CHAPTER 32

34 4 2
                                    


Kathleen's POV

Halos nangangalahati na ako sa kinakain ko pero hindi pa rin nagagalaw ni Avery yung kanya. Ang sarap kaya ng inihaw na palaka na may caramelized sugar. So yummy.. Favorite ko kaya 'to. Fresh na fresh kasi yung palaka nila kaya sobrang sarap.

"Ayaw mo ba, Avery? Hindi ka pa ba nakakakain ng palaka? Eto kaya ang ginagawa natin dati" Sabi ko saka ko kinagatan yung leg part ng frog. Hmmm... So yummy!!

Inangat niya ang tingin niya sakin at tinignan ako ng masama. Creepy...

"Seriously? Tinatanong mo pa sakin yan? Never! As in never mo akong mapapakain niyan! Wala bang ibang pagkain dito?" Never?

"Bakit naman? Hindi ba nakain ng palaka ang mga taga-normal na mundo? Tsaka masarap to, promise. Pagkain nga kasi to ng mga magagaganda like us," bakit ba hindi ko siya mapilit? Totoo naman ang sinasabi ko eh.

"Hindi! I mean yes, may mga nakain. Pero hindi lahat. Wala masyadong nakain ng palaka sa normal world, okay?" Aish. Pano na yan? Sayang naman kung hindi siya makakatikim ng palaka na may caramelized sugar.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng bayan. Wala nang masyadong tao at nagtitinda dito dahil dulong parte na nga at baka wala na silang makuhang mamimimili.

Tungkol dun sa palaka? Sayang. Hindi ko siya napilit. Kaya pinag-order ko na lang siya nang fruit salad na may madaming madaming strawberries para matuwa na siya. O diba? Maganda na nga ako, matalino pa. Package na! Pero bakit wala pa rin akong love life?

Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdaman akong kakaiba.

May mga yapak akong naririnig sa paligid. Hindi ko mabilang. Napapaligiran nila kami ngayon. But the thing is, hindi ko sila makita.

"Kathleen? Bat ka tumigil sa paglalakad? May problema ba?"

Hindi ko magawang sumagot. Mas dumadami ang nakapaligid sa amin. Kinapa ko ang bulsa ko at kumuha ng isang gem stone. Isang ruby ang nakuha ko. Kinulong ko iyon sa aking palad at naramdaman ko ang pagkadurog 'non hanggang sa maging pulbos na lamang ito. Isinaboy ko iyon paikot sa hangin. A technique to see the invisible persons or things.

"Hey, what's wrong? Natatakot na ak—"

"Pagtapatin mo ang mga palad mo. Think of an electric wave. Or a ligtning or a flowing energy,"

Ginawa naman niya agad ang sinabi ko. Kasabay ng paglabas ng enerhiya sa palad niya ay nagkaroon na din ng hugis at katawan ang mga nakapalibot sa amin.

Hongerians....

Gamit ang aking isip ay tinawag ko ang lahat ng bunga ng iba't ibang halaman. Kung si Autumn ang may hawak ng panahon ng taglagas, kay Chase ang tag-init, kay Knight ang taglamig,

Sa akin naman ang tagsibol....

Gamit ang hangin ay gumawa ako ng ipo-ipo ng mga bungang iyon. Isinama ko doon ang mga patalim na kanina lang ay nakasabit sa bewang ko.

"Sa oras na may lumapit ay patamaan mo ng kidlat,"

Hindi ako nag-aalala kung kinakabahan man siya ngayon. She is Avery La Fuentes. Known to be the most powerful in the prophecy and in our history. Kahit sumigaw lang siya ngayon dahil sa matinding emosyon ay matatalo niya ang lahat ng ito.

Tatlo agad ang sumugod sa direksyon ko at pinatamaan ko iyon lahat ng ipo-ipo kaya naman nakakulong na sila sa loob. Rinig na rinig ang paghiyaw nila sa sakit dahil sa mga patalim.

Nasa labingwalo sila at tatlo na ang napatumba ko. Humahakbang pa lang ang dalawa sa kaliwa ko pero naunahan ko na sila. Five down...

Lima ang sumusugod ngayon sa direksyon ni Avery. Shit. Agad akong ginapangan ng kaba. Simpleng pagpapatama ng kidlat ang alam pa lang niyang gawin at isang tao lang ang kayang tamaan kada isang kamay. Buti sana kung marunong na siyang gumawa ng energy ball–

Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon