Living in this world
Feels like crazy
Understanding him
Was never easyHe keeps on bugging
My whole mind
And all I wanna do
Is to hideHide from eveything
He's doing for me
Hide 'cause I can't
Think clearlyThink clearly on what
He's trying to say
Or just trying to play
Games with me..Buong magdamag akong gising at sa buong magdamag ay iyan ang naisulat ko. Writing is one of my stress relievers. Dyan ko binubuhos lahat ng hinanakit o kung ano mang emosyon na nararamdaman ko.
Autumn is somehow happy to be with. Pero mas madalas ang pag-iwas nya. She's usually absent at walang teacher na pumapansin non tuwing nagchecheck ng attendance. Nilalakdawan lamang nila ang pangalan nito.
Knight is a great guy but moody. Or let's say na mas tamang gamitin ang adjective na OA. Kapag normal lang ang mga pangyayari, lagi syang nakangiti at sweet. Pero pag may nangyayaring masama sakin, parang galit na galit siya sa sobrang pag-aalala.
Chase is a weird guy. Laging masungit ang mukha. Nakasimangot. Pero pag kaming dalawa ang magkasama lagi nalang akong nagugulat sa mga sinasabi niya sakin. Di ko maintindihan kung nabanat ba sya o yun lang talaga ang gusto niya sabihin. Kapag si Chase naman ang kasama ko poker face ang mukha nya. Ang lamig pa ng boses. Madalas pa, yung mga sinasabi niya may laman. May deeper meanings.
Lahat sila may something. May tinatago sakin. May tinatagong lihim sa akin. Halata ko yun. Parang lahat sila maingat masyado sa mga salita...lahat sila pwera na lang kay
Kathleen Falls
Sa lahat ng nakilala ko sya lang ang wala akong napapansin na kakaiba. Carefree lang. Should I trust her? Deserve ba nya na pagkatiwalaan mo sya? Matutulungan niya ba ako sa mga katanungan ko?
Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Sunday ngayon kaya walang problema kung hindi man ako magising nang maaga. Hindi ako sanay na late gumising pero heto ako ngayon at ala una na ng hapon nagising. Masyado siguro akong napuyat kakaisip. Dumiretso na ako sa cr para maghilamos. Laking gulat ko nang makita ang eyebags sa ilalim ng mga mata ko. Kailangan ko pa sigurong bumawi ng mas maraming tulog.
Namilog ang mga mata ko nang si Chase ang tumambad sakin pagbukas ko ng pinto.
"Kanina ka pa dyan?" Hindi ko maiwasang magtanong dahil sa itsura nya. Nakasandal ito sa tapat ng pinto at ipinapakita ang iritado nyang mukha. Napairap sya sa naging katanungan ko.
"You missed your breakfast and lunch. Why?" Nakakunot na ngayon ang noo nya. Tss. 'You're the reason why, idiot!' Gusto kong isigaw yan sa pagmumukha nya ngunit wag na lang. At isa pa, gutom na ako. Wala akong panahon makipagtalo.
"Oversleep," tipid na sagot ko saka ko sya nilagpasan para bumaba na patungong cafeteria. Ramdam ko ang pagsunod niya sakin. Ano bang problema nya?
"I already told you last night, remember? Lagi kang didikit sa akin o kahit kay Autumn or Kathleen. Kahit si Knight pa yan pwede na. Hey, humarap ka nga muna saki—"
"Why would I?" Napatigil sya sa paglalakad nang humarap ako at nagtanong bigla out of nowhere.
"Dahil kinakausap kita kaya dapat kang humarap—"
"Why should I go with you all the time? Can't I have more friends? Why should I follow you? Why would I take orders from you? What's wrong, Chase? Bakit ang ingat niyo lagi magsalita? Bakit ang dami kong hindi nalalaman? Bakit lagi ko na lang nahahalata na may tinatago kayo sakin? Should I really trust all of you?" Hindi ko na naiwasang magtanong. Damn. I just burst out some of the questions in my mind. Hindi pa iyon lahat. Madami pa.
Tinignan ko sya mabuti. Naghihintay ako ng sagot. Kahit isa lang dun sa mga tanong ko...
Hindi siya makatingin.
Namuo ang inis sa kalooban ko at pinili ko na lamang na umalis doon at bumaba. He just proved me that I shouldn't trust him by not answering my questions. Or any of my questions, rather.
"Wait up, okay? Wait up. Now, what do you want?" What now? He's willing to give what I want?
"I want answers. Are you going to give it to me or not?" Halos nalulumo na ang mga mata niya. Para bang sinasabi niya na wala na siyang choice or what. Nahihirapan siyang sabihin sa akin, nakikita ko yon. But I won't care less. I need answers. I need truth.
"I--I can't," tumalikod na ako at tuluyan nang naglakad pababa. He can't? Tss. Then I can't, too. I can't do what they want. I can't trust him, them.
"Wait! Wait! I'll speak now, okay? I'll speak. Just...just don't—just don't go. Don't go away from me, okay? Please," tumigil ako sa paglalakad nang hindi pa rin lumilingon. Hinintay kong makalapit siya sakin at pumunta sa harapan ko.
"Now, what do you want?" Napataas ang isang kilay ko sa tanong niya. Do we need to repeat everything a while ago?
Mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ng pag-arko ng kilay ko. Gutom na ako. At kung di pa sya agad magsasalita ay baka sa kanya ko maibuhos ang inis ko sa pagkalam ng tiyan ko.
"Kadalasan kasing may mangyari na mga krimen dito sa H.M University. Gusto ka lang namin protektahan. Lalo na ngayon. Lalong lumalala ang mga krimen na nangyayari. A-ayaw lang nama
in ipaalam sayo," he's fidgeting."That's all?" Ngayon ang oras para ang noo ko naman ang kumunot.
"T-that'a all. Iyon na yun. Wala kaming ibang tinatago," tinignan ko sya mabuti.
"Sabi mo may mga krimen na nangyayari dito lagi. So this place is not safe for students?" Titig na titig ako sa mga mata niya habang naghihintay ng sagot.
"No! I mean, it's not like that. This school is still safe. These crimes are happening because of the richness and power of the students who are studying here. Most of the students here are elites, that's why,"
"What kind of crimes are happening here, then?" Napakamot siya ng batok niya at saka ginulo ang buhok. Frustrated, huh.
"Madalas ay robbery. Minsan may nakikidnap. Or worse ay pinapatay kapag nanlaban,"
"Okay. Gutom na ako. Pupunta na ako sa cafetria," nilagpasan ko sya ulit at tuluyan na akong nakababa. Naglakad ako nang kaunti pabalik para silipin siya nang hindi siya sumunod sa akin. Nakita kong nakatayo lang siya dun at parang tulala.
"Aren't you going to come with me? Akala ko ba dapat may kasama ako lagi?" Mukhang natauhan naman siya sa mga sinabi ko at lumapit na siya sakin. Sabay kaming pumunta sa cafeteria.
Figdgeting...
Stuttering...
And most of all, he can't look directly in my eyes...
Confirmed.
He's lying. He wants me to believe him? He wants to play games with me? Then let's start. Let the games begin.
And I'll make sure na ako ang mananalo sa huli.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?