Monday na naman at kailangan na ulit pumasok. Tinignan ko ang oras sa wall clock ko at 5:30 a.m na. Tumayo na agad ako para maghanda.
Lumabas na ako ng dorm ko at tinignan ang kabuuan ng 3rd floor. Tahimik. Hindi ko alam kung nasa kanya-kanya pa silang dormitory o naka-alis na. Diretso ang paglakad ko nang biglang bumukas ang pinto ng katabing kwarto ko.
"Hi! Good morning!! Papasok ka na? Sabay na tayo!" Si Autumn. Bigla niyang isinabit ang kamay niya sa braso ko at saka ako hinila paalis don.
6:30 na nang makarating kami sa classroom. Halos kalahati pa lamang ang nadatnan namin. Andoon na rin si Chase. Nginitian ko sya nang tumama sa mata niya ang paningin ko. Kumunot lamang ang noo nito at saka ako inirapan. He's back to normal. Masungit ulit.
Hindi ako komportable na katabi sya o kahit si Autumn. I was left with no choice. I am torned between them. Saktong ala syete at pumasok na ang guro namin. Kung hindi ako nagkakamali ay History ang subject namin for the whole morning period. At sa hapon naman ay dalawang subject. Arts and Values.
"An unpleasant morning to everyone," sambit niya matapos ilapag ang kanyang mga kagamitan sa teacher's table.
Unpleasant? Bakit naman ganun? Siguro ay dapat pa rin syang batiin pabalik.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Autumn. "Wag. Ayaw niya talaga ng binabati. Kahit ang pagsasabi ng good morning ay ayaw niya rin. Hindi kasi siya morning person. Mas gusto niya na ala sais ng gabi ang gising niya imbis na umaga," naguguluhan ako sa sinabi niya. Ganon pa man ay umupo pa rin ako.
"For those who didn't know, I am Endorvia Misterio, your history teacher," hindi ko maiwasang kilabutan sa paraan ng pagtingin niya lalo pa't sakin sya nakatingin habang sinasabi iyon. Ah. Siguro ay dahil ako nga lang 'daw' ang nag-iisang transferee sa school year na ito.
"Sa pangalan pa lamang ng paaralan na ito, ano ang unang salita na pumasok sa isip mo, Binibining La Fuentes?" Nagulat ako sa biglaan niyang tanong sa akin kaya naman napatayo agad ako. Harmoniquo Melodues, ano nga ba?
"Musika—"
"Upo," agad din naman akong umupo sa sobrang kaba.
"Musika. Tama ang kanyang naging sagot. Ngayon, sino ang nakakaalam ng simula ng paaralang ito?" Wala ni isa ang kumibo. Tinignan ko ang dalawa sa magkabilang gilid ko. Hindi sila makatingin sa guro.
Marahil ay may alam sila. At ayaw nila iyon sabihin. Tinignan ko muli ang guro sa harapan. Binuksan niya ang attaché case at nagdulot ito ng matinding liwanag. Isang hologram ang lumabas mula dito na sakop ang buong blackboard sa harapan. Nagsilbi itong barrier sa pagitan ng mga estudyante at ng teacher's table.
Ipinakita ng hologram ang isang picture ng lalaking may kaedaran na at kulay abo ang mga mata. Saan ko nga ba nakita to?
"Atanacio Iñigo Hevenell. Siya ang founder ng school na ito. Siya ang nagtayo ng kauna-unahang eskwelahan kung saan ang pangunahing layunin ay mamulat ang bawat isa sa mundo ng musika,"
Ah oo. Nakita ko na ang litrato niya sa museo na pinagdalhan sakin ni Kathleen.
"Kilala si Ginoong Hevenell sa pagsusulat ng iba't ibang panitikan lalo na sa pagbuo ng tula. Isang beses ay naisip niya na walang buhay ang mga tula na isinusulat niya. Kailangan ay magkaroon ng diin ang bawat kwento ng mga tulang ito. Kailangang maintindihang mabuti ang bawat salita sa bawat taludtod ng tula. Dito niya naisipang mag-isip ng malikhaing paraan ng pag-intindi ng mga tula. Nabuo ang mga nota, daynamiko, timbre at lahat ng mga naririnig niyong termino na may kinalaman sa musika. Pinagsama niya ang mga iyon at inilapat sa mga tula. Dito nabuo ang musika,"
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?