Avery's POV
Alas nuebe na ng umaga nang magising ulit ako. Naghilamos muna ako bago bumaba para magbreakfast.
Habang naglalakad papuntang dining, chine-check ko ang mga kamay ko para malaman kung may sugat pa ba o namamaga pa. Napangiti ako nang ma-satisfy sa nakita ko. Thanks to Mit—
"Ouch,"
Nasa bungad pa lang ako ng dining room ay kitang-kita ko na ang kahindik-hindik na eksena! Oo! Kahindik-hindik talaga! Dinaig pa ang horror o crime scene sa sobrang grabe!!
"Oh em gee, hon! Saan ka ba napaso, Chase ko?? Monthsary pa naman natin ngayon," sabay pout, "Akin na yung kamay mo, hon. Gagamutin ko yan. Don't worry. Saan ba yung mahapdi? Dito ba? Hmm?"
I can't help but to roll my eyes heavenward. What a sight?! Tss. Ang arte. Bakit nga ba muntik kong makalimutan? Mitzie Peñaverde. The girl that I saw hugging Chase in front of his room. Psh.
At ano daw? Monthsary nila ngayon? Pwede sumuka? Please lang!
Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na ako ng plato at kubyertos. Saka ako naglagay ng pagkain dun at dumiretso sa garden kung saan may swing. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Mitzie pero di ko na pinansin.
Magsama silang dalawa!!
Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang may makita akong dalawang pares ng sapatos habang nakayuko ako.
"We will go somewhere after you eat. Wear something formal,"
Napairap na lamang ako. Psh. Mabilis kong tinapos ang kinakain ko dumiretso sa kitchen. Pagdating ko naabutan ko si Mitzie na naghuhugas na sa sink. Naramdaman niya atang may tao kaya lumingon siya.
"Good morning, Avery! Akin na yan. Ako na maghuhugas," nakasimangot kong inabot ang pinagkainan ko.
"Avery,"
"WHAT?!" Nagulat ata siya sa pagsigaw ko. Argh...
"Hehe.. Ikaw naman. Hindi ata maganda gising mo. Tatanong ko lang kung ano ba magandang iregalo kay Chase. You know...monthsary kasi namin ngayon. Hihihi," tinignan ko siya ng masama saka ko siya inirapan. Napatigil naman siya sa paghagikhik sa ginawa ko.
Naglakad na ako palabas sa kitchen ng may naisip ako.
"As if namang monthsary niyo talaga. Dream on, girl. Hanggang imagination ka na lang," I smirked on her. She gasped as if I said something offensive. Well, I think it is.
"What are you talking about?! May pruweba ako!"
I raised an eyebrow and fold my arms in my chest as if I'm saying, 'Bring it on. Show it,'
This time, siya naman ang nagsmirk. Inilabas niya ang cellphone niya at saglit na nagtipa doon. Lumapit siya sakin at may ipinakitang video.
"Chaaassseee!! Ginawa ko na lahat ng gusto mo oh. Msy kulang pa ba? Gagawin ko lahat sagutin mo lang ako please? Please?"
Kitang-kita sa video kung paano niya kulitin si Chase. Psh. Pathetic.
"Fine. Oo na, oo na," what the? Did he just said yes on this desperate girl? The eff!!
"See? Meron talagang kami! Dream on, girl. Hanggang imagination ka na lang na walang kami," and there. She left me. Did my words just fired back on me? So sila talaga? So what? Ano ngayon?
I stormed out of the kitchen then went straight to my room. What now? Ano bang pinuputok ng butchi ko? Ano bang pakialam ko? Ano bang kinagagalit ko? Tell the damn reason so I can calm my self.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?