CHAPTER THREE ✓

4.3K 101 0
                                    

CHAPTER THREE

THE PRINCESS IN DISGUISE

Lliara Molly Sheria




“Ayos lang ako Lola, Janine, huwag kayong mag-alala.”

Tinitigan ko ang mga mata ng binata, sa kasamaang palad ay galit ang aking nakita. Walang bakas ng lungkot o kaya'y paghihinagpis, para bang lahat ng iyon ay naglaho.


“Kuya Frost si ate Lara, ang magandang babaeng tinutukoy kong naghahanap sayo kanina.”




Wika ni Janine. Inaasahan kong ngingiti siya, pero nabigo akong makita iyon sa kanyang mga labi, sa halip ay malamig niya akong tiningnan, na para bang sinasabi niya na hindi niya gusto ang presensya ko rito.



“Bakit mo naman ako hinahanap?”

Tanong niya. Nabigla pa ako at may kaunting naramdamang lamig nang marinig ko ang boses niya. Hindi ito ang unang pagkakataon kong makausap siya, pero ito ang unang pagkakataon kong masilayan siya nang walang takip sa mukha ko. Ngumiti ako bago ko sinagot ang kanyang tanong.



“May nakapagsabi kasi sakin na wala na daw si Lolo Sebastian.”


Naging pagsisinungaling ko na lang. Ang ngiti ko ay napalitan ng lungkot.


“Bakit mo kilala ang aking harno?”




“Isa ako sa mga enchanter na pinakitaan niya ng kabaitan. Patawad sa nangyari sa kanya. Hindi ko man lang nasuklian ang kanyang kabutihan.”





Sige lang Lliara, karerin mo na ang pagsisinungaling, praktisado mo na ang linyang yan.




Narinig ko ang bahagya niyang pagbuntong-hininga. Siguro naman nakumbinse ko na siyang maniwala sa mga kasinungalingan ko, napilitan lang naman ako dahil kahit na wala akong kasalanan sa nangyari, pakiramdam ko ay meron, dahil sa sinisisi niya ako, at galit siya sa akin. Talagang gagawin ko ang lahat para mapangiti lang siya nang hindi niya nalalamang ang nilalang na kinasusuklaman niya, ay ako, na anak ng hari, at prinsesa ng Olinia. Bumaling siya ng tingin sa kanyang kapatid.





“Tara na Janine.”





Pag-aaya niya gamit ang malamig niyang boses. Tumingin naman sa akin si Janine bago muling tiningnan si Frost.




“Kuya kasi... walang matitirhan si Ate Lara, pwede bang sa atin muna siya titira?”



Napayuko ako at napakagat-labi dahil sa kaba.



“Tsk! ikaw na ngang bahala.” Sagot niya na siyang ikinangiti ko nang mapatingin sa kanya. Tumalikod siya at naglakad ngunit huminto muli, siguro ay may nakalimutang sabihin. 



“Pero sisiguraduhin mong hindi magiging pabigat yan!” Dugtong niya sa kanyang sinabi kanina at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad, kinakabahan ko siyang tiningnan habang palayo ng palayo, dahil sa totoo lang ay wala akong ibang alam sa buhay kundi ang mga paraan lamang kung paano makatakas nang walang nakakaalam. Pero iba na simula ngayon ang buhay ko. Hindi na ako prinsesa, kundi isang enchanter na lamang.





“Pasensya ka na kay kuya, Ate, mabait naman yun e! kaya lang labis siyang naapektuhan sa pagkawala ni Lolo, kaya naging ganun yun.” Malungkot niyang pagpapaliwanag sa akin. Nagpaalam muna ako kay Lola bago umalis kasama si Janine at simulang harapin ang bago kong buhay.







The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon