CHAPTER 23

38 7 1
                                    

Nagising ako na nasa sarili na akong kwarto ko. Napatitig ako sa kisame. Inalala ko ang mga sinabi sa akin ng librarian. Ang laman ng aklat na iyon ay selyado.

Tanging maharlika lamang ang maaaring makasira ng selyo ng aklat.

Ngunit bakit may nabasa akong parte ng aklat na iyon? Ano ang ipinahihiwatig nito?

Maharlika

Hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko sa mga naiisip ko ngayon. Unti-unting may namumuo na ideya sa aking isipan.

Ngunit napakaimposible. Isa lamang akong ordinaryong nilalang. Wala akong taglay na kakayahan pagdating sa larangan ng musika. Wala din akong matandaan ng history ng pagiging royalty ni mommy at daddy. Kung mayroon man siguro ay wala itong kinalaman sa music. Kahit kailan pa ay hindi ako nakarinig ng istorya na ang mga maharlika ay naluklok sa pwesto dahil sa galing nito sa music.

Baka naman isa lamang ito sa mga nobela na isinulat ng kung sino mang author.

Ngunit hindi. Kulang ang mga impormasyon. Hindi detalyado. May hindi sinasabi sa akin ang librarian na iyon. Mayroong maharlika siyang binanggit. Hindi rin pangkaraniwan ang pagkakaroon ng aklat na selyado ang laman. Bakit? Anong klase ng maharlika ang kanyang tinuturan? Isa sa mga naiisip ko ay salamangka. Paano kung may kinalaman sa salamangka ang mga sinasabi niya?

Binasa ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. Alas cinco na ng umaga. hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog o kung madaling araw na ba ako natulog. Ngunit nakasisiguro ako na kulang ang tulog ko dahil inaantok pa rin ako. Gayon pa man ay pinilit ko pa rin na tumayo upang makapag-ayos na.

Ngayon ko lang siguro mararanasan ang mag p.e mula umaga hanggang tanghali. Ano naman kayang physical activity ang ginagawa dito para umabot ng hanggang tanghali ang P.E class? Paglabas ko ay bumungad sa akin si Knight. Nakasandal siya sa pader na katapat ng pintuan ko. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Magandang umaga," malumanay ang kanyang pagkakasabi. Kalmado ang tono ng kanyang pagsasalita. Hindi ko maiwasang mahawa sa mga ngiti na lagi niyang pinapakita sa akin.

Nabura ang ngiting sumilay sa labi ko ng pumasok sa aking isip ang isang katanungan.

Isa din ba siya sa mga hindi ko dapat pagkatiwalaan?

Hindi ko na alam dahil sa lahat na lamang ng nakikilala ko sa eskwelahan na ito ay masyadong maingat sa mga salita. Lahat sila ay nagpapagulo ng aking isip. Sa tuwing may nakikilala ako ay nadadagdagan lamang ang gulo at katanungan sa aking utak. Mga tanong na walang kasiguraduhan kung may sagot nga ba talaga o sadyang kinakain lamang ako ng kuryosidad.

Ibinalik kong muli ang ngiti sa aking labi para hindi siya mag duda. "Magandang umaga," bati ko pabalik.

"Ihahatid na kita sa classroom mo. ayos lang ba 'yon?" napangisi ako nang palihim. Binabantayan niya rin ako. Sa tingin ko ay magkasabwat sila nina Chase at Autumn. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad ay pareho lamang kaming tahimik. Pagkatapos ng klase ay didiretso ako sa library para kausapin ang librarian. Susubukan ko din na basahin muli ang laman ng aklat na binasa ko kagabi. Sana lang ay makita kong muli ang laman nito.

"Anong subject niyo ngayon?" Napalingon ako nang magtanong si Knight. "P.E,"

Hindi na iyon nasundan hanggang sa makarating kami sa classroom ko.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon