CHAPTER 17

28 6 0
                                    

Avery's POV

Ramdam ko ang paghaplos ng isang kamay sa buhok ko. Hmmm... Lalo akong inaantok kapag ganito. Kung sino man ang humahaplos ng buhok ko, sana ay huwag muna siyang tumigi-sino nga ba to?

Agad akong napamulat at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Kathleen Falls!

"Infairness ha! Tagal mo magising bes! Ano bang nangyari? May masakit pa ba sayo? May nararamdaman ka bang kakaiba? Don't worry, pabalik naman na si Knight. Bumili lang ng pagkain mo," ha? Ano daw? Anong oras na ba?

"8:30 p.m na. For sure gutom ka na," pano niya nalaman yung naiisip ko? Bakit alam niya lagi? Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Uhh...wala pala ako sa kwarto ko. Asan ba ako?

"Nasa dorm kita bes. Alis muna ako ha. May imimeet kasi akong friend sa cafeteria eh! Bye! Palakas ka ha," ayan na naman. Alam niya na naman ang katanungan ko. Bumaling naman sya sa pumasok.

"Oy Knight. Ikaw na bahala dito ha. Pakilock na lang," yes, you read it right. Si Knight ang pumasok.

"Kumain ka muna. Pagtapos mo may pag-uusapan tayo," pakiramdam ko ay ibang Knight Robins ang nasa harap ko ngayon. Seryoso ang mukha nito. Mas seryoso pa sa una naming pagkikita. May problema ba?

Naguguluhan man ay kumain na ako dahil gutom na talaga ako. Nalipasan ako ng lunch at dinner. Tsaka madami din akong itatanong kaya binilisan ko na ang pagkain.

Habang patapos na ako ay unti-unting namumuo ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano pag-uusapan namin. Ngunit pakiramdam ko ay tungkol ito sa nangyari sa akin kanina lamang.

"May kailangan ka pa ba?" Napagitla ako sa pagbasag niya ng katahimikan matapos kong maubos ang pagkain ko. "Sorry."

"O-okay lang," ramdam ko pa rin ang pamamaos ng boses ko dahil na rin sa kakagising ko lang mula sa kawalan ng malay.

"Lunch time nang mangyari iyon sayo. Bakit dun ka nagtungo imbis na sa cafeteria?" Seryoso pa rin ang boses at mukha niya.

"May nakita kasi akong-"

"At wala kang kasama. Sana man lang ay inaya mo si Autumn o si Kathleen o kahit ako na lang," hindi man lang ako pinatapos.

"Hindi ka dapat lumalabas nang mag-isa. Delikado, Avery. Hindi sa lahat ng oras mababantayan kita. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako. Gusto kong matuto kang ipaglaban ang sarili mo kahit wala ang ni isa samin," hindi na ako nakasagot sa mga sinasabi niya.

"Masyado kang importante, Avery. Masyado kang importante para mawala. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka," pinilit kong magpout para pigilan ang ngiti na namumuo sa labi ko. Amp.

"Gusto pa sana kitang tanungin tungkol sa mga nangyari ngunit kakagising mo lang. Baka mastress ka. Ihahatid na lang kita sa dorm mo. Para mas makapagpahinga ka ng ayos. Tara na?" Tumayo na sya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

Tinanggap ko iyon at saka kami lumabas ng dormitoryo ni Kathleen. Nasa unang palapag ang kwarto niya kaya naman tanaw ko agad sa paglabas namin ang madilim na paligid na tanging ang buwan at mga bituin lamang ang nagbibigay liwanag. Idagdag mo na rin ang iilang mga ilaw ng poste na nakakalat sa kung saan mang parte na malapit lamang dito sa dormitory building.

Paakyat na sana kami nang isang lalaki ang nakasalubong namin. Kita ko ang isang mahabang sugat sa kaliwang pisngi niya. Ang kanyang mga mata ay sumisigaw ng kapaguran.

Chase...

"We need to talk," hinawakan niya ang isang kamay ko. Habang ang isa naman ay hawak ni Knight. Tumingin ako kay Knight na sya namang tumango at pinakawalan ang kamay ko saka ngumiti.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," pinisil niya nang kaunti ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Let's go. This will be a quick conversation. Don't worry," hinila niya ako papunta sa likod ng dormitory building.

