Hindi ako nakatulog sa mga sinabi niya.
"Sorry for everything..."
"Sorry for everything..."
"Sorry for everything..."
"Sorry for everything..."
"Sorry for everything..."
"Sorry for everything..."
"Sorry for everyth—"
AAAAARRRRGGGHHH!!!! Napaupo ako sa kama ko. Ano ba?! Hindi ba niya ako papatulugin?! Para san ba kasi yung sorry niya? Na may everything pa?! Amfufu
Isa pa yang Robins na yan! Hindi na nagpakita sakin after lunch. If I were to choose, tulad nga ng sabi sakin ni Autumn, mas gusto ko si Knight! Sweet, caring, good-looking, gentleman at higit sa lahat hindi M-A-S-U-N-G-I-T!! Di tulad nung isa diyan na nagngangalang—nevermind. Agh. Makatulog na nga lang.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Sabado ngayon at katulad ng gawain ng ibang mga estudyante ay dapat binabawi ko ang tulog ko kapag weekends. But I'm not like that. I'm a morning person. Hindi pwede sakin ang tutulog-tulog.
Matapos akong mag-ayos ay lumabas ako para subukan ulit maglibot. Hmmm... I'm a transferee here. Wala ba akong pwedeng maging tour guide?
Naglakad pa ako nang naglakad. Inuna kong libutin ang dormitory building. 4th year highschool students ang gumagamit ng dormitory building na to. Six-storey building ito. 4 rooms per floor. At sa 3rd floor ay kaming apat nila Autumn.
Natapos akong maglibot ng building at sobrang tahimik pa rin kahit 7a.m na. Mukhang lahat bumabawi ng tulog. Kahit sila Autumn ay mukhang tulog pa rin.
Papasok na sana ulit ako sa dorm ko para uminom ng tubig nang "Good morning," si Knight.
Tumango ako at saka ngumiti. "Good morning," sagot ko.
"San ka galing? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba?" lalong lumawak ang ngiti ko. Ang aga ha! Ang aga pa para kiligin. Charrr...
"Wala. Ayos na ang pakiramdam ko," ayos na kasi nakita kita. Ang harot eh hahaha.
"May gagawin ka ba ngayon? Pupuntahan? Samahan na kita?" Hmmm... Maganda nga sana kung ganon but
"No thanks. I can manage," it's the chance, I know. But something's not right when I'm either with the three of them.
"I insist, Avery. I'm free today," mapilit siya. But still, no.
"Hindi na talaga. I want to walk alone. Sorry but I don't need your company," sounds harsh but I need to. Magpapasama naman ako but not with them. I'll just look for someone out there who's willing to tour me around.
Sa sobrang guilty ko ay tumakbo na ako pababa bago pa sya makasagot. Dumiretso ako sa school field since natanawan ko na may mga tao na dun. Sino kayang willing? Hmmm...
Tumingin ako sa paligid para makahanap ng magiging tour guide ko. Napatingin ako sa isang babae na nakaupo sa ilalim ng puno habang naggigitara at sinasabayan ng pagkanta. She has an angelic face. Long straight black hair. Nilapitan ko sya at narining ko kung gaano kaganda ang boses nya. Nakakainggit. Haist. Kahit ang pag-strum nya. Kabisadong-kabisado na niya ang bawat chord.
"—Cause you remember it all. It was rare, I was there, I remember it, all too well~"
Kakatapos lang niyang kantahin ang All Too Well ni Taylor Swift. I think this is the chance para kausapin sya.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?