CHAPTER FOURTY-ONE
The Princess in Disguise
Lliara Molly Sheria
“Molly. Kilala mo sila?”
Nagtatakang tanong ni Lessandra. Ngumiti lang ako sa kanya at binalingan ng tingin ang hanggang ngayon ay gulat na gulat na mga prinsipe.
Simula nang dumating ako rito. Ay patuloy lang akong sumubaybay sa kanila, hindi nagpakita. Sinusundan sila, tinitingnan sa malayo.
Hindi ako nawalan ng ala-ala.
Hindi ako nakalimot.
At tanging isang maharlika lang ang nakakaalam na buhay ako.
Siya ang una kong pinuntahan.
Si Ama.
“Anak, panahon na upang bumalik ka sa iyong ama.”
Hinahaplos ng ina ko ang aking buhok at masuyong hinalikan ang aking noo. Pumatak ang luha sa mga mata ko.
Ayoko pang umalis.
“Ina, dito nalang ako. Ayokong umalis.”
Matamis na ngumiti si Ina.
“Hindi pa pwede anak. Hindi papayag si Olinia sa kagustuhan mo. Ikaw... ang Prinsesa ko, ang mamumuno sa buong Olinia. Magiging mabuti kang reyna.”
“Kumusta?”
Nakangiti kong tanong sa mga Prinsipeng nasa harap ko. Nanatili silang gulat, hindi gumagalaw. Bigla akong natawa dahil sa itsura nila.
“Hoy!”
Iwinagayway ko ang palad ko sa kanilang mga mukha, kumurap lamang sila ngunit nanatili pa ring nakatitig sa akin.
“Hmm.”
Ikinompas ko ang aking kamay sa ere at bumuo ng bolang gawa sa tubig saka ko ibinuhos sa mga mukha nila.
“Molly?”
Si Aeon ang unang nagsalita. Puro basa ang mga mukha nito.
“Ako nga.”
Sandali kaming natahimik saka ako lumapit sa kanila at hinaplos ang mga pisngi nila.
“Miss ko na kayo.”
Naiiyak kong sambit. Nagulat pa ako nang sabay nila akong dambahan ng yakap. Ngunit ang kaninang gulat ay napalitan ng tuwa.
Isinubsob ni Aeon ang kanyang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko pa ang pagkabasa nito.
Umiiyak sila, na humalo sa kaninang tubig na ibinuhos ko sa kanilang mga mukha.
“Ang babakla niyo.”
Natatawa kong saad. Ngunit mas lalo lamang nilang hinigpitan ang yakap sa akin.
“Ang tagal ka naming hinintay, bakit ngayon ka lang?”
Ngumiti lamang ako, at tinapik ang mga balikat nila. Bago sila humiwalay sa pagkakayakap sa akin.