CHAPTER 2
Simula noon ay hindi ko na binubuksan ulit ang bintana ang kwarto ko. Bukod pa dun ay lagi na rin nakabukas ang pinto ng kwarto ko. My parents thought that I'm experiencing a trauma. Kaya hindi muna sila pumapasok sa work nila nung mga oras na iyon. They usually spend their time entertaining me. Para siguro makalimutan ko na yung nangyari.
Until one day...
Nandito kami ngayon ni mommy sa kwarto ko. It's already 10pm but we're still up. Nagkwe-kwentuhan kami nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko.
Humangin nang sobrang lakas dahilan para bumukas ang bintana ng kwarto ko at sumara naman ang pinto ng kwarto ko. Agad akong kinabahan at kinilabutan. Kinapa ko ang cellphone ko. Pero ayaw nito magbukas. Kakacharge ko lang nito ah.
Sinubukan din ni mommy na gamitin ang cellphone niya ngunit ayaw din nito gumana. Wala ding saysay kung sisigaw kami dahil nga soundproof ang kwarto ko. Nagsimula nang magtubig ang mga mata ko. Agad kong niyakap si mommy. Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses. Siya na naman. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot.
~Lumapit ka sa aking bisig
Pakinggan mabuti ang aking awit
At ikaw ay aking dadalhin
Sa mundong dapat mong kilalanin~
Ramdam ko ang pagsisi-taasan ng balahibo ko. Matinding takot ang bumalot sa akin nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa hindi ko makilalang boses. Ano ba talaga ang gusto niya?
Napahigpit ang yakap ko kay mommy. Ramdam ko ang pagpasok ng antok sa sistema ko. Ayoko. Ayokong mawalan ng malay habang naririnig ko ang boses na iyon. Sinubukan kong takpan ang aking mga tenga. Ngunit wala itong epekto sa akin. Ang boses na kumakanta ay patuloy ko pa ring naririnig. Lalo akong naiyak. Pakiramadam ko ay makukuha ako ng boses na ito ano mang oras ngayong gabi. Nagulat at napaisip ako sa sinabi ni momm.
"I'm sorry Avery, but you have to sleep first. Hindi mo 'to pwedeng makita."
Huli na at hindi ko na nagawa pang magsalita at tanungin si mommy kung anong ibig niyang sabihin. Nakita ko na naman ang isang liwanag bago ko naipikit ang aking mga mata. Tanging magulong kaisipan ang huling namutawi sa akin bago ako nawalan ng malay.
Back to the present, papasok na kami ni mommy sa bago naming bahay. As I entered it, I felt something strange. Napahinto ako. Tinignan ko ang buong paligid. Hmm...wala naman ah. Nah. Ang weird naman. Kailan pa ako naging ganito? Nakarinig ako ng footsteps mula sa kusina. "Avery, c'mon, it's already time for lunch. I bet you're already hungry" my mom. Ah. Baka nga gutom lang to.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa bago kong kwarto para magpahinga. I look around my surrounding, again, for the second time. There's really something. It feels like, mas safe ako dito? Bahala na nga. I'll just rest. Hoping that I'll be really better here.
"Avery" nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa aking pangalan. Isang hindi pamilyar na boses. Agad akong tumayo. Hinanap ko kung saan nagmumula ang hindi pamilyar na boses.
"Avery, lumapit ka," saad ulit ng boses na iyon. Lumabas ako ng aking silid. Patuloy ko pa ring naririnig ang pagtawag sa akin ng boses na iyon. Bumaba ako mula sa second floor. Naririnig ko ang boses sa direkyon na palabas ng aming bahay. Sinundan ko itong muli.
"Avery, lapit pa," para akong magnet na gustong gustong mapalapit sa bakal kaya lumabas ako. Malakas ang pagtibok ng puso ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa hardin ng aming tahanan dahil doon ko naririnig ang boses. Pagdating ko ay isang babaeng nakasuot ng dark violet dress ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung anoang itsura niya. Hindi ko rin maaninag ang ulo niya. Pawang kulay itim lang ang nakikita ko sa ilalim ng hood ng kanyang violet dress.
"Dumating ka, Avery. Ikinagagalak ko na tayo'y nagkita na rin, sa wakas" ang boses na iyon. Maganda ang boses na iyon. Kakaiba ang kagandahan nito. Naiiba sa ganda ng boses ng mga singer na narinig ko.
"S-sino ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko. Ngunit hindi niya ito pinakinggan. "Lumapit ka, Avery. Hawakan mo ang aking kamay. At tayo ay pupunta sa mundong iyong kinabibilangan," tumayo ang mga balahibo ko. Ramdam ko ang kilabot sa aking sistema. Hindi ko gusting lumapit. Mabilis ang pag-iling ko ngunit may sariling utak ang mga paa ko na humakbang. May sariling paa o kinokontrol niya ang galaw ko?
Malapit ko nang maabot ang kamay niyang nakalahad nang biglang lumitaw ang isang kutsilyo sa kamay na iyon. Napatigil ako at natauhan. Unti-unti akong umatras. Ngunit agad niya akong nahawakan sa aking pulso at ibinaon ang kutsilyong iyon sa aking dibdib.
"Sa tingin mo ba ay hahayaan kong makabalik ka sa mundong iyon? Hindi maaari! Kahit kailan ay wala ka nang lugar sa mundong iyon! Kasabay ng kanyang nakakakilabot na tawa ay ang pagkaputol ng aking hininga.
Napabalikwas ako ng bangon. The hell. Panaginip lang pala iyon.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?