CHAPTER SIX ✓

2.9K 83 0
                                    

CHAPTER SIX

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria





Gabi na at napakalakas pa ng ulan, sabayan pa ng malakas na dagundong at kidlat. Pero hindi yun ang iniisip ko ngayon, si Frost wala pa rin siya hanggang ngayon simula noong pag-alis niya kanina. Kumain na kaya yun? Ays! nag-aalala lang naman ako nho! dahil ako nga, hindi makatiis ng isang kainan lang. Napansin ko naman si Janine na nakatingin sa malayo. Ba't parang ang lalim ng iniisip ng batang ito? Marahil ay nag-aalala lang din siya sa kanyang kuya. Lumapit ako sa kanya.




“Janine? Uuwi yun.” Sabi ko sa kanya at sinundan kung saan siya nakatingin. Kumunot ang noo ko, nakatanaw kasi siya sa Olinia. Sa laki ng kahariang iyon na napapagitnaan ng apat na kaharian ng mga elemento, ay makikita mo iyon mula dito. Kasunod sa laki na iyon ay ang akademya, na tanaw mo pa mula dito ang malaking mga letrang ‘OLINIA ACADEMY’. Kahit umuulan ay hindi mo parin maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan. Ang Obra maestra ng panginoong Olinia. Napabuntong-hininga naman ako nang matanaw ko ang ilaw na nagmumula sa limang kaharian. Nangungulila na ako sa kanila, kay ama at sa aking mga kaibigan. Namimiss ko na ring mag-aral.


Hindi kaya nila napansin ang aking pagkawala?



“Ate, sa tingin mo ba, ano kaya ang dahilan kung bakit may ulan?” Tanong sa akin ni Janine. “Kasi sa tingin ko may nangyayaring masama.” Hindi ko alam, pero dahil sa sinabi niyang iyon bigla akong nakaramdam ng kaba. “..o kaya'y may nagdadalamhati.” Dugtong niya. Bahagya niya akong tiningnan at naging malungkot ang kanyang ekspresyon.






“Alam mo ba kung anong nakakatawa sa mga pinagsasasabi ko ngayon ate?” umiling ako. “Yun ay iyon ang sinasabi ko ngunit iba naman ang nasa isip ko. Nakakatawa diba?” Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa Olinia. “Masarap kaya ang makapag-aral sa ganyang paaralan, na tanging ang mga maharlika lamang ang nakakapasok?” bahagya pang kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Ang ibig sabihin, sa Akademya siya nakatanaw?





“Ate, alam mo ba kung bakit hindi lahat sa kanila ay kinamumuhian ko?”


“H-hindi. B-bakit nga ba?”



“Dahil, ayokong kamuhian ang sarili ko pagdating ng panahon.” Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti saka mahinang natawa. “Ate, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Minsan na kasi akong humanga sa taglay na kagandahan ng akademya, katulad ngayon. At minsan ko nang ginustong makapag-aral doon. Kaya lang walang pagkakataon.”







“Gusto mo pa bang makapag-aral sa akademya?” Sa tanong kong iyon ay biglang nawala ang kanyang ngiti at muli na namang tumingin sa labas. 



“K-kuya?” Bigkas niya na siyang dahilan upang tumingin din ako sa labas. Tatlong enchanters ang nakita ko at isa sa kanila ay si Frost. Basang-basa sila sa ulan.



“Janine. Dali! Ang kuya mo, sugatan!” Sigaw nang isa sa mga kasama ni Frost. Hindi kaagad nakakilos si Janine, dahil narin sa dugong nakita niya sa kaliwang braso ni Frost, kaya kahit maulan ay mabilis akong lumabas ng bahay. Nagulat pa sila nang makita ako sa kanilang harapan.




“Dalhin niyo na siya sa loob!” utos ko na kaagad naman nilang sinunod. Ayan tayo e. tanga lang! Nagpaulan pa ako para sabihin sa kanila yun? Tanga Lliara! Agad akong pumasok sa loob.


“Janine diba healer ka? bilis gamutin mo na si Frost baka mas lumala pa ang kalagayan niya.” Sabi ko kay Janine, Si Frost kasi namumutla na habang nakahawak sa kaliwang braso niya. Sinuri naman ni Janine ang sugat ni Frost, napansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay at alam kong kinakabahan siya ngayon.



The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon