"Impressive.."
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng isang babae sa likod ko. Paglingon ko ay agad akong nawalan ng gana.
"Hope you still remember me, transferee," malademonyo ang ngiting ipinapakita niya sa akin. Napataas ako ng kilay.
"Of course. The pathetic MAJESTY bitch of this school. Am I right?" I smirked. Napangiwi ang mukha niya sa narinig. Ha!
"How dare you! Haven't you remembered my name? Huh?! You freakin' stupid?!" Pulang pula na ang mukha niya sa inis or worse, sa galit.
"Isabella Bitchsesa Maldita Chica," Dang! I almost laugh when she gritted her teeth in anger! Nakita ko ang paghinga niya nang malalim nang paulit-ulit para pakalmahin ang kanyang sarili. Saka siya ngumiti.
Take note: A sarcastic smile, to be exact.
Naglakad siya paikot sa akin. Sinusuri niya ako. Tss. What is she? An investigator? Well...
"So... You've got the right weapon for you. And it turns out that it is the most powerful bow and arrows. Tell me, La Fuentes. Sino ka ba talaga?" Nakapokus na ngayon ang kanyang mata sa akin. Trying to read my mind and entering my soul. Psh. May pagkachismosa din pala ang bruha.
"Nakikita ko sa mga mata mo na naguguluhan ka. Hindi mo din alam ang iyong sariling pagkatao. May mga katanungan ka na hindi mo alam kung paano mo mahahanap ang sagot o kung may sagot nga ba. Nagdadalawang isip ka sa mga tao sa paligid mo. Pinagdududahan mo sila. Hindi mo alam kung pagkakatiwalaan mo ba sila o hindi. Nahihiwagaan ka sa mga pangyayari sa paligid mo, Avery. Mismong ikaw sa sarili mo ay hindi mo na alam ang gagawin," hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lahat ng iyon. Dahil lamang sa pagtingin niya sa mata ko ay nalaman na niya agad ang mga iyon. Hindi ito pangkaraniwan.
"Habang nahihiwagaan ka sa mga nangyayari sa paligid ay nahihiwagaan naman ako sa pagkatao mo. You're not an ordinary student here. I'm a hundred percent sure of that," napataas na doon ang isang kilay ko. Ngunit ganon din ang nararamdaman ko. Hindi ako ordinaryo. Yan ang naiisip ko sinula nang mag-aral ako dito.
"How can you say so?" She laughed like an evil. A demon..
"Nakita ko ang lahat, Avery. Hindi ka pangkaraniwan. Iba ang pagtrato sayo ng APAT na matataas sa eskwelahan na ito. Ang tahimik na Chase at Knight ay nagkaka-initan dahil din sayo. Kung protektahan ka ni Seasons ay para bang matagal na kayong magkakilala. Ang dating tahimik na Kathleen Falls ay biglang nabuhayan ng loob nang magkakilala kayo," umawang ang bibig ko sa narinig. Totoo ba?
"Nakita ko rin kung paano ka muntik nang patayin ng reyna ng Itim na Musika. Ngunit nailigtas ka ng isang tauhan mula sa kaharian. Tinawag ka pa niya na prinsesa," lalong nadepina ang kuryosidad sa kanyang mukha.
"Sinundan ko kayo ni Sir Henrich dito. Narinig at nakita ko ang lahat. Tinawag ka niyang maharlika. Humahangos pa siya paalis. At, hindi mo alam ang ranggo ng boses mo?"
"Lalo akong nahihiwagaan sayo, Avery. Ngunit may mga bagay din na sigurado ako. Hindi ka pangkaraniwan lamang. May dala kang delubyo at kabutihan sa paaralan na ito. May malaking pagbabago na darating dahil sa'yo.
Ngunit lamang ang delubyo. Mas malaki ang magiging epekto ng delubyo dahil sa kaninosentehan mo. Wala kang kaalam-alam. Ang kamangmangan mo ang magpapabagsak sayo," may pagbabanta sa kanyang boses. Ibinaling ko sa iba ang aking tingin dahil naiintimidate ako sa pinupukol niyang tingin. Or more on titig pa nga.
Umalis na siya at naiwan akong naguluhan pa lalo. Delubyo? Ano bang pinagsasabi niya? Ni minsan ay hindi iyon pumasok sa isip ko. Ano ba talagang pinapahiwatig niya? Na masama ang pagdating ko sa school na ito?
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasiShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?