CHAPTER 1
Avery's POV
Kasalukuyan akong prenteng nakaupo sa passenger seat ng aming sasakyan. Papunta kami ngayon sa bagong bahay na aming lilipatan. 5 hours. 5 hours na akong nakaupo dito at hindi pa rin kami nakakarating. Nangangawit na rin ako at sobra na akong bored."Mom? Malayo pa po ba tayo?" I asked my mom who's sitting at the shotgun seat beside my dad who's driving. "Malapit na, anak. Just be patient, dear," she answered. Be patient? Am I not patient for the passed 5 HOURS? I opted not to respond anymore.
Maya-maya lang ay naging mapuno na ang dinadaanan namin. I started to get curious. Are we going to live in a house at the middle of the woods? Nah. Bahala na nga.
Tumingin ako sa paligid ng dinadaanan namin. It was so fascinating! Para akong nakakita ng mga napapanood ko sa fantasy movies kung saan ang kakahuyan ay parang kumikislap pa. This ambiance is very relaxing. Hindi ko na namalayan na malapit na pala kaming dumaan sa isang arko na may nakasulat na "Ambrocia Villa". Pag pasok namin sa village ay namangha ako. Wow. Sobrang linis ng lugar! Puro green ang nakikita ko. Iba't ibang halaman ang nasa paligid. It looks like a pile of green lines with colorful dots which are the flowers.
Diretso lang ang daan namin hanggang sa lumiko na kami sa kanan at nag-iisa lang ang bahay dun. And I already know that it's ours.
Pag hinto ng sasakyan ay agad akong bumaba, so as I mother. And I immediately approach her.
"Ma, pinasound proof mo po ba yung kwarto ko?" I asked hopefully.
"Unfortunately, no, dear. I'm sorry" she said apologetically.
"But why? Ma, is it still about about what happened last week? It won't happen again, okay? Don't worry anymore" I said with an assuring smile.
"I'm sorry my dear, but there's no way you can change my mind. It has a purpose okay? I don't want you to be harmed again" she explained. "I understand, mom. Thank you for securing me," tanging ngiti na lamang ang nagging pagtatapos ng aming pag-uusap. Labag man sa kalooban ko, alam kong gusto lang nila ang makakabuti sa akin.
Pumasok na kami sa bahay. Hindi ko na kailangan mag-ayos pa ng gamit. Bago pa kami lumipat ay nakabili na sila mommy ng mga bagong gamit para sa bahay. Even clothes, too. Biglaan kasi yung paglipat namin.
Nagpakilala na ba ako? Anyway, I am Avery La Fuentes. 17 years old. Mahilig ako kumanta. Pero hindi ako kumakanta sa harap ng sino man. Ayoko nang maulit yung dati.
High school ako nang magsimula kong makahiligan ang pagkanta. Nagsimula akong magkaroon ng interes sa music. Nakilala ko ang mga magagaling na singer. I started to try singing. But it didn't work well.
Last week lang yun nangyari. End of August to be exact. Nasa classroom ako non. Wala kaming teacher for this period kaya nag-iingay ang classmates ko. Since hindi naman ako mahlig makipagdaldalan, nag earphones na lang ako. I'm really enjoying the song I'm listening to. Hindi ko namalayan na sumasabay na pala ako sa kanta. When I realized that, I controlled the volume of my voice. Ayoko kasing marinig nila ang boses ko. Nakakahiya.
I continued singing with the flow of the song. Yung feeling na sa sobrang enjoyment mo sa pagkanta, feeling mo ang ganda na din ng boses mo? At sa sobrang enjoyment ko, hndi ko namalayan na ang lakas na pala ng boses ko. At sakto pa na mataas na yung part ng kanta kaya naman lalong lumakas ang boses ko.
Hindi ko napansin na tumahimik na pala yung classmates ko at nakatakip pa yung mga tenga nila.
'What's wrong?' I asked myself.
Biglang lumapit sakin yung isa kong classmate. Tinanggal niya yung earphones ko sa tenga at sinigawan niya ako.
"Don't you dare do that again, understand?! Sobrang pangit ng boses mo! Don't try to sing again for your entire life! Sobrang sakit sa tenga ng boses mo! Gosh! You just ruined our day! Do you even have a well functioning vocal chords?!"
The whole class started to laugh hard while throwing me anything their hand could hold. Most of them are just throwing crumpled papers on me.
I went home with a blank face. My body hurts like hell. Pagkadating ko sa bahay ay walang tao. Nasa work pa sila mommy. Mamayang gabi pa yun dadating. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. I feel so tired. Agad akong nagbihis.
Saktong pag higa ko ay may narinig akong kumakanta. Agad akong napabangon. Pinakinggan ko mabuti kung saan nanggagaling ang boses. Binuksan ko ang bintana. Agad na umihip ang malakas na hangin. Napaatras ako. Kasabay nun ay ang pag pasok ng lumulutang na bibig. May sinasabi siya─mali. Siya! Siya yun! Siya yung nakanta. Galing sa bibig niya ang magandang boses na iyon! Imbis na matakot ay natuwa pa ako. Masyadong nakakahalina ang boses niya. Boses babae. Unti-unti akong inaantok sa boses niya.
Ngunit nawala ang antok ko nang marinig ko ang boses ni mommy. Malakas na pagkatok ang ginagawa niya. Sigurado ako na hindi niya naririnig ang boses na naandito ngayon sa kwarto ko dahil soundproof ito. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko para iparinig din kay mommy ang boses, ngunit lalong umalingawngaw ang boses ng kumakanta.
Nakaramdam na naman ako ng antok. Para akong hinihila pahiga ng aking kama upang matulog at iyon nga ang nangyari nang hindi ko namamalayan. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Pero bago pa man tuluyang bumagsak ang mga talukap ng mata ko, nakakita ako ng liwanag na nagmula sa susian ng door knob ng pinto ng kwarto ko. Masyado akong nasilaw at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
Nagising ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. Agad kong nakita si mommy. Nang makita niya na gising na ako ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Ma? Ano pong meron? Ayos ka lang po ba?" sunod-sunod ang tanong ko sa labis na pag-aalala.
"I'm fine, dear. Don't worry. Ikaw? Ayos ka lang ba?" sabi niya. "Oo naman po. Nakatulog lang naman po ako sa sobrang ganda ng boses nung─" hindi ko naituloy ang sasabihin ko. I looked around my room, glancing at every part of it. Pero hindi ko na makita yung bibig. Asan na yun?
"Mommy, narinig mo po ba yung magandang boses? Yung bibig na kumakanta? Andito lang po yun kanina eh," sinubukan ko pa rin hanapin ito at nagpalinga-linga.
Agad na nanlaki ng mata ni mommy ngunit napalitan din iyon ng expression na seryoso at puno ng awtoridad. "Avery, listen to me, don't ever talk or listen to anything or anyone na hindi mo nakikita ang buong katawan. Don't ever entertain it. Understand?" I look at my mom curiously. What's going on? What's with the serious face? Tingin ko naman hindi ako mapapahamak dun sa boses na yun. Ang ganda kaya nun masyado para ipahamak ako. "I know what's running on your mind, dear. Oo, maganda yung boses. Pero di mo ba alam na halos makukuha ka na niya sa amin ng daddy mo kung hindi pa namin binuksan ng sapilitan ang kwarto mo" W-what?! Agad akong kinilabutan. Pakiramdam ko ay naubos ang dugo ko sa mukha. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni mommy pero ramdam ko ang kapahamakan sa sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/87020296-288-k84014.jpg)
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?