CHAPTER 6
"It seems like you're spacing out. Are you really okay? May iba pa bang nangyari bago ka munti nang lapitan ng mga lobo?" he snap his fingers in front of me.
"No. Wala na. Okay lang ako, really," I said. Ugh. Nakakahiya yung inasal ko. Tumango sya kahit mukha namang hindi pa siya gaanong kumbinsdio sa sinabi ko.
"Anong floor ka tsaka anong room number?" sabi niya.
"3rd floor. Room no. 45" sagot ko naman. Ah. Di ako makatingin. Nakakahiya talaga.
"Shoot! Magkatabi lang pala ang room natin. Let's go?" tumango na lang ako at naglakad na kami papunta sa dormitory building.
"Wait. Bakit magkasama sa isang dormitory building ang boys and girls? It should be seperated, right?" I suddenly asked. Napakamot naman siya ng batok.
"Ehh...di ko alam. Ganito na dito talaga eh. I don't know why. And don't worry. Wala pa namang nangyayaring masama kahit na magkasama ang mga babae at lalaki sa iisang dormitoryo," explain naman niya. Tumahimik na lamang ako at hindi na muling nagsalita. Nasa 3rd floor na kami nang bumungad sa amin si Chase na masama ang tingin sa aming dalawa at sa kamay naming magkahawak. Hindi naman literal na magkahawak dahil hindi naman nakasalikop ang mga daliri ko sa daliri ni Knight. Hawak lamang nya ang palad ko nang hikayatin na nya ako para umakyat, which seems to be, hindi ko na napansin.
"Good evening?" bati ko sa kanya na may halong pag-aalinlangan. Bumitaw na rin ako sa pagkakahawak ni Knight sa kamay ko. Mas matalim ang mga tingin niya ngayon. Sa tingin ko ay dapat kong bigyan ng degree ang bawat masamang tingin niya based sa intensity nito. And this look will be called as "The Degree of Dagger Looks".
"Tss.. It's already late. Aren't you supposedly having rest in your own dormitories right now?" he said gruntly. So far, that's the longest dialouge that I've heard from him. Is he mad? And does he even care? I don't think so.
"What's wrong, dude? We're just about to go in our dormitories now. And yet you're blocking our way," Knight said in a serious tone. I can sense something wrong with these two. Do they have personal issues with each other?
"You, little brainless. You better go to your room before the sun sets. Or else..." sabay baling kay Knight. That's creepy. What the hell is wrong with him?! Goosebumps is all over my body.
"Chase, ano ba? Wag mo ngang takutin si Avery!" may bigat na sabi ni Knight kay Chase sabay hawi sa akin papunta sa likod niya. Protecting me from the Cookie Monster.
"I'm not scaring her. Just warning her. It's not safe for her to roam around. Lalo na ngayon..." may laman ang huling pangungusap na kanyang binitawan. Maging ang pagbanggit ng salitang 'warning' ay may diin. Nagkatitigan sila ni Knight. Para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata.
Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng aking pansin. Kasabay ng kanilang pagtititigan ay ang paghuni ng isang malaking itim na uwak na kulay lila at itim ang mga pakpak. Ang mga pulang mata nito ay nakatitig sa akin habang humuhuni ng isang tono ng kanta na pamilyar sa aking tinig. Ang boses niya ay hindi pangkaraniwan. Masarap pakinggan ang huni ng ibon. Ngunit hindi ang isang ito. Nakakakilabot. Hindi boses-ibon ang kanyang tinataglay. Isang boses na para bang narinig ko na kamakailan lamang. Ang kanyang huni ay para bang hinihipnotismo ako.
At nawalan na nga ako ng malay...
Nagising ako nang apat na mukha ang nakikita ko. Hindi ko ito maaninag nang ayos dahil nanlalabo pa ang aking paningin. In-adjust ko muna ang aking paningin at saka ko tinignan ulit ang apat na mukha na iyon. Ah.. Dalawa lang pala. Si Knight at Chase. Halata kay Knight ang pag-aalala sa mukha niya. Hmm...si Chase? Nevermind. His forehead are creased. Halos magdikit na nga ang kanyang mga kilay.
"Asan ako?" medyo mahina pa ang aking boses. Masyadong pagod. Ganito ang boses ko sa tuwing nahihimata—
"Asan na yung uwak?" tumingin ako sa paligid. Nasa isang kwarto ako. Kwarto ko sa dorm ko.
"Ok na ba ang pakiramdam mo, Avery? May masakit ba? May gusto kang kainin? Inum—" hindi na niya natapos ang pagsasalita niya dahil may pumigil dito.
"Shut your loud ugly mouth, Robins. You're not helping. Nagging her might cause her dizziness, idiot," ang sungit na naman ni Chase!
"Tss. May gusto ka ba, Avery?" baling naman sa akin ni Knight at hindi nalang pinansin ang sinabi ni Chase.
"Oo" sagot ko.
"What do you want?"
"Anong gusto mo?"
Sabay pa talaga ha. Ano bang meron sa kanila? I looked at them with disbelief.
"Gusto kong magpahinga nang ayos at tahimik. Pwede bang lumabas muna kayo? Hiyang-hiya naman kasi ako diba? Kwarto ko kasi to, tapos, kayo yung nag-iingay—nagbabangayan pala. Nakakahiya tuloy sainyo," take that with a bunch of sarcasm. Nakakairita. Ano bang problema nila?
"Fine. Just be observant to your surrounding," pagkasabi nun ni Chase ay dumiretso na sya sa pintuan. Good.
"No. I'll stay. I'll stay here for the whole night. Just to make sure that you are safe," Knight is so serious. Alam ko namang nag-aalala lang siya. But I want to be alone first. He can talk to me tomorrow for the whole day but not now, will he? Napatigil naman sa paglabas si Chase dahil sa sinabi ni Knight. Don't tell me, mag-aaway sila?
"Leave her alone, Knight. Let Avery have a good rest. She wants to be alone. Give it to her," he said casually. But his eyes. Looks like there's something deeper about his words. His piercing eyes are looking dangerously to Knight.
Tuluyan na nga silang umalis. At nakatulog na ako nang ayos kagabi. At ngayon? Naglalakad ako sa malawak na field ng school na ito papunta sa building ng room ko.
Ang pinagtataka ko ay kung bakit halos lahat ay nakatingin sa akin. I don't think that it's because I'm a transferee since I'm already over with that yesterday. The way they look at me? Hell, did I do something wrong? They look at me like I'm a filthy criminal here. I was busy looking around when Autumn approached me.
"Avery, have you already watched the video? I found it sweet!" she said in an exaggerating voice. Video?
"What video are you talking about?" I asked curiously. Nilabas niya ang iPhone niya at ipinakita sa aking ang videong iyon. Ito yung nasa 3rd floor na kami at may nabubuong tensyon sa pagitan ni Knight at Chase. Then, I fainted.
Pareho silang nakaalalay sakin kaya hindi ako bumagsak sa sahig. And worse? Nagtalo pa talaga sila kung sino ang magbubuhat sa akin! Hanggang si Chase na nga ang nanalo at dinala ni Knight ang bag ko. Pagdating sa tapat ng kwarto ko ay kinuha ni Knight ang susi sa bag ko at saka sila pumasok habang buhat ako ni Chase.

BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?