CHAPTER 7
"Saan mo nakuha tong video na 'to?" I asked while looking intently on the repeated video.
"Usap-usapan kasi yan ngayong umaga. Kaya nagpapasa ako. But infairness huh. Ang sweet! Sinong pipiliin mo sa dalawa? Knight or Chase? Ayie," pati ba naman siya?
"Of course none! Why do I need to choose? Tinulungan lang naman nila ako nung mawalan ako ng malay. What's wrong with that?" defensive ba masyado? Aish! Hindi! I'm not defensive. And why would I be defensive, anyway?
"Alam mo bang usap-usapan na ngayon sa school na pinag-aagawan ka ng dalawang iyon? Ang swerte mo, Avery. At take note, friend! Alam mo din ba na never nagsasalubong ang landas nila? At kung magkasalubong man sila, masamang tingin lang binibigay nila sa isa't isa. And first time namin makita na nag-usap sila sa video na yan! Gosh! Ang swerte mo, Avery! Alam mo ba yun?? Kyaaahh!" Hindi. Hindi ko alam lahat yon. Ok na? But wait. Never nag-uusap? At first time lang nila mag-usap dun sa video? That's weird.
Instead of talking about too much gossips, dumiretso na lang kami sa first class namin which is English kay Ms. Cameron. It feels more awkward compared to my first day since everyone is really looking at me suspiciously, specially girls! Are they thinking that I am a threat to them for I will take their two crushes? Nakakainis. More on nakakairita.
"Good morning, Avery," ah. There he go.
"Good morning, too," I said casually to Knight. Though, I tried to make it sound cheerfull but I did not succeed.
"Hatid na kita sa room mo. Ok ka na ba? May masakit pa ba sayo? Nakatulog ka ba nang ayos kagabi?" tuloy-tuloy niyang salita.
Nag-aalala pa rin ba siya o OA lang? Sa sobrang tulala ko sa sunod-sunod niyang tanong ay hindi ko na namalayan na nakuha na niya pala yung bag ko sa akin. Sling bag ang dala ko at kulay pink iyon. Kaya laking gulat ko nang isukbit niya iyon sa balikat niya na para bang bag niya iyon! Biglang dumating si Chase na ang sama na naman niya tumingin.
Agad akong kinilabutan sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin. I sighed. Ayan na naman sya. Lagi na lang akong ginagapangan ng takot kapag andyan sya. Bago pa ako mag-iwas ng tingin ay nakita ko syang umiiling habang nakatingin nang diretso sa aking mata. Ano ang ibig sabihin nun? Bahala na nga.
Nabaling naman ang atensyon ko kay Knight. Agad na nag-init ang pisngi ko nang makita kong nakasabit pa rin sa isang balikat nya ang bag ko at sa kabila naman ay ang bag niya.
"Hatid na kita sa room mo?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang pagtanggap sa kanyang alok. What can I do anymore? He's already holding my bag. No point of arguing. Sabay kaming naglakad patungo sa building na pagdarausan ng klase ko. Or klase namin? Saan ba ang room ni Knight? I can't remember that I saw him inside our classroom yesterday.
"Knight?" I started.
"Hmm," maikling sagot niya.
"Saan ang room mo? I didn't saw you yesterday," masyado ba akong chismosa? Wala naman sigurong masama kung magtanong ako.
"Ah. 2nd floor ang room ko," nakangiti nyang sabi sa akin. Masyado ata akong na-carried away sa pagngiti niya kaya hindi agad ako nakasagot.
"2nd floor? So mauuna ka pumasok sa amin?" tama naman diba? 3rd floor ang room namin nila Autumn. Am I right? Am I even making sense?
"Nope. I'll bring you to your room first. Ihahatid nga kita diba?" his smile. It was so captivating. Though, he really have this 'bad boy look'. But it made him hot, anyway. A bad boy appearance with a sweet personality.
"Are you sure with this? Kaya ko na naman yun," sabi ko.
"I insist," he said. Looks like he's really determined to bring me to my classroom. Alright.
Hindi na nasundan ang pag-uusap namin habang naglalakad. All I can hear is the sweet laughs of those who are behind us. Chase and Autumn. Nagkukulitan na naman sila. Pero bakit sakin ang sungit ni Chase? I can't remember that I did something wrong with him. Kahapon ko lang siya nakilala at nakita.
Kahapon nga lang ba?
I don't think so. I think I already met him in my past. Even Autumn, too. While Knight is somehow familiar. But the problem is, I can't remember that I've met them before. Are they somehow special? Are they even important? I don't know. It feels like I need to be with them. That I'm safe with them.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Papasok na sana kami sa building nang natigilan ako sa nakita ko. Uwak. Ang uwak na nakita ko kagabi ay nasa puno katabi ng building namin. Nakatingin sya nang diretso sa akin. Hindi ko alam kung naghahallucinate lang ba ako o may nakikita talaga akong music notes na lumalabas mula sa kanyang bibig. O tuka?

BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
ФэнтезиShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?