CHAPTER 15

35 7 5
                                    


CHASE'S POV

10 a.m na ako nagising. Pinakamaaga na yan tuwing weekend. Usually 3 p.m ako nagising. Nireview ko muna ang notes ko dahil wala naman akong gagawin—si Avery nga pala.

Tinignan ko ang cellphone ko na konektado sa tracking device na ikinabit ko kay Avery. Halos tuldok lamang iyon pero 756 megapixel ang lens nito. Kaya kitang-kita ko sya ngayon na naglalakad sa school field na sa tingin ko ay pabalik na sa dorm. Kasama niya si Kathleen.

Kathleen Falls...

Kasama sa may pinakamataas na ranggo ng mga estudyante dito. Mabait naman ito at alam kong wala siyang gagawin kay Avery. Haist...makaligo na nga lang. Bababa na lamang ako para kumain. Siguro ay isasama ko na lang si Autumn.

After 30 minutes ay lumabas na ako ng dorm. Na pinagsisisihan ko na ngayon.

"CHAAAAAAAAAAAAAASEEEE MAH LOVESSSSS!!!!"

Kung nasa Aniyo Tono building kami ay paniguradong basag na ang mga salamin doon. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito dito? 1st floor ang dorm nito ah.

Bago pa man ako makapagsalita ay niyakap na niya ako nang mahigpit.

"5 months na ang nakalipas, honey ko," yeah. 5 months. 5 months na akong ginugulo ng babaeng ito. Hindi ko siya girlfriend or ex o magiging girlfriend man. Ang limang buwan na sinasabi ko ay limang buwan na akong nililigawan 'daw' ng babaeng ito. Mitzie Peñaverde. Tss.

Hanggang ngayon ay yakap pa rin ako ng babaeng to. Kung hindi lang to babae ay baka dinurog ko na mukha nito. Kabanas. Tsk. Iniba ko ang direksyon ng mata ko at halos gusto ko na talagang itulak ang babaeng hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sakin.

Si Avery. Nakatingin sa akin. Shit. Pano ba to? Buti naman at umalis na to sa pagkakayakap. Baka ako pa mismo tumulak dito.

"Happy monthsary, honey ko!! Hihihi. Ito oh, gift ko sayo," hindi ko magawang tapunan ng tingin si Mitzie dahil baka magdilim lamang ang paningin ko. Nanatili ang titig ko kay Avery na ngayon ay nakatingin na sa regalong inaabot sa akin ng babaeng kinaiinisan ko sa oras na ito. Nagbalik sa akin ang tingin niya.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako ng taong talagang sasapakin ko mamaya.

"Avery! Tara? Lunch tayo?" Ang kahit kailan talagang epal. Robins.

Tinignan ko si Avery. Sana di ka pumayag. Wag ka papayag please. Sabihin mo ayaw—"Sure! Lika na? Gutom na ako eh," nakangiting tugon niya kay Knight.

Amp. Pasapak naman oh. Isa lang. Promise. Isang-isa lang. Pero itotodo ko na para bukas na sya magising. Tss..

At sabay na nga sila bumaba. Bwisit naman kasi tong babae na to. Kung pwede ko lang to engkantuhin matagal ko nang ginawa.

"Wait! Sabay na kami ni babe ko!" Nako naman talaga tong babaeng to. Gusto ata talagang masapak eh.

Napatigil naman sa paglalakad yung dalawa. Nagkatinginan pa! Ano na ngayon? Kakakilala niyo lang nagkakaintindihan na agad kayo sa tinginan? Amp.

"Okay lang. Lunch lang naman eh. Tara na?" Bat pumayag siya? Tsk. Anyway, mas okay na yun. Atleast mababantayan ko sila ni Knight. Ha!

Nakahanap na kami ng table para sa apat. Katabi ko si Mitzie habang katapat naman niya si Knight. Kaya si Avery naman ang katapat ko. Sana kami na lang yung magkasamang maglunch. Bat kasi may mga asungot pa?!

"Anong gusto mo kainin, Avery? My treat," sus. Treat lang ba? Bilin ko pa lahat ng pagkain dito sa cafeteria eh.

"Ikaw bahala. Itulad mo na lang sa kung anong sayo," bat ba siya ngiti nang ngiti?! Bat sakin hindi? Dapat sakin lang siya ngumingiti! Damn! Nakakabaliw!

"Chaaassee babe kooo di ka pa ba oorder ng lunch natin? Di mo ba tatanungin kung anong gusto ko?" Yuck! Nakakasuka pagmumukha ng babaeng to.

"Bahala ka. Kumain ka kung gusto mo," tumayo na ako at hinila patayo si Avery. Ha! Bahala silang dalawa ni Knight ang magdate!

"T-teka. San tayo pupunta? Kakain pa ako ng lunch. Nagugutom na ako," hila-hila ko pa rin siya. Mula dito ay rinig ko pa rin ang pagtawag sakin ni Mitzie. Nakaka-irita talaga boses ng babaeng yun.

"Chase Meier. Nagugutom na ako. San ba tayo pupunta?" Nilingon ko siya at nakita ko ang pagpout ng labi niya. Pfftt...

"Kakain," maiksi kong sagot at saka ulit nagpatuloy ng paglalakad.

"Kakain? Pwede naman dun sa cafeteria ah!"

"Ayoko dun. Puro asungot. Dapat tayong dalawa lang," paakyat na kami ngayon sa dormitory building.

"Bakit naman? San tayo kakain? Dun may pagkain eh!  Tsaka saan dito sa dorm? May pagka—"

"Ssshhhh. Wag ka nga maingay. Kakain tayo, hintay ka lang," gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang susi sa bulsa ko. Sa isang kamay naman ay hawak ko ang palapulsuhan niya.

"Anong gagawin natin dito sa dorm mo? May makakain ba dito?" Dumiretso kami sa mini kitchen ng dormitoryo ko. Pinaupo ko siya sa maliit na dining. Dumiretso naman ako sa ref ko para kumuha ng ingredients ng lulutuin ko. Nilagang baka.

"Bakit kasi dito? Tsaka ano bang lulutuin mo? Marunong ka ba magluto? Masarap ba yan? Baka matagal pa yan? Dapat kasi sa cafeteria na lang eh," tss. Bat ba gusto niya dun? Kasi andun yung asungot?

"Shut up. Mabilis lang to."

30 minutes ang lumipas bago naluto ang ulam. At sa 30 minutes na yun ay puro tanong ang binabato niya. Psh.

Nakain na kami ngayon nang magsalita na naman siya.

"Bakit mo iniwan yung girlfriend mo? Monthsary niyo ngayon diba? LQ kayo?" Napatigil ako sa sinabi niya.

"Wala akong girlfriend," ikaw lang. Gusto ko idagidag.

"Eh sino yung kanina? Kadate mo yung diba?"

Binatawan ko ang kubyertos at saka tumitig sa kanya.

"Wala akong girlfriend at wala din akong balak idate kundi ikaw lang."

AVERY'S POV

Nakanganga akong iniwan ni Chase matapos niyang sabihin yun. Pumasok siya sa isang kwarto na sa tingin ko ay ang bedroom niya. A-ako? Ako daw ang gusto niya idate? Bakit ako?
? Bumabanat ang peg? Nah.

Imposible namang may gusto siya sakin. Halos mag-iisang buwan pa nga lang ako dito eh. Tapos madalas pa kaming magkaaway.

Hindi ko namalayan na tapos na pala akong kumain. Bat di niya inubos yung pagkain niya? Nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo at saka hinugasan. Hmmmm....pano ba to? Di niya inubos yung kanya.

Nilagay ko sa tray ang pagakain niya na dinagdagan ko na rin. Saka ako kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Chase?" Infairness kinakabahan ako. Bat ba ako kinakabahan?

"What?" Ang sungit ha. Tss... Pasalamat nga siya concerned pa ako eh. Kung di lang siya ang nagluto....nako! "Pwede ba pumasok?"

"No."

"Saglit lang."

"Still no,"

"Please?" And there! He finally opened the door at last!

"Bakit ba?" The snobby look is obvious in his face! Bipolar! Ang bilis magbago ng mood!

"You didn't finished your meal. Baka lang kasi nagugutom ka. Tsaka thank you na rin sa lunch," ugh. Nakakahiya.

"Tss. Kakain ako kung gusto ko. You can fucking go to that fucking cafeteria and eat with Robins if you fucking want," there. He just slammed the door. Ano daw? Ang bilis niya mag salita puro fucking lang naintindihan ko hays.

"Edi wag! Concern na nga eh! Nagthank you na nga eh! Ang sungit pa rin? Bahala ka sa buhay mo!" Talaga! Sinigaw ko yan habang tinatapon sa basurahan lahat ng pagkain sa tray. Psh. Makaalis na nga.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon