CHAPTER 20

21 7 1
                                    

Sinabayan ko ang intensidad ng sama ng tingin niya. What now?!

"Let's talk," dumiretso sya sa exit ng cafeteria at sinundan ko na. Ano na naman bang problema? Ako ba nagsimula? Ako ba nagmaldita? Ako ba nag-inarte? Ako ba ha? Ako ba?!

Paglabas ko ay nakita ko sya sa school field sa lilim ng puno. Madilim na aura pa rin ang bumabalot sa kanya. Paglapit ko ay mukhang lalo siyang nainis.

"Wala kang karapatan sumagot nang pabalang sa mga Role Models dito sa campus. Unang-una kailangan silang bigyan ng respeto," tumaas ang isang kilay ko.

"Pangalawa, kung may problema man ay makipag-usap ka pa rin nang mahinahon," umikot ang mata ko.

"Pangatlo, dapat kang magbigay galang sa kahit sino man na napapabilang sa Role Models," at mahina na akong napatawa.

"Pang-apat—"

"Bago pa yan umabot sa kung ano mang bilang ay sinasabi ko na sayo na una, marunong akong gumalang at magbigay respeto. Pangalawa, hindi siya karespe-respeto dahil sa ugali niya. Pang-apat, hindi ako sumasagot nang pabalang dahil panglima, pinagtatanggol—"

Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko. Hindi ko na natapos dahil pinutol niya na ito.

"Still, you have no right to talk to her like that. She's still part of thr top 10 of Role Models of this campus, Ms. La Fuentes,"

"Can you even hear yourself? She belongs to that top 10 of Role Models?! ROLE MODELS, Chase! Paano napabilang yan kung ganyan ang ugali? Ano, yan ang tutularan ng mga estudyante dito? I can't believe this,"

"She may be a brat but she have skills and intelligence that not everyone can reach the level. Wag mo siyang maliitin dahil lang sa pinakita niya sayo sa unang pagtatagpo ninyo,"

"Bakit mo ba pinagtatanggol?"

Ayan. Hindi na naman siya makatingin. Gaano ba karami ang tinatago nito?

"Natural lang na ipagtanggol ko yun dahil kasama siya sa top ten," talaga lang ha. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at 1:43 na. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa direksyon ng dormitory building.

"I always want to keep you safe. But I don't know exactly what to do. Please be safe while I'm not around," napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit laging may laman ang mga sinasabi niya. Gusto kong malaman lahat. Determinado akong alamin lahat. Dahil pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa akin. Ngunit sa tingin ko ay determinado din sila na ilayo ang mga sikreto na iyon. Bago pa man ako makapaglakad ulit ay may sinabi na naman siya na nakapagpatigil sa akin.

"Sorry for everything," bumilis ang tibok ng puso ko sa mga katagang binitawan niya. Para saan ba? Kung hindi ako nagkakamali ay pangalawang beses na niyang sinabi iyan.

Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi rin ako makahakbang dahil pakiramdam ko ay tutumba ako sa oras na igalaw ko ang mga binti ko dahil sa pangangatog ng mga ito. Napakasimple lang naman ng mga sinabi niya pero ang lakas na ng epekto sa akin.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit siya humihingi ng tawad? Sa tingin ko ay mababaliw na ako sa kakaisip dahil sa mga katanungan na patuloy na nadadagdagan sa utak ko. Mga katanungan na hindi ko alam kung may sagot ba na dadating. Sana ay meron...

Sinubukan ko syang lingunin sa kinaroroonan niya ngunit wala na sya doon. Tinignan kong muli ang oras. 1:55 na. Limang minuto na lamang ang nalalabi at hindi na pwedeng lumabas ng dormitoryo ang bawat mag-aaral. Bakit nga ba? Ganon pa man ay nagmadali na ako sa pag lalakad papunta sa dormitoryo ko.


He keeps on saying sorry
For I don't know why
What I want is to ask him
But he'll never tell why

The way he look at me
Makes my knees tremble
My heart keeps on beating
Like there's a drum roll

He speak with authority
While I respo—

Hindi ko na naituloy ang pagsusulat ng kasunod ng ginagawa kong tula nang biglang may lumagabog sa direksyon ng pintuan ko. Agad na dumaloy ang nerbyos at kaba sa sistema ko. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Doble ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang nagmamadaling pagkatok ang narinig ko sa aking pinto. Nanginginig man ay pinilit kong tumayo at nilapitan ang pinto. Nanginginig ako nang hawakan ko ang seradura nito.

Patuloy ang malalakas na pagkatok sa pinto. Bigla akong natigilan nang maalala ko ang sinabi sa amin ni ma'am. Bawal lumabas ang bawat estudyante hanggang mamaya pa. Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko kung ang boses ng kumakatok.

"Avery! Avery! Open the door! Please! Emergency lang!" Si Autumn. Dali-dali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang hingal na hingal na Autumn Seasons.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya. Dahil base sa itsura nya ngayon ay mayroon talagang mali at hindi magandang nangyari.

"May pinatay sa unang palapag ng dormitoryo. Sa tapat mismo ng dormitoryo ni Falls. Kinakabahan ako, Avery. Hindi ko mahanap si Knight at Chase kaya ikaw ang nilapitan ko," kinakabahan ako. Sa tapat mismo ng kwarto ni Kathleen. Paano kung siya yung pinatay? Hindi ko kakayanin. Kahit papano ay tinuring ko na siya bilang kaibigan ko.

Hindi na ako sumagot at tumakbo na ako pababa sa unang palapag. Pagdating ko ay puro faculty members lamang ang naroon at may mangilan-ngilan na estudyante. Ang iba ay umiiyak habang hindi naman makatingin ang iba. Nanginginig ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung si Kathleen nga iyon.

Sumiksik ako sa mga taong nakapaligid hanggang sa nakarating ako sa unahan. Laking gulat ko nang makita ang kawalanghiyaang pangyayari.

Hiwa-hiwalay ang bawat parte ng katawan ng babae na pinaslang. Ang dalawang binti nito ay magkahiwalay na nakakalat. Gayundin ang mga braso nito. Ang mismong katawan nito ay patuloy pa rin sa pagpapaagos ng sariwang dugo. Halos bumuo na ng maliit na baha ang pulang likido.

Napadako ang tingin ko sa ulo ng biktima. Puno man ito ng dugo ay malinaw pa rin sa akin ang larawan ng mukha nito. Ayokong maniwala ngunit kahawig nito si Kathleen. Sana lamang ay hanggang hinala lang ako. Unti-unti ay ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. Nagbabadya na itong tumulo nang isang hagulgol ang nangibabawa sa boses ng lahat na nakakuha din ng atensyon ko.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon