Namumutla ang karamihan sa mga estudyante habang hinihintay ang taong nagpatawag sa kanila sa school field. Ang iba naman ay walang ideya sa mga pangyayari. May mga estudyante rin na walang kibo o patay-malisya. Lahat ng sangkot sa nangyaring gulo ay nagbubulungan na ngayon at iniisip ang mga posibleng gawin ni Chase Meier sa kanila.Sa isang sulok malapit sa unahan ay prenteng nakaupo ang nag-iisang Isabella Chica. May estudyante pa na pinapaypayan ito at ang isa naman ay pinapayungan siya. Tila ba walang pakialam kung ano ang mangyayari. Ngunit sa loob niya? Nanginginig na ang bawat lamang loob niya.
Tanghaling tapat na at nagsisimula nang magreklamo ang mga estudyante dahil sa init ng sikat ng araw. Natigil ang lahat ng komosyon nang makita nila si Knight Robins. Ang kasalukuyang nangunguna sa listahan ng top 10.
Sa sampung estudyante sa listahan, ang tatlong nangungunang estudyante ang may kapangyarihang mamuno, dumisiplina, magpataw ng batas at magbigay ng parusa. Kaya naman hindi mapakali ang mga estudyante nang makita ang matatalim na tingin ni Knight Robins. Kilala ito sa pagiging palangiti na malayong malayo sa aura na nakikita nila ngayon dito.
"Ang mga sangkot sa gulo ay manatili. Ang inosente ay maaari nang umalis. At huwag na huwag kayong magtatangkang tumakas dahil mas hindi niyo magugustuhan ang kahihinatnan niyo,"
Wala pa sa kalahati ang umalis sa school field. Ang mga natira ay nangingilabot na at gusto na lamang na kainin sila ng lupa ngayon na.
"Alam na alam niyo ang posisyon na hawak ng babaeng pinagtulungan niyo. Bigyan niyo ako ng isang katanggap-tanggap at kapani-paniwalang dahilan,"
"She's a killer, Knight! Do you expect us to shut up unti she kill all of—"
"You better shut up or I'll be the one to kill you," nanlilisik ang mga mata ni Knight nang balingan nito si Isabella na ngayon ay nakatayo na. Dumako ang tingin niya sa lalaki na sumuntok kay Avery.
"Ano pang dahilan mo bukod sa napag-utusan ka? Napag-utusan ka lang ba talaga o sadyang nagpa-uto ka lang?"
Hindi naka-imik ang lalaki. Sa halip ay ikinuyom nito ang palad niya.
Naghintay pa ng ilang minuto si Knight para makarinig ng iba pang sagot sa mga estudyante.
"Yun lang 'yon? Dahil sa maling hinala at utos ng babaeng ito?!" Sinabi niya ito at tinuro si Chica sa huling sinabi niya. Puno ng galit ang kanyang boses. Sinusubukan niyang pigilan ang nag-aalab na galit dahil siya ang pinuno ng mga estudyante na nasa harap niya ngayon. Dapat niya pa ring panatilihin ang pagiging patas at malawak na pag-iisip pagdating sa ganitong sitwasyon.
"Sa isang sigaw pa lamang niya ay nabasag at nayanig ang buong cafeteria. Wala pang musician ang nakakagawa ng ganon. Isinumpa ang babaeng 'yan!" Hasik ng isang estudyante na siyang sumampal kay Avery.
"Talaga? Gusto niyo bang ipakita ko sa inyo ang tunay na sumpa?" Nagulat ang lahat sa biglang pagdating ni Chase Meier. Lalong tumindi ang nararamdamang kaba at takot ng bawat isa.
Nagpanic ang lahat nang biglang nagkaron ng posas ang kanilang mga kamay na gawa sa kuryente. Kulay berde ito. Hindi rin makapagsalita nang ayos ang lahat dahil maging ang bibig nila ay natakpan.
Ang lahat ng gumagapos sa nga estudyante ay pawang holographic lamang. Yan ang isa sa mga taglay na kapangyarihan ni Chase Meier. Technology Creator. Kaya niyang gumawa ng kahit ano gamit ang technology. Gadgets, holographic images, invisible devices at marami pang iba.
"Mamayang gabi ay makikita niyo ang kalahati ng buwan," pagkasabi niya nito ay tinignan niya si Knight at tinanguan. Nakuha ni Knight ang ibig sabihin nito at saka matunog na pinapilantik ang daliri niya.
Umihip nang malakas ang hangin. Kasabay nito ang paglipad ng halo-halong basura na nagmula sa iba't ibang panig ng paaralan. Bumagsak ito at nagkalat sa school field. Matapos yon ay pinaikot niya ang isang daliri sa hangin na para bang gumagawa ng ipo-ipo sa hangin. Natuyo ang lahat ng dahon ng mga puno na nagbibigay lilim sa school field. Lalong tumindi ang init na tumama sa bawat estudyante na naroroon. Ang lahat ng natuyong dahon ay kumalat din sa field.
Air Manipulator. Kayang pasunurin ni Knight ang hangin sa kahit anong gusto niyang ipagawa dito. Kayang kaya niyang utusan ang hangin na palutangin ang buong eskwelahan kung kanyang gugustuhin.
"Saktong isang linggo ang lilipas bago muling sumilay ang full moon. Sa oras na magbigay ng liwanag ang kabilugan ng buwan ay dapat malinis na rin ang lugar na ito,"
Hindi makapaniwala ang lahat sa gustong mangyari ni Chase Meier. Umingay ang paligid dahil sa mga salitang hindi mainitindihan. Halata na nagrereklamo ang karamihan. Ang iba naman ay nanatiling tahimik na para bang tinatanggap na ang parusang ipinataw ng pangalawa sa pinakamakapangyarihan na estudyante.
Humaba ng tatlong dangkal ang holographic chain na nagkakabit sa dalawang bilog na nakalagay sa mga kamay ng bawat estudyante. Muling ikinumpas ni Knight ang kanyang kamay sa hangin at nagkaroon bigla ng mga kagamitang panlinis ang mga kamay ng bawat isa.
"Ngayon na kayo mismo magsisimula. Ang sapat na pagkain para sa isang linggo ay matatanggap ng inyong katawan nang hindi niyo nakikita. Wala akong pakialam kung may tulog man kayo o wala sa loob ng isang linggo. Ang importante ay malinis ninyo ang school field,"
"Kung ako sa inyo ay tutulong ako sa lahat ng oras. Dahil madadamay ang lahat sa parusa kapag hindi niyo natatapos ang paglilinis,"
"Nasa inyo ang pagpapasya,"
"Magtutulungan kayo sa paglilinis gaya ng pagtutulungan niyo sa pagpapahirap kay La Fuentes
O haharapin niyo ang sarili niyong kamatayan sa pinakabrutal na paraan,"
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasiShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?