis ang gulat niyang ekspresyon sa kanyang mukha.




Saka lamang siya natauhan nang parang matapang na humarang sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi magkalayo ang edad nilang dalawa.

The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon