CHAPTER 36

26 2 0
                                    

Avery's POV

Tatlong buwan na ang lumipas. Nanumbalik na ang mga alaala ng nakaraan.

At hinding-hindi ko mapapatawad si Horan Hevenell.

Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpaslang sa aking ama. Marapat lamang na siya'y bigyang parusa. Higit pa sa ginawa niyang kawalanghiyaan sa amin. Ikinahihiya kong siya ay aking kadugo. Kailanma'y hindi ko siya matatanggap.

Napadako ang aking paningin sa isang sobre na kulay lila. Nakapatong ito sa aking higaan. Malalim na ang gabi ngunit hindi ko magawang makatulugan ang liham na ibinigay sa akin ni Yohann Kawakura. Isa rin siyang kadugo. Ngunit kailanma'y hindi magiging bukas ang palasyo para sa kaniya at sa kanyang ama.

'Magkita tayo sa gabi kung kailan makikita at magliliwanag sa buong lugar ang buwan na kulay rosas. Tapusin natin ito nang walang ibang nakakaalam. Wala kang pagsasabihan, Avery. Wala sinoman ang dapat makaalam.

Aasahan ko ang iyong pagdating sa kakahuyan kung saan matatagpuan ang puno ng presa.  Kung hindi ay isang malaking trahedya ang mamamayagpag sa buong Miusiquo Melodues

Yohann Kawakura'

Muling namuo ang galit sa aking puso. Ibunuhos ko ang matinding galit sa hawak kong sobre at papel.

"Fliemo," sinabi ko ang katagang iyon habang tinititigan ang mga basura sa aking palad. Lumutang ang mga ito at agad nabalutan ng apoy. Ang abo nito ay agad na tinangay ng hangin.

Luna mi Rosea. Yan ang araw kung kailan nagiging kulay rosas ang buwan. Ang madilim na gabi ay pupunuin nito ng kulay rosas na liwanag. Pahiwatig na ang taglamig ay magsisimula na. Oras na mawala ang kulay rosas na liwanag ay uulan na ng niyebe sa buong mundo. Ngunit ang kulay rosas na liwanag ay makikita lamang sa Miusiquo Melodues.

Mayroon akong limang araw para makapaghanda. Tutupad ako sa usapan. Walang makakaalam sa mangyayari. Tanging kaming dalawa lamang ang dapat tumapos ng lahat ng ito.

Iwinaksi ko ang kung ano mang bumabagabag sa aking isipan at saka ako nagpahinga na.

Unang Araw

Nagising ako sa marahang pagkatok sa pinto ng aking silid. Hindi pa sapat ang tulog ko. Kung sino man yan ay dapat na siyang manahimik. Kinapa ko ang isang unan sa aking tabi at itinakip iyon sa aking tainga.

Maya-maya lang ay nabulabog na naman ako sa ingay ng katok sa aking pinto. Inisip ko na gusto kong bumukas ang pinto saka ko inihampas ang aking kamay sa ere. Narinig ko ang pagtunog ng lock ng seradura ng pinto.

"Babangon ka o bubuhatin kita palabas?" Agad na kumunot ang noo ko sa ilalim ng unan na nakatakip sa aking mukha. Sinong may sabing pwede siyang pumasok rito?

"Walang nabibigay sayo ng pahintulot na pumasok sa aking silid, Meier. Inaabala mo ang aking tulog," pumihit ako patalikod sa lalaking nakatayo sa tabi ng aking kama.

"Utos ng reyna na gisingin ka na, Avery. C'mon," tinanggal ko ang unan sa aking mukha at napalabi na lamang. Bago ito. Hindi naman ako pinapagising ni ina. Tumayo na ako at hinarap si Chase.

"Makaka-alis ka na," walang buhay kong salita at saka ako dumiretso sa pintuan ng aking sariling palikuran. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

"Why so cold, baby?" Puno ng pang-iinis ang kanyang tinig na nasundan pa ng pagtawa. Bago pa man ako makapagsalita ay nakalabas na siya ng kwarto ko. Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha. Tss..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon