Hagulgol ng isang babae ang nangingibabaw sa lahat ng ingay sa paligid. Lumingon ako sa direksiyon niya. Nakita ko kung paano niya punasan ang dugo sa mukha ng pinaslang gamit ang kamay niya. Hindi ba siya natatakot gayong nakahiwalay ang ulo nito sa katawan?
Unti-unti ko siyang nilapitan at di alintana ang dugong bumabaha sa sahig. Maging ang mga haligi at pader ng unang palapag ay napuno ng dugo. Patuloy sa pag-iyak ang babae. Pamilyar ang kanyang hubog at boses. Nakumpirma ko ang aking hinala nang makita ko ang kanyang mukha na naliligo sa luha.
Si Kathleen Falls.
Ngunit sino ang babaeng pinatay? Bakit kamukha niya? Bago pa man ako makakilos ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin. Puno na rin ng dugo ang kanyang katawan. Hindi ko man alam ang totoong nangyari ay niyakap ko pa rin siya pabalik. Siguro ay mamaya ko na lamang siya tatanungin.
"A-avery... Avery... Ave—avery," paulit-ulit ang pagsambit niya sa pangalan ko. Marami siyang gustong sabihin. Ngunit hindi niya alam kung saan sisimulan.
"Shhh... Halika. Doon muna tayo sa dorm ko. Saka mo sabihin sakin ang lahat. Tahan na," halos hindi ko rin mahagilap ang mga salitang magpapakalma sa kanya o kung mapapakalma ko nga ba talaga siya. Sa ngayon ay dormitoryo ko lamang ang naiisip kong maaari naming puntahan.
Halos hindi siya makatayo sa panginginig kaya kailangan ko pa siyang alalayan. Pahirapan din sa pag-akyat dahil tuloy pa rin ang pag-iyak niya at parang wala pa siya sa sarili. Nang nasa loob na kami ay pinaupo ko siya sa upuan malapit sa mesa ko at kumuha naman ako ng isang baso ng tubig. Inabot niya iyon gamit ang nanginginig niyang mga kamay.
Pinagmasdan ko siya habang naiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng kalungkutan at awa para sa kanya gayong hindi ko pa naman naririnig ang buong pangyayari. Nang kumalma na siya ay saka ako nagsalita.
"What happened? Bakit kamukha mo ang babae na pinaslang? Konektado ka ba sa kanya?" Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na tanong na lumabas sa bibig ko.
"K-kapatid ko siya, Avery. Pinatay siya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam ang nangyari at pinagsisisihan ko iyon. Hindi ko manlang naprotektahan si Calliyah," pinipigilan niyang umiyak ngunit mababakas pa rin ang pighati sa tono ng boses siya.
"Kapatid?" May kapatid siya?
"Calliyah Villadiego. Nasa ika-sampu sa top ten. Kapatid ko siya sa labas. Anak siya ni mommy sa ibang lalaki. Pero hindi nagbago ang pagturing ko sa kanya," hindi ko na magawa pang magsalita.
"Sisiguraduhin ko na ako din ang papaslang sa kung sino mang gumawa 'non sa kanya. Dugo ang kapalit ng dugo. Buhay ang kapalit ng buhay. Hindi siya makakatakas sa kamay ko. Ngiti ng aking tagumpay ang huling makikita ng kanyang mga mata bago niya langhapin ang huling hangin ng kanyang hininga," nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata.
"Ikaw, Avery? Anong kaya mong gawin kung ikaw ang namatayan? Kung mahal mo sa buhay ang pinaslang? Kaya mo bang maghiganti?" Nagulat ako sa tanong niya. Kasabay 'non ang pag-akyat ng kumukulong dugo ko sa akin mukha. Nakaramdam ako ng galit sa kaloob-looban ko.
"Handa akong pumatay," puno ng galit ang malamig na boses lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung ako pa ba ako pa ba ang nagsasalita ngunit hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo ko.
"Pero paano ka maghihiganti kung ngayon pa lang wala ka nang alam? Ako madami akong alam, Avery. Mga sikreto na ikagugunaw ng mundo mo. Eh ikaw? Hanggang saan ba ang alam mo? O may alam ka nga ba ni katiting?" Kita ko ang malademonyong ngisi na naglalaro sa labi niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano nga ba ang alam ko? Hanggang saan nga ba ang nalalaman ko?
"Kung ako sayo, magsimula ka nang maghanap ng katotohanan. Alamin mo ang bawat sikreto, Avery. Tulungan mo ang sarili mo. Dahil walang tutulong sayo dito. Wala kang maasahan. Wala kang dapat pagkatiwalaan. Dahil bawat isa ay may lihim. Mga lihim na kailanman ay wala silang balak ibunyag. Dahil oras na malaman ng iba, lulubog na sila,"
Natulala ako sa mga sinabi niya. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya. What was that? What happened to her? Parang hindi si Kathleen Falls ang kausap ko.
Napaisip ako sa sinabi niya. Ang bawat isa ay may lihim na ikalulubog nila. Habang siya naman ay may alam na ikagugunaw ng mundo ko. Ano iyon? Bakit? Bakit parang mas may alam pa siya kaysa sakin? Bakit parang lahat sila maraming alam? Samantalang ako ay nagmumukhang tanga na hindi alam kung ano ang totoo.
Pinaglalaruan ba nila akong lahat? Ang akala ko ay si Chase lang ang kalaro ko sa larong ito kung saan nakataya ang mga sikreto na tinatago nila.
In the first place, bakit nga ba umaasa pa akong magkakaroon ako ng kaibigan dito? Ano bang gusto nila? Plastikan? O taguan ng kaalaman? Kahit anong klase pa yan ng laro ay handa ako. Hindi ko kailangan ang kahit sino. Aalamin ko ang lahat nang mag-isa.
Wala akong pagkakatiwalaan. Sino man ang pumigil sa akin na malaman ang lahat ay aking makakalaban. Walang sinoman ang makakapigil sa kagustuhan ko. Ngayon magsisimula ang tunay na laro. At ako ang mananalo. Ang haharang sa aking daan ay mapaparusahan.
Napatingin ako sa wall clock ko. 9:55 p.m na. Ni hindi ko namalayan na gabi na pala. Tahimik na ang paligid. Kinuha ko ang jacket ko at saka lumabas. Magaan ang bawat hakbang ko. Tinawid ko ang school field at dumiretso sa isang building. Gabi na ngunit bukas pa rin ang mga ilaw nito. Hindi ba nagsasara ang library ng school na ito?
Pumasok na ako at bumungad sa akin ang isang lalaki na humihikab na sa antok. Siya siguro ang librarian dito. Nagulat siya nang makita ako.
"Hindi ko inaasahan ang pagdating ng isang binibini sa ganitong oras ng gabi," may ngiti na naglalaro sa kanyang labi. Hindi ko na ito pinansin. Sa halip ay naghanap na ako ng libro na sa tingin ko ay makakatulong sa akin. Maya-maya pa ay isang aklat ang nakapukaw ng aking atensyon.
Miusiquo Melodues
Bumilis ang tibok ng puso ko sa nabasang pamagat ng librong hawak ko ngayon. Pakiramdam ko ay may alam ako tungkol sa nabasa ko. Agad akong dumiretso sa isang bakanteng upuan at saka binuklat ang libro.
'Ayon sa propesiya; Sa ika-dalawapung henerasyon ng mamumuno sa kaharian ay isisilang ang prinsesa na mamumuno sa mundo ng musika. Isang prinsesa na may hindi pangkaraniwang lakas at kapangyarihan.
Ang kanyang kakayahan ay mananaig at mangingibaw higit pa kung sino man. Taglay niya ang kapangyarihan ng kabutihan at kasamaan. Siya lamang ang may kakayahan na pagyamanin at paunlarin ang musika.
Siya ang natatanging may kakayahan na sumira sa musika at magpawalang bisa nito sa ordinaryong mundo.
Siya ang pinakamakapangyarihan.
Ngunit siya rin ang nagtataglay ng pinakamasamang elemento ng kapangyarihan.'

BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?