CHAPTER 10
Ang sakit. Sobrang sakit makita na si Knight yung kasama niya. Na nagagawa niyang tumawa pag si Knight yung kasama niya. Kung pwede ko lang ipaalala lahat, ginawa ko na. But for now, I can't. Maybe I should suffer more. Maybe I need to get rid of this pain for now. This time, I need to be the one to protect her from harm. I still need to add this brilliant blue liquid on her food. Siguro mamayang dinner na ko mags-start. They look so happy right now. I don't want to ruin it. I was about to storm out of that place when someone jumped on my back.
"Chase! Kyaaa!" Not now.
"Get off, Autumn. Or I'll drag you out of here," I used my cold voice to show that I'm pissed off. Agad naman syang bumaba.
"Ang sungit! Hahaha. What's wrong? Tara! Kain tayo Chase. Nagugutom ako." sabay pout. Kadiri talaga tong babae na to pag nakapout.
"Kung gusto mo kumain, lumamon ka. Di kita kailangan samahan. May klase pa ako," umalis na ako sa cafeteria bago pa sya makasagot. I was about to go out when she added something.
"Hindi ako aattend ng afternoon class ha!" napatigil ako at agad na bumalik sa kinaroroonan niya.
"Bakit? Something's up?" kinabahan ako sa sarili kong tanong. Damn.
"Pinapatawag ako ng reyna sa ating kaharian. Mukhang importante dahil pinapauwi ako sa lalong madaling panahon," mahinang bulong sakin ni Autumn.
SOMEONE'S POV
Naiinip man ay makikita mo pa rin na kalmado ang reyna. Kasalukuyan naming hinintay ang pagdating ng isang matalik na kaibigan ng prinsesa na susunod na magmamana ng kahariang ito.
Ang lahat ay naalerto nang bumukas ang malaking pinto na kaharap sa trono ng aming reyna. Bumungad sa amin ang isang dilag na nakasuot ng uniporme na sa tingin ko'y sa unibersidad na pinamumunuan ng Dakilang Musikero ng aming kaharian. Nang makarating ang babae sa harap ng reyna ay agad itong yumuko upang magbigay-galang.
"Ipagpaumanhin niyo po ang katagalan ng aking pagdating, aking kamahalan," magalang na litanya ng babae.
"Autumn," tinig ng reyna.
"Nakarating sa akin ang nangyari sa aking nag-iisang anak. Batid kong malaman ang kanyang kalagayan ngayon. Inaasahan ko na may maibibigay ka sa aking impormasyon, mayroon ba?" Mahinahon ang kanyang tinig kaya naman ay hindi ito mababakasan ng takot.
"Maayos na po ang kanyang kalagayan, kamahalan. Ginagawa po ng prinsipe nang mabuti ang kanyang pag-aalaga at pagbabantay sa prinsesa," paliwanag ni Autumn Seasons. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng kaharian tungkol sa kalagayan ng prinsesa ng kaharian.
"Kung ganon ay mabuti. Inaasahan ko na wala pa ring nalalaman ang aking anak sa nakaraan hangga't ang aking pahintulot ay hindi pa naibibigay. Nagkakaliwanagan ba tayo?" seryoso ngunit malambing ang tinig ng reyna. Ngunit huwag asahan ang ganyang tinig kapag ito'y nagalit.
"Makakaasa po kayo, kamahalan. Ang inyong utos ay buong puso ko po na susundin. Lalo na kung ito po ay para sa aking matalik na kaibigan," muli ay yumuko ang babae at nagpaalam na upang bumalik sa mundo ng mga ordinaryong nilalang.
Pagkaalis nang babae na iyon ay ang pagbibigay-utos naman ng kamahalan, "Allistair, bisitahin mo ang bawat parte ng ating nasasakupan. Tignan mo kung anong mga parte ang napinsala ng pag-atake ng mga Hongerian."
"Masusunod po, Reyna Callista," tugon ko at saka lumabas ng palasyo upang gawin ang ipinag-uutos ng aking mahal na Ina.
Avery's POV
Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng 3rd floor para pumasok sa afternoon class. Ihahatid pa sana ako ni Knight pero tinanggihan ko na at baka malate pa sya. Masaya na ang mood ko ngayon pero pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ako. Parang may nawala talaga.
Nakangiti akong pumasok sa classroom. Ngunit nawala din iyon nang magtama ang paningin namin. Ah. Katabi ko nga pala sya.
Pero asan si Autumn? Is she absent? Ang alam ko pumasok sya kaninang umaga ah. Umupo nalang ako kahit sa totoo lang eh nakakailang. Walang nang pansinan diba? Aish! Bat ko pa ba yan tinatanong? Ako na nga nagsabi nun sa kanya diba? Bakit ba kasi wala si Autumn? Awkward tuloy! Music ang pag-aaralan namin for this period.
"Ngayon pa lang ay ibibigay ko na ang project niyo. And this project will be made by pair. The one who sit next to you will be your partner. I'm expecting for a great outcome of this project since this will be made by two person and it will be performed at the end of this quarter. Each pair needs to perform a song in a creative way. It's up to you on what kind of twist that you will add on the song that you'll choose. Do you have any questions regarding about the given project? Or violent reactions, rather?" mahabang paliwanag ni Ms. Elena. So sinong magiging partner ko? For sure sila ni Autumn ang magka-partner.
Tahimik ang lahat nang may biglang magtaas ng kamay. Pagtingin ko ay mag-isa lang siya sa isang hanay.
"Mam, pano po ako? Wala po yung mga katabi ko?" halos karamihan kasi ay mayroon nang partner. Since tatlong upuan ang nasa isang hanay, yung naiiwang isa is yung nasa likod na lang nila ang nagiging partner nila.
"May iba pa bang absent?" tumingin sa paligid si mam at napahinto ang kanyang tingin sa upuan ni Autumn.
"Your two seatmates will be partners. While yours will be Autumn Seasons. Are we clear with that, Mr. Stewards?" shiz.
Edi kami ang magkapartner? Wala na ngang pansinan diba? Diba? Tsaka nakakahiya! Ang pangit kaya ng boses ko, remember? Baka mamaya maulit pa yung nangyari dati. Tapos ano? Magt-transfer ulit ako? Ayoko na. Tsaka pano kung maganda pala boses ni Chase? Edi pahiya naman ako nun! Aaahhh! Nakakabaliw! Pano ko sya ngayon ia-approach?
![](https://img.wattpad.com/cover/87020296-288-k84014.jpg)
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasiaShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?