CHAPTER 30

31 7 2
                                    


Tatlong araw na ang lumipas simula nang parusahan nila Chase Meier at Knight Robins ang mga taong sangkot sa ginawang pagpapahirap kay Avery. Tatlong araw. Hmmm... Ano na bang nangyari sa tatlong araw?

Hindi sanay sa matinding init ang mga estudyante kaya naman hinang-hina na sila. Idagdag mo pa ang kawalan ng tulog. Para sa kanila ay hindi sapat ang pagkain na natatanggap ng kanilang katawan na hindi nila alam kung saan nanggagaling. Ngunit wala na silang oras para alamin pa ang tungkol dito. Pasalamat pa sila at kahit papaano ay may pagkain na dumadating sa kanilang katawan.

Tuyo na rin ang lalamunan ng bawat isa. Hindi rin sila nagkakaintindihan dahil sa mga tali sa kanilang bibig kaya naman halos mag-away na sila. Ang pumipigil na lamang sa kanila ay ang posas sa kanilang pulso at ang dami ng basura na kanilang nalilinis.

Maggagabi na nang dumating si Chase Meier para tignan kung nagkakaroon na ba ng progreso sa loob ng tatlong araw. Halos ¼ na rin ng mga basura ang kanilang nalilinis.

"Mayroon kayong pagpipilian," nakuha ni Chase ang atensyon ng mga estudyante sa narinig.

"Kapag natapos niyo ang paglilinis nang wala pang isang linggo ay magkakaroon kayo ng panibagong gagawin para sa mga natitirang araw. Ngunit kung matatapos niyo 'yan sa loob ng isang linggo ay ayos lang din,"

Nanlumo ang lahat sa narinig. Pakiramdam nila ay walang pinagkaiba ang dalawang pagpipilian. Ngayon pa lang ay sobra na ang kanilang pagsisisi sa ginawang pagtutulungan kay Avery La Fuentes.

Avery's POV

Tatlong araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ako dito sa clinic. Hindi na halata masyado ang mga pasa ko. Mayroon pa ring mga marka ng latigo pero hindi na masyadong halata. Bagot na bagot na ako dito. Wala manlang magawa. Kapag naman tinatanong ko si Chase kung ano na ang nangyayari sa labas ay wala siyang kibo.

I sighed. Can I just stay in my own room? Sobrang boring! Maggagabi na oh. Wala manlang ba akong pwedeng makausap?

Saktong bumukas ang pinto at pumasok si Chase.

"What do you want for dinner?" Umupo siya sa silya sa tabi ng kama ko. Gaya ng kahapon ay umiling lang ako. Kahit ano namang nakahain kinakain ko. I heard him breathe out a sigh. Siguro ay hindi niya alam kung ano ang dadalhin niyang pagkain for dinner since wala naman akong sinabi specific.

"Chase..."

"Hmm? You need something?" Nagdalawang isip muna ako bago sumagot. Pinag-iisipan ko na 'to kanina pa.

"N-Nung nangyari yun... Nasira ang cafeteria nang sumigaw ako. Anong ibig sabihin non?"  Natigilan siya sa tanong ko. Hindi niya siguro inaasahan iyon.

Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Napabuga na lang ako ng hangin nang sobrang lakas. Nagulat ako nang biglang nawala sa pagkakatali ang mga kurtina at umihip nang malakas ang hangin.

Shit. Ano na namang ginawa ko??

Pagtingin ko kay Chase ay gulat na gulat ang kanyang ekspresyon. Nang makarecover na siya ay kumalma na ulit ang kanya mukha.

"It's time to tell the truth,



A few years ago...

Sa isang kakahuyan ay mayroong binata na mag-isang naninirahan. Lumaki siya ng walang kinikilalang magulang. Walang kaibigan at nakikipagsapalaran para lamang mabuhay. Isang beses ay naisip niyang maglakbay.

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon