CHAPTER 16

31 6 0
                                    

AVERY'S POV

Umabot na ng alas quatro ng hapon at nagkulong lang ako sa kwarto ko. Bwisit na Chase yun! Ano bang problema niya? Hinila-hila niya ako sa dorm niya tapos papalayasin ako?

7 p.m na. Sa cafeteria nalang siguro ako magdidinner since ubos na ang stock ko sa kitchen. Makapaggrocery na lang bukas.

Malapit na ako sa cafeteria nang may makita akong kakaiba. Mga nota. Music notes na naman. Kumikinang ito sa kulay na ginto. Lumulutang at may direksyon  na sinusundan ang mga ito.

Lagi akong nilalamon ng kuryosidad sa tuwing nakakakita ako ng mga nota. Lalo na ngayon. Halos itim na nota lamang ang nakikita ko noon. Ngunit ang mga ito ay kakaiba. Hindi ko na napigilan ang paggalaw ng paa ko.

Patungo kami sa direksyon kung saan ko nakita ang dalawang magkaiba ngunit magkadikit na hardin. Kung saan ang kanan na bahagi ay ang makulay na hardin na kahit gabi na ay may sinag ng araw pa rin. Ang kaliwa naman ay ang madilim at masukal na hardin.

Iniangat ko ang tingin ko upang hanapin ang direksyon ng mga nota. Halos bumigay ang mga tuhod ko sa aking nakita.

Sa pagitan ng dalawang hardin ay isang mataas at matandang puno na napapaligiran ng mas marami pang nota. Pinaghalong itim at ginto ang mga ito. Sa gitna ay isang pigura ng tao nakasuot ng kulay lila na manto. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil puro itim lang ang nakikita ko bukod sa mga mata niya. Kulay berde ang nga iyon. Sumasabay ang kislap nito sa liwanag ng buwan habang nakatitig sa akin.

Masama ang kutob ko sa paraan ng pagtitig niya. Ayaw man gumalaw ng mga binti ko ay pinilit ko pa ring humakbang. Hindi pa man ako nakakalayo nang naramdaman ko ang pag angat ko sa lupa at unti-unting lumalapit ang katawan ko sa direksyon niya. Kontrolado niya ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Hindi maaari! Hindi ako makapapayag na ikaw ang sisira sa mga plano ko! Ikaw na hindi dapat isinilang! Ikaw na isang sumpa! Ikaw na dapat paslangin!" Halos manginig ako sa boses na narinig ko gayong hindi ko naman nakikita ang kanyang bibig.

"Akala ba nila ay hindi kita maaabot sa lugar na ito?! Hindi ang lugar na ito ang poprotekta sayo! Tanging ang taglay mong kapangyarihan lamang! Walang sino man ang makapipigil sa dala mong sumpa sa mundo natin!"

Hindi man nakadikit ang kanyang mga kamay sa akin ay ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig at takot. Nahihirapan na din ako sa aking paghinga.

"Ngayon ang tamang oras para putulin ang iyong paghinga, prinsesa. Isang prinsesa na walang magawa. Prinsesa ng mga mangmang! Prinsesa na walang alam sa katotohanan! Sa kapangyarihan na kanyang taglay! Sa kasamaan na kanyang idudulot sa mundo! Sa mundo na siya mismo ang wawasak!"

Nagulat ako nang makita kong ang mga nota na kaninang lumulutang ay nagsama-sama upang maging isang espada.

Gamit ang isang kamay ay alam kong ibabaon niya yun sa akin. Ngunit isang tinig ang nagpatigil ng lahat...

Isang kabigha-bighani na boses ng lalaki ang hindi ko inaasahang magliligtas sa akin sa bingit ng kamatayan. Maganda ang boses na iyon ngunit kahit ganon pa man ay  mababakas mo ang katapangan at awtoridad sa boses na iyon. Pamilyar ito ngunit ayaw pumasok sa isip ko kung ano nga ba ang pangalan niya.

Idagdag pa ang mukha niya na hindi ko din maaninag. Kung ang babae na kumokontrol sakin ay naka kulay lila na manto at puro itim ang nasa loob ng hood nito ay kabaligtaran naman ng sa lalaki. Matingkad na pula ang suot nitong manto. Habang ang mukha nito ay wala din. Ngunit iba't ibang kulay ang naglalaro sa ilalim ng hood nito.

Nawala ang pokus ko sa kanya nang marinig ko ang paghiyaw sa sakin ng misteryosong babae matapos kumanta ng bagong dating na lalaki.

Unti-unting naghiwa-hiwalay muli ang nabuong sandata gamit ang mga nota. Sa halip ay parang nadurog ang mga ito at naging debris. Ang babae naman ay umangat pa lalo pataas habang patuloy pa rin sa paghiyaw na animo'y may masakit na parte ng kanyang katawan. At tuluyan na nga itong nawala sa aking paningin.

Ramdam ko na babagsak na ako sa lupa dahil wala nang kumokontrol sa akin. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay naramdam ko na naman ang paglutang ko sa ere. Mabilis ang nangyaring paglapit sa akin ng lalaki. Ginapangan na naman ako ng takot sa maaari niyang gawin saakin.

"Tungkulin namin na iligtas ka, prinsesa. Hangad namin ang kaligtasan mo. Nawa'y magdoble pa ang pag-iingat na iyong gagawin matapos nito," kasabay no'n ay ang unti-unting paglapat ng paa ko sa lupa.

Hindi ko napansin na nakaalis na pala siya. Tulala at habol ko ang aking paghinga.

Saglit.

Prinsesa?

Kamahalan?

Baka naman napagkakamalan lang ako?

Wala akong matandaan na isa akong prinsesa o kung ano man. Pero bakit naman may magtatangka sa buhay ko kung napagkamalan lang ako? Hindi naman siguro papatay ang isang tao nang wala siya kasiguruhan diba?

At saan galing ang lalaking iyon?

Bakit niya ako iniligtas?

Bakit hindi ko makita ang kanilang mga mukha?

Madami akong katanungan at patuloy pang nadadagdagan habang tumatagal ako sa eskwelahang ito. Hindi ko na alam kung may kasagutan ba ang lahat.

At kung may makakasagot man...

Sino?

Bago pa man madagdagan ang kaguluhan sa utak ko ay bumagsak na ako sa kinatatayuan ko at nawalan ng malay...

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon