CHAPTER 22

27 7 0
                                    

Lumikha ng ingay ang pagkahulog ng libro. Umalingawngaw ito sa buong silid aklatan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng nabasa ko. Nanginginig ang buong katawan ko lalo na ang mga kamay at tuhod ko. Ramadam ko din ang pagkaubos ng dugo sa aking mukha. Nanlalamig ako.

Bakit? Bakit labis ang epekto sa akin ng nabasa ko? Propesiya? Para saan ang propesiya'ng iyon? Ano ang Miusiquo Melodues?

Dumako ang tingin ko sa aklat na nasa paanan ko na ngayon. Luma na ito. Sa tingin ko ay isang maling bagsak ko na lamang dito ay magkakalasog-lasog na ang mga parte nito. Nanginginig man ay pinilit ko pa rin pulutin muli ang libro. Hinanap kong muli ang pahina kung saan ko nabasa ang propesiya ngunit hindi ko na ito mahanap. Napabuntong hininga ako.

Bakit ganito na lamang ang pagkanais kong malaman pa ang mas maraming impormasyon tungkol doon? Paano kung isa lamang pala itong nobela na bunga ng malikot na isip ng may-akda?

Umupo akong muli at binuklat ang libro sa unang pahina...

'Miusiquo Melodues

Dito nagsimula ang musika kung saan pinamumunuan ito ng lalaki na nagngangalang Atanacio Iñigo Hevenell. Hindi maipagkakaila ang galing nito sa larangan ng pag-awit maging sa pagsulat ng iba't ibang uri ng panitikan. Ang kanyang kaalaman ay naisalin sa henerasyon ng kanyang angkan.

May mga batas na pinaiiral sa mundong ito. Ang mga batas ay nakasulat sa isang aklat kung saan nakatala ang mga propesiya na kailangang sundin. Kung hindi man ay kusa itong mangyayari na pinagkakaloob ng kanilang diyos. Kung ano ang nakatadhana ay siyang mangyayari. Ang sumalungat sa propesiya ay papatawan ng kamatayan.'

Napatigil ako sa pagbabasa nang makaramdam ako ng presensya. Iniangat ko ang aking paningin at bumungad sa akin ang lalaking librarian. Ano ba ang kailangan ng isang 'to?

Napahikab ako sa antok. Gusto ko pa magbasa. Siguro ay hihiramin ko na lamang ito. Ibinaba ko ulit ang tingin ko sa aklat upang tandaan kung anong pahina na ang natapos ko. What the?

Pagtingin ko sa libro ay wala nang nakasulat matapos sa huling parte na nabasa ko! What happened?? Kanina lang ay nandito pa ito! Puno ng mga salita ang librong ito kanina lang. Anong nangyari?!

Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay na nakapagpakunot ng kanyang noo.

"Anong ginawa mo?!" Pabalang kong tanong. Kailangan ko ng mga impormasyon! Ngunit bakit biglaang nawala ang mga salita? Kaming dalawa lamang ang nandito. Hindi imposible na may ginawa siyang hindi maganda sa librong ito.

"Ano ba ang sinasabi mo, binibini? Kakarating ko lamang dito dahil hinanap ko kung saan nagmula ang ingay. Wala akong ideya sa kung ano man ang iyong tinuturan," lalo akong nainis sa pagkainosente ng kanyang tono.

"Bakit ganito? Bakit ganito ang nangyari?! Nawala ang mga nakasulat sa aklat! Anong kinalaman mo dito?!" Iniharap ko sa kanya ang aklat kung saan tuluyan nang naging blanko ang mga pahina. Lalo akong nanlumo sa nangyari.

"Ni isa man ay walang nagtangkang buksan ang aklat na iyan maliban sa iyo. Laging naaabutan ng mga estudyante na walang bahid ng tinta ang aklat na iyan at tanging blanko'ng papel ang bumubungad sa kanila," nagtaka ako sa kanyang sinabi. Kung ganon ay bakit may nabasa ako?

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo para mapalabas ang tinta ng aklat na iyan at ngayon ay naglaho nang muli. Ngunit sa pagkakaalam ko ay selyado ang laman ng libro'ng iyan at tanging maharlika lamang ang may kakayahang magbukas ng selyo ng aklat na iyan," naguguluhan ako.

"Hihiramin ko ang aklat na ito at iuuwi sa dormitoryo ko. Pwede naman iyon, hindi ba?" Umiiling na ngayon ang lalaking kaharap ko.

"Hindi maaari, binibini. Ano pa ang silbi ng pagbubukas ng silid aklatan na ito nang buong magdamag kung maaari naman palang iuwi ang mga libro?"

"I'll stay here, then," umupo na akong muli sa pwesto ko kanina. I scanned every page of the book. Hoping for some words to be seen.

"Baguhan ka dito, binibini. Hindi ligtas para sa isang katulad mo ang pananatili sa ibang lugar ng ganitong oras. Mabuti pa ay bumalik ka na sa iyong dormitoryo," blah blah blah blah blah. Hindi ko siya pinakinggan. Tuloy pa rin ako sa pagchcheck ng bawat page.

"Haist. Tigas ng ulo," litanya niya at saka umalis. Dapat lang! I want to be alone. I don't need anyone's help. I'll find informations on my own.

15 minutes passed when I felt a presence again. Tss. Did he came back to drive me away again?!

"If I were you, just go back to your place and stop driving me away, Mr. Librarian Whoeveryouare," hindi ko inalis ang tingin ko sa libro. Ha. Bahala siya diyan.

"Who told you that I'll drive you out of this place? I prefer to drag you back to your dormitory, either," I froze when I heard that voice. Shit. Si Chase pala.

Kinakabahan man ay tumayo na ako at sinalpak muli ang libro sa isang shelf. Tumalikod na ako papunta sa pintuan nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Ayaw ko siyang kausap. Lalong gumugulo ang isip ko sa mga sinasabi niya sa akin.

Lumabas na ako at ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. Muli kong tinawid ang school field. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin. Nakajacket naman ako pero matindi talaga ang lamig ng malakas na hangin.

Nakarating na ako't lahat sa 3rd floor ay wala pa rin kaming kibuan. Sa kanan ay may nag-iisang kwarto na siya ang nagmamay-ari. Liliko na sana ako sa kaliwa nang hilahin niya ang braso ko at tinakpan ang bibig ko. Naging dahilan iyon upang kainin kong muli ang sigaw na sana'y ilalabas ko. Hinila niya ako papasok sa dormitoryo niya.

"You should've stayed in your dormitory for the whole night. Who told you to go out in the middle of the night? Pano kung mangyari din sayo ang nangyari sa kapatid ni Ms. Falls?" OA! Bat ba ako pinapagalitan nito? Hindi ko na lamang siya pinakinggan. Sa halip ay inikot ko ang mata ko sa sobrang inis. Nagulat ako nang isandal niya ako sa pinto at saka inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"What now?" Bulyaw ko. Ano bang pakulo ito?! Hindi nakakatuwa.

"Siguro naman ay makikinig ka na at maririnig mo na ang mga sasabihin ko sa lapit ng mukha ko sayo. Kapag nagsasalita ako ay matuto kang makinig dahil para sa iyo ang mga salitang iyon. Hindi ka maaaring lumabas nang ganitong dis oras ng gabi maliban na lamang kung ako ang kasama mo. Wala kang ibang pagkakatiwalaan. Tanging ako lamang," hindi ko maiwasang maiyak sa hapdi ng palapulsuhan ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

Lumambot ang kanyang ekspresyon ng makita ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko. Kumawala ang isang hikbi sa aking bibig na nasundan pa ng mas marami.

"I-I'm sorry. Sorry, baby. Hush now. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Sshh," pagpapatahan niya sa akin. Yakap-yakap na niya ako ngayon. Tuloy-tuloy ang paghagod ng kanyang mainit na palad sa likod ko. Patuloy ang pagpapakalma niya sa akin gamit ang mga salita niya.

Bumibigat na ang mga talukap ko. Antok na antok na ang mga mata ko. Dahil sa panghihina ay hindi ko maiwasan ang panghihina ng tuhod ko. Dahil na rin sa hawak sa akin ni Chase ay hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

"Sleep now, Avery. I love you," hindi ko na naintindihan ang kanyang mga sinabi dahil halos ibulong na lamang niya ito. Tanging 'sleep' lamang ang naintindihan ko at saka ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata upang magpahinga.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon