CHAPTER 28

26 7 1
                                    

Chase's POV

Kasama ko ngayong naglalakad si Robins kahit ayoko. Tss. Kung pwede lang hindi ko na 'to pakikisamahan. Takte.

Dumiretso ako sa cafeteria at nakasunod pa rin sakin ang asungot. Wala ba 'tong balak humiwalay sakin? Baka naman na-inlove na sa kagwapuhan ko. Because admit it or not, mas gwapo ako sa kanya.

Gulat na mukha ang nakikita ko sa bawat estudyante na makakasalubong namin. Siguro dahil napaaga ang pagdating namin. Ang alam ng lahat ay mawawala kami ng isang linggo. Pero tinapos ko na lahat ng gagawin sa dalawang araw lang kaya nandito na agad kami.

Pansin ko ang pamumutla ng iba at halos hindi rin makatingin. May hindi tama. Natigil ang pag-iisip ko nang isang grupo ng nga lalaki ang dumaan sa gilid namin. Hindi ata nila napansin na halos mabunggo na ako ng isa nilang kaibigan dahil masyado silang focused sa pagtawa.

"Tangina. Di pa rin ako makapaniwala, dude. Ako lang naman ang sumuntok sa mukha niya. Sapul yun, tol. Di na nga niya madilat yung kaliwang mata niya eh," nagtawanan na naman sila ng malakas. Rinig na rinig ko pa rin ang boses nila kahit malayo na ang pagitan. Hindi ko na sana papansinin nang magsalita pa yung isa.

"Pre, kawawa nga. Babae yun, dude. Nasa top 3 pa. Swerte mo! Napuruhan mo yung mata eh," lalo pang lumakas ang tawa nila. Tumalikod agad ako at wala pang limang segundo nang hawakan ko ang balikat ng isa sa mga kasama nila. Natigil ang tawanan nang makita nila ako.

"Sino sa inyo ang sumuntok?" Puno ng pagpipigil ng galit ang boses ko. Lahat sila namumutla na ngayon.

"Ano? Walang sasagot?" Hinawakan ako ni Knight sa balikat pero hindi ko magawang kumalma.

"S-siya po," sabay-sabay nilang sabi at saka tinuro ang isa nilang kasamahan. Tumalim ang tingin ko sa lalaking 'yon. Lumapit ako sa kanya.

"Sinong sinuntok mo?" Nagngingitngit na ang mga ngipin ko sa galit.

"Sagot!" Hindi ko na napigilan at nasuntok ka na. Bullshit. Sasagot lang agad di pa magawa.

"S-si Avery! Si A-avery po!" Tatakbo na sana siya pero nahawakan ko nang mahigpit ang braso niya. G*gong to. Tatakasan pa talaga ako.

"Bakit mo sinuntok," nagdidilim na talaga ang paningin ko sa lalaking to.

"Inutos-inutusan po ako ni M-Ms. Isabella—" tumama ulit ang kamao ko sa mukha niya.

"Tanginang yan. Kahit inutusan ko o hindi, hindi mo dapat ginawa yun! Babae yun, bobo! Tanga ka ba?!"  Nilalayo na ako ni Robins pero hindi pa rin ako nagpapaawat. Kulang pa yung suntok ko. Patayin ko pa to ngayon eh.

"Pangalan,"

"H-ha?"

Tanga! Sa sobrang inis ko ay hinablot ko na lang ang name plate niya sa uniform niya saka ko yun binulsa. Umalis na ako doon at naglakad papunta sa dorm.

Nagulat ako nang madaanan namin ang cafeteria. Wala ang salamin na nagsisilbing pader nito. Taob ang mga lamesa. Hindi magkandamayaw ang lahat sa paglilinis.

"Kailangan malinis na yan pagbalik ko. Even the glass wall. Make sure that there will be no trace of what happened last night. Got it?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit sa may ari ng boses.

"What did you do this time?" Halos durugin ko na ang balikat niya sa sobrang galit. Isabella Chica, you really know how to push my limit.

"Wh-what are you talking about, Chase?! Wala akong ginagawa, okay? Aren't you supposed to be back after a week?" Iniiba niya ang usapan.

"Talagang malilintikan ka pag di mo sinabi ang totoo. What did you do this time?!"

"I swear! Wala nga akong ginagawa! Ano bang problema mo?!" And now she's mad. Let's see.

"Kakaladkarin kita papunta sa field o sasabihin mo ang totoo? I prefer the first choice, Isabella. But I'll let you decide," kahit nakamake-up pa siya ay putlang putla pa rin.

"Fine! Pinahirapan ko si Avery! I'm pretty sure that her body hasn't recovered yet right now! She deserves it—" masasampal ko na sana siya nang pigilan ako ni Knight.

"Dude, babae pa rin yan," huminga ako nang malalim.

"You'll tell me where she is or I'll kill you here, right now,"

"S-sa likod ng dormitory building! Shit. Stop this madness, will you?! Ako dapat ang pinapanigan mo at hindi ang babaeng yun!"

Napailing na lang ako sa kabaliwan niya at saka tumakbo papunta sa direksiyon sa likod ng dormitory. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Isabella pero hindi ko na yon pinansin.

Nakita ko siya agad na nakatali sa isang puno. Kahit ang bibig niya may takip din.

Kinuha ko ang isang maliit na kutsilyo na nakasabit sa bewang ko. Pinutol ko lahat ng lubid saka tinanggal ang takip sa bibig niya. Napahiga siya sa lupa nang matanggal siya sa pagkakagapos.

Lalo akong napamura sa nakita ko. Ang dami niyang pasa. Kulay violet ang kaliwang mata niya at namamaga ang mga braso at binti niya.

Damn those people. They will surely pay for this, big time.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang hikbi niya.

"Sshh. Stop crying. Hush now. Just rest, my queen. They will suffer in hell because of this," maingat ang ginawa kong pagbuhat sa kanya dahil sa dami ng pasa niya sa katawan. Dinala ko siya sa clinic at binilinan ang nurse. Dumiretso ako sa office ng Top 3 students at pinuntahan ang microphone na nakakonekta sa lahat ng speaker sa campus.

"To all the students, go to the school field right now. Or else, you will see the death after you,"

Napatingin ako ka Knight na kakarating lang. Sa puntong ito, ngayon lang ata kami magkakasundo.

"You know what to do, Robins"


Enchanted VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon