Avery's POV
Hindi na ako nakaimik pa nang marinig ko ng dahilan ng pagpunta namin sa Chymetry. Ni hindi ko rin mapakiramdaman ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Maybe, yes, I already know the history of this music world. Pero ano pa ba? Ano pa na ang hindi ko nalalaman? Hanggang saan pa lang ba ang nalalaman ko? Nangangalahati na ba? O malaki pa ang puwang? Alam ko mismo sa sarili ko na hindi pa kumpleto ang nalalaman ko. Marami pang 'bakit' na naglalaro sa isipan ko...
Bakit lumaki ako sa normal na mundo?
Bakit may mga alaala na minsa'y lumalabas sa isipan ko?
Bakit hindi ako hinanap ng tunay kong magulang?
Bakit walang sinabi sa akin si mommy tungkol sa lahat ng ito?
Bakit La Fuentes din ang gamit kong apelyido sa normal na mundo?
Bakit kailangang maging komplikado ng lahat tulad na lamang ng nangyayari ngayon?
Isinandal kong mabuti ang sarili ko sa upuan ko ngayon at saka mariing pumikit. Sinubukan kong alalahanin ang buhay ko noong hindi pa ako tumatapak sa Harmoniquo Melodues. The peace in our home, my normal school, normal family, normal community and to make it short....my normal life... Sobrang layo ng lahat ng ito sa buhay na tinatamasa ko ngayon. May mas lalala pa ba? May mas ikagaganda pa ba 'to? Hindi ko alam... How I wish that this is just a dream and I am more than willing to wake up and continue my normal life.
I smiled when the thought of the brighter side of these happenings entered my mind. I had friends. I'd learned to defend my self. Scream at the top of my lungs in front of students inside a cafeteria. Sing in front of a lot of people.
I almost laugh about the thought of the second to the last sentence. Scream in front of students? Kasama ba yun sa brighter side? Maybe yes, 'cause I had the courage to shout out what I really feel. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nangyari ang lahat ng ito sa akin. Or not? Napatingin ako bigla sa lalaking katabi ko ngayon na mahimbing ang tulog. Sandali akong napatitig. Chase Meier...
Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at napapasunod mo ako. Minsan ay hindi ko rin mapigilang mapangiti sa mga sinasabi mo. At kung nagkataon ay ang lakas din ng pagtibok ng puso ko. I hate how you boss around me. Give me commands that I have no choice but to follow. I hate how you give chills down to my spine everytime you say something with deeper meanings. I hate your rudeness when we're with other people but sweet when there's only the two of us. I hate your painful words but you always save me in trouble. But despite all of that? I love it more than how I hate it. Because those are enough to make me feel something special for you.
Napaiwas ako ng tingin nang unti-unti niyang imulat ang kanyang mga mata. Sinubukas o na lamang na tignan ang dinaraanan namin upang ibaling ang atensyon ko.
"Malapit na tayo," pagtingin ko sa kanya a titig na titig siya sa akin. Awkward...
"Sana lang hindi ka nagseselos kay Mitzie. Ikaw lang naman e. Simula pa lang ikaw lang. Bago mo pa man makalimutan lahat, ikaw lang. Kahit kailan wala akong binalingan ng atensyon ko. Sayo lang naman lagi. Sayong-sayo lahat, Avery. Sayong-sayo ako," kasabay 'non ay ang pagtigil ng kalesa na sinasakyan namin.
Bago pa man ako makapagsalita ay bumaba na siya kaagad. Agad akong bumaba at hinabol siya. Lakad lang siya nang lakad at natakbo na ako ngayon. Bukod sa malayo na siya nang makababa na ako ay mabilis din siya maglakad. Oo! Lakad pa lang yan! Natakbo na ako't lahat, lakad lang ang ginagawa niya pero di ko talaga mahabol.
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?