"From now on, you'll always wear this," isinuot niya sa pinky finger ko ang isang singsing na kung titignan mo mabuti ay may mga nakaukit ditong mga nota. Kulay pilak ito.

"Tap it twice and a hologram will appear in front of you. Connected yan sa phone ko. A video call will apear on the hologram," napatulala ako sa singsing na nasa daliri ko. Seryoso ba sya?

"Try it, then," ganun ba talaga ako kadali basahin para malaman agad nila ang mga katanungan ko o may iba pang dahilan? Tinignan ko sya at nakikita ko pa rin ang pagod sa mata niya.

Tinap ko nang dalawang beses ang singsing gaya ng sinabi niya. Napatalon ako nang lumitaw ang isang hologram sa harap ng mukha ko. Na-shake din ito nang tumalon ako. Woah! Saan naman galing to? Can I contact anyone using this?

"This device is a voice command type. You can use this for google searching, internet browsing and most of all, the real purpose of this Techno-Ring is for video call. Hindi lahat meron nito. It's just the five of us, Autumn Seasons, Kathleen Falls, Knight Robins and the two of us. Just use your voice to tell if you will browse the internet or you'll call someone. Kung may tatawagan ka, name the person and it will directly connect you to that person," eh? Okay. Pero bat kami lang? Subukan ko nga. Voice command naman daw eh.

Nakatingin akong mabuti sa hologram sa harap ko.

"V-video call," ano ba yan. Nakakakaba.

"Video call on!"

"Holy shiz!" Napatalon na naman ako for the second time! Teka nga. Ta-try ko pa nga palang tumawag.

"Knight R-robins,"

"Knight Robins connecting...."

Nagulat ako nang biglang hinigit ni Chase ang kamay ko at tinap nang dalawang beses yung singsing ko!

"Hey! Sabi mo itry ko?? Bat mo inoff?!" Ang gulo niya ha.

"Tss. Bakit ba kasi sya ang tinatawagan mo. Pwede namang sakin mo na lang subukan," ang sungit! Amp.

"Bakit tayo lang ang meron nito?" Pag-iiba ko ng usapan.

"It's for your safety, Avery. Hindi namin kakayanin pag nawala ka. Please. Mag-ingat ka naman gaya ng pag-iingat namin sayo. And from now on hindi ka na aalis sa tabi ko. Kung wala ako ay kahit sino sa tatlo. Wag kang aalis mag-isa. Understand?" Opo. Ano ba ako? Bata?

Tsaka "Pano niyo nalaman yung nangyari sakin?"

"Basta. You don't have to know,"

"Pero ano ba talagang meron, Chase? Bakit nangyari sakin yun? Bakit sinasabi niya na prinsesa ako? May hindi ba ako alam? May alam ka ba na hindi ko alam? May tinatago ba kayo sakin?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. Ano nga ba talaga ang nangyayari?

Nakita ko na naging malikot na ang mga mata niya na kanina lang ay nakatingin nang diretso sa akin. May alam sya. Ngunit ayaw niya sabihin. Bakit?

"It's already late. Ihahatid na kita sa dorm mo," nilagpasan na niya ako at mukhang babalik na kami sa dorm namin. Ngunit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Gusto kong makarinig ng sagot. Gusto kong malinawan ng pag-iisip. Pero ayaw nila magsalita. Gusto nila akong mag-ingat? Ha. Tungkol saan? Saang bagay ko dapat protektahan ang sarili ko? Paano ako magiging aware kung wala akong alam sa nangyayari? Should I trust them? Dapat nga ba akong magtiwala sa mga taong naglilihim sa akin?

Sumunod na ako sa kanya. Mabigat man ang kalooban ko ay pinilit ko pa rin na ipaghinga ang utak ko dahil ayoko nang madagdagan ang stress ko.

Nakarating na kami sa tapat ng kwarto ko. Hindi muna ako pumasok. I'm still hoping that he will say something.

"Sorry. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin lahat sayo. Hindi pa sa ngayon," gumuho ang pag-asa na kanina pa lang namumuo sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinilit hinarap sa kanya. Nanatiling nakayuko ang ulo ko.

"Trust me when I say you are important. Because I prioritize the most beautiful girl in the world. And when I say beautiful. It's only you. Wala nang iba," hinalikan niya ako sa noo. At saka siya naglakad patungo sa kwarto niya. Leaving me dumbfounded.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon