CHAPTER 8

39 9 2
                                    

CHAPTER 8

Hindi ko alam kung anong meron sa uwak na ito at kuhang-kuha niya ang atensyon ko. Napatigil ako sa paglalakad at sa buong oras na iyon ay ginugol ko ito sa pagtitig pabalik sa uwak. Hindi ko alam kung anong meron sa mga music note na lumalabas sa bibig niya ngunit alam kong may masama itong maidudulot sa akin. Dahil pakiramdam ko ay unti-unting may kumakawala sa aking sistema. It was something that is related to my strength, to my consciousness. Unti-unti na rin akong nanghihina.

"Shit!" hindi ako sigurado kung boses ba ni Chase ang narinig ko dahil pakiramdam ko ay unti-unti nang nagsha-shutdown ang senses ko. 

"Avery! What the hell is happening?" dagdag pa niya. Hindi ko na magawang sumagot. Nanlalambot na rin ang tuhod ko. Kaunting kalabit na lamang ay bibigay na ang katawan ko. Pero hindi ko maaalis ang tingin ko sa uwak. Para bang nakaglue na ang mata ko para dito. Nakatingin din ito pabalik. Para bang ang mga nota na lumalabas sa kanyang bibig ay para sa akin.

Naputol lang ang pagtitig ko dito nang may magtakip sa aking mata at lumutang na lang ako bigla sa ere. Nawala na ang takip sa mata ko. Sinubukan kong maaninag ang mukha na nasa harap ko. Sa tingin ko ay buhat niya ako. 

"Chase..."  yan lang ang salita na kayang ilabas ng bibig ko. Masyado akong nanghihina. Pakiramdam ko ay may nawala sa sistema ko. Something important, I think. 

"Hush down. Stop saying a single word anymore, Avery. Baka lalo ka lang manghina. Just keep your self calm," he manage to say while running. Buhat nya pa rin ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Unti-unti nang nahuhulog ang mga talukap ko. Ramdam ko din ang pagbagal ng tibok ng pulso ko. Nahihirapan na din ako huminga. Pipikit na ako...onti na lang....

"Damn, Avery. I just told you to stop uttering. Not to close your damn eyes. We're almost there. Just fucking hold on, please," I can sense frustration ang anger in his tone. I felt dizzy as he ran faster. But I still keep my eyes open. 

I'm holding on, Chase. I'm holding on.. Gusto kong sabihin yan pero masyado na akong nanghihina. Hindi ko na rin maaninag nang maayos ang paligid ko. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto.

Ramdam ko ang paglapat ng likod ko sa isang malambot na patag na sa tingin ko ay kama. Tunog ng sa tingin ko ay heels naman ang sumunod. Nasaan ba kami?

"Oh, Chase? Napadaan ka yata? Sino ba itong kasama mo? Girlfriend mo?" narinig kong sinabi ng bagong dating. Babae. Wait, girlfriend daw? Nino? Ni Chase?

"You know her, Alice. Look intently to her face," hindi ko na naintindihan iyon dahil nahihilo na talaga ako at dagdagan pa na nakakaantok dito dahil sobrang lambot ng hinihigaan ko. Ngunit alam kong kay Chase galing iyon. 

"Siya ang—"

"Shh! Don't say it out loud, will you? That was definitely close. You know her condition, right?" putol ni Chase sa kung ano man na sasabihin ng babae na nag ngangalang Alice. Hindi ko na iyon nasundan dahil nakatulog na ako.







 CHASE'S POV



That was definitely close. Thank God she's too dizzy to understand what are we talking about. Nakatulog na pala siya.

"Bat mo sya dinala dito? Anong nangyari?" Alice Shamberlane. Isang doktor. Pero hindi sya ordinaryo.

"Check her condition, first. I'm not sure pero pakiramdam ko may nawala sa kanya. Mostly about her power," tinignan kong mabuti si Avery. I miss her so bad.

How can I keep her? Secure her, rather?

Pero hindi pa ito ang tamang oras. Hindi pa niya pwedeng malaman ang nakaraan. Ang dahilan kung bakit sya nandito. Ang dahilan kung bakit hindi pa sya makabalik sa katotohanan.


"Kailangan siyang mabantayan at maalagaan mabuti. 1.98% ang nawala sa kanya. Maliit na posyento lamang iyon ngunit malaki na ang epekto nun dahil isa siyang maharlika. Idagdag pa na wala siyang alam tungkol dito. Kailangan nating mag-ingat, Chase," mahabang paliwanag ni Alice sa akin. Of course I'm aware of that. Sadyang nasanay lang akong kabiruan si Autumn pag magkasama kami.

And the asshole is right beside him. Didn't thought that he'll be this careless. Kung iningatan niya lang si Avery kanina, hindi mangyayari to. Remind me to punch him later, okay? Tumango na lamang ako bilang sagot.

Bumalik ako sa pagtitig kay Avery. I've been doing this the whole time while she's not awake. I badly miss her. And this is already bad. I might tell her the truth. Damn.

"What should we do then to earn back that amount of power?" I asked. But still my eyes are on her face. On her gorgeous face. 

"You should do everything to add this to her meal for a week," sabay abot niya sa akin ng isang maliit na bote na may laman na liquid na color blue. This looks like sapphire since it's sparkling.

"Are you even serious, Alice? Hindi ba 'to mahahalata sa pagkain?" ayokong magduda si Avery. Dapat hindi niya mahalata. 

"Of course. Wether the food is solid or liquid, it dissolves immediately and it's molecules are already with the molecules of the food. You don't have to stir or mix it. Just pour it to the food and it's done," tumango na lamang ako.

I'll do everything. Everything just to keep her safe. I can't afford to lose her. I won't put her in danger. I'll protect her as long as I can. Even if it means of losing my own life..  

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon