Avery's POV"Sigurado ka ba dito, anak? Hindi ba masyadong delikado para sa'yo?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mata ni Ina. Ngunit buo na ang desisyon ko. Kailangan ko itong gawin para na rin sa sarili ko at sa kapakanan ng kaharian.
Halos isang linggo na rin ang lumipas simula nang tumira na nga ako dito sa palasyo. At halos hindi ko rin nagustuhan ang nangyari sa akin sa mga araw na lumipas. Para akong nalulunod lagi sa iba't ibang ala-ala na nagpupumilit magpakita sa akin.
Sa tuwing susubukan kong libutin ang palasyo ay laging sumasakit ang ulo ko at may mga ala-ala na nagbabalik. Wala akong maintindihan. Wala din naman akong mapagtanungan dahil wala dito si Chase. Nahihiya din naman akong makipag-usap sa mga natitirang opsiyal dito sa kaharian. At naiilang pa rin ako sa sa tunay kong nanay. Na hindi ko maintindihan kung paano nangyari ang mga iyon.
Kahit sa pagpikit ng mata ko ay iba't ibang eksena pa rin ang nakikita ko. Maging sa gabi ay wala akong kawala. Hindi ko alam kung kailan ba ako nakatulog nang mahimbing sa lugar na ito simula nang dito na ako mamalagi.
Hanggang sa isang beses ay napadaan ako sa silid aklatan. Naningin-ningin ako ng mga aklat na maaari kong paglibangan. Kinailangan ko pa ng hagdan para makuha ang libro na gusto kong basahin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nahulog na lumang papel na naka-ipit sa libro na kinuha ko. Bumaba ako sa hagdan at pinulot ang nahulog na lumang papel.
'Tanging isang maingat at lihim na ritual lamang ang makakapagpanumbalik ng ala-ala ng prinsesa na tinanggalan ng ala-ala. Ang ritual ay marapat na gawin ng mga tao na mismong nagdulot ng kawalan ng ala-ala ng Prinsesa Avery.'
Hindi agad ako nakakilos sa nabasa ko. Binasa kong muli ang nakasulat at doon lamang pumasok sa isip ko ang pwede kong gawin.
Agad akong tumakbo palabas ng aklatan at pumunta sa silid ng reyna.
3rd Person's POV
"Sabihin sa mga opisyal na itigil ang kanilang ginagawa at agarang pumarito sa Lomonous la Prougsio," utos ng reyna sa isa sa mga kawal na nakatakdang magbantay sa silid na iyon.
Ang Lomonous la Prougsio ay isang silid sa palasyo kung saan ginawa ang ritual nang alisan ng memorya ang prinsesa. Ito rin ay tinatawag na Work Room. Nababalutan ito ng matinding kapangyarihan na naglalayo sa anumang disgrasya na maaaring mangyari sa loob ng silid.
Humahangos na dumating sa silid ang mga opisyal sa pangunguna ni Sherille Ramiz. Nagsunuran na dumating ang iba pa. Puno ng pagtataka ang lahat kung bakit biglaan ang pagpapatawag ng reyna sa silid na iyon. Halos labinlimang taon na ang lumipas nang huli silang tumapak sa silid upang i-sagawa ang pag-aalis ng memorya ng prinsesa.
Nagtataka man ay namumuo na ang isang ideya sa isipan ni Josef Franco. Nang makita niyang nasa loob din ng silid ang prinsesa ay pumasok sa isip niya na ito na ang oras upang ibalik ang nawawalang ala-ala.
Sa kabilang banda naman ay kitang-kita kung paano kabahan ang prinsesa sa mangyayaring ritual. Pilit niyang binubuo sa isipan ang maaaring mangyari matapos ang ritual ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mahinuha.
"Dumating na ang araw upang manumbalik ang nawalang ala-ala ng aking anak. Inaasahan ko ang inyong pagtutulungan upang maisagawa ang ritual," tinignan isa-isang reyna ang mga opisyal na para bang kinukumpirma niya ang sagot ng mga ito gamit ang kanyang mga mata. Nang walang nangyaring pagtutol ay iminwersa na niya sa kanyang anak na dumiretso sa isang papag na gawa sa bakal. Dito hihiga ang prinsesa at ipipikit ang kaniyang mga mata hanggang sa matapos ang ritual na gagawin ng mga opisyal.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